Chapter 1: Regrets

11 0 0
                                    

Here's the first chapter, enjoy..

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

"Don't blame yourself on things that already happened especially when you not mean to do it, maybe it happens because of fate and nothing you can do about it. "

Shaarie's POV•

Nasa park kami ngayon, kasama si mommy at daddy, masaya kami at parang walang problemang inaalala.

Pero sa kasamaang-palad, hindi ko inaasahan na ito din ang araw na pagsisisihan ko buong buhay ko.

"Mommy, Mommy." tawag ko kay mommy habang hawak ko yung damit nya.

"Ano yun baby?" tanong nya, habang hawak ang cellphone.

"Gusto ko ng ice cream." sabi ko, habang tinuturo yung tindero ng ice cream sa kabilang kalsada.

"Sandali lang 'nak, may kausap pa si mommy. Hintayin mo ako."

"But I want ice cream now."*pout*

Dahil ayaw naman akong samahan ni mommy, ako na lang ang pupunta dun.

Tumawid na ako ng kalsada, pero hindi ko alam na may paparating na pa lang kotse.

*beep* *beep*     *screeeeeech*

Ipinikit ko na lang yung mata ko, habang hinihintay na my maramdaman ako, pero wala.

Sunod ko na lang na nakita ay nkahiga na si mommy sa kalsada full of blood, I was dumbfounded on what I saw. Wala na yung kotse na bumangga kay mommy, hindi na namin nakita.

"Mommy, mommy, *sob* wake up, huhuhu." I was crying while shaking her.

"Daddy, daddy, *sob* si mommy, ayaw nya *sob* gumising,huhuhu." tawag ko kay daddy, but he was just standing there while crying.

"Mommy, mommy, *sob* hindi ko po sinasadya na suwayin yung utos nyo,*sob* sorry po, gumising na kayo dyan, *sob* promise po i'll be a good daughter after this, *sob* please mommy! don't leave me!"

"Arie, Arie, gumising ka apo." paggising sakin ni lola.

"Hmm...hmm...lola?" pagbangon ko habang pinupunasan yung luha ko.

"Nananaginip ka nanaman, inaalala mo nanaman yung nangyari 10 years ago. Ilang beses ko bang sasabihin na hindi mo kasalanan yun apo, kaya wag mong sisihin yung sarili mo hah. Bumangon ka na dyan at may klase ka pa, hihintayin na lang kita sa baba." sabi ni lola at umalis na sa kwarto ko.

"Hay, pasensya na po lola, at pinag-alala ko ulit kayo."

Bumangon na ako and prepare myself for school.

Ay! Hindi pa pala ako nakapagpakilala, ako si Shaarie Xane Samson, 16 years old at 1st yr college sa West Hilton University, taking Fashion and Arts.

Tulad ng sabi ni lola, nangyari yung aksidente sa panaginip ko 10 years ago, at hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa pagkawala ni mommy at pagkasira ng pamilya namin.

Hindi matanggap ni daddy ang nangyari kay mommy kaya iniwan nya ako kay lola, pati mga tita at tito ko sinisisi ako sa nangyaring yon, pero si lola lang ang umintindi sakin.

Mahal na mahal ko si daddy pero sya na mismo ang gumawa ng paraan para magkalayo kami.

Pagkatapos maligo ay kumuha na ako ng damit sa closet ko, kinuha ko lang yung jeans, simpleng t-shirt at sneakers, pra kumportable ako, tinali ko rin yung buhok ko.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon