@ Xianne's P.O.V @
"Heart Xianne Cuevos!"
nagulat ako ng biglang sumigaw ang teacher namin kaya bigla akong napatayo.
Nak ka ng.Nakatulog na naman pala ako sa klase. -_-"
"S-Sir?"
"My class is not a bedroom.Naturingan ka pa namang scholar tapos tinutulugan mo lang ang klase ko."
"Sorry po Sir Evangelista. I promise that it won't happen again."
then yumuko ako.
"Good.You may sit down now."
umupo na ako ...nang bigla kong naramdaman na parang may sumisiko sa'kin.
Si Dennisse pala ,yung Bestfriend ko.
"Ano ka ba naman Xianne ? Bakit ba parang antok na antok ka?"
"Eh kasi naman ,May work na ulit ako kahapon.Sa Coffee Shop from 3:00 pm to 8:00 pm.
sympre first day sa work kaya kelangan magpakitang gilas tapos inabot naman ng 12:00 am yung work ko sa Bistro kasi andaming tao." -Pabulong kong sabi
You heard it right,oh I mean you read it right mga readers
I'am a self supporting student.Wala akong nakilalang mga magulang,Sabi sakin ni Tita Eve yung kumupkop sa'kin.Nakita nalang daw nya ako sa labas ng pinto,isang gabing umuulan.Kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya
Buong Elementary si Tita Eve na nagpa aral sa'kin,But nung nag High School ako, sinabi ko sa sarili ko na tutulungan ko si Tita Eve.Kaya minsan sumasideline ako.Tapos nung dito na ko sa Manila nagaral,nagdorm na ako.tapos every after class pumapasok ako sa work and just I said sa Coffee Shop from 3:00 pm to 8:00 pm and sa Bistro naman from 8:30 pm to 11:00 pm pero pag madaming to inaabot kami ng 12 or 1:00 am.
"Bakit kasi ayaw mo nalang sumama sakin.Magmodel kana din gaya ko.'
"Ano ka ba naman Dennisse,hindi ko linya yang Model-Model na yan.Pati tignan mo itsura ko."
"Tss..Maganda ka naman eh.Hindi ka nga lang siguro marunong mag ayos.Pati para to meet new friends."
"Friends ?? wag na oy.Kuntento na ko na merong nagtyatyagang magandang nilalang sakin." ^__^v
"Haha.You're funny.That's why I really like you."
*KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!!*
(tunog ng bell..Lunch time na)
"Xianne,sorry ha.hindi kita masasabayan sa lunch.Mag uusap pa kasi kami ni Dylan."
"Oo na..Ayos lang.Sige lakad na ..ayiee alam ko namang hinihintay kana ng Prince Charming mo."
"hihi ^///^ .Ikaw talaga ..Sige Bye na "
Yun at umalis na nga ang aking Dearest Bestfriend.
Oo nga pala.Ako nga pala si Heart Xianne Cuevos,I am a Senior High Student,16 years of age.My friends call me Xianne,I mean my FRIEND call me Xianne.Si Dennisse lang naman friend ko eh.
Si Tita Eve naman ,Heart ang tawag sa'kin.
Yun nga may dalawa akong work after school then 7:30 am ang pasok ko sa umaga...Yun lang ang daily routine ko ... Dorm,School,Work.
I'm on my way dun sa tinatambayan kong place dito sa school pag hindi ko nakakasabay si Dennisse.
Nasa may likod yun ng Library tapos may malaking puno dun.Minsan dito din ako pumupunta pag kelangan mag-concentrate like sa reviewing.
Yun nga ...kumain na ko ...then after tumambay pa ko ng konti.Pakanta kanta pa nga ako nun .Lakas ng loob kong kumanta no..Wala naman naliligaw na students dito maliban nalang sa mga tagaglinis at ilang teachers.
"I'll be your crying shoulder.
I'll be your love suicide.
I'll be better when I;m older
I'll be the greatest fan of your life"