Vehicle Story (2): UV

7 1 0
                                    


Tama. Yung araw na yun. Paano ko nga ba makakalimutan?

Pababa na ako nun ng UV pero natigilan ako nang may mag-vibrate sa may gilid ng inuupuan ko. May cellphone, iPhone, at may tumatawag. Since nasa may pinakadulo na ako ng UV, kinuha ko yung cellphone at sinagot habang pababa ako ng sasakyan.

Hello? sin-

Hindi ko pa man natatapos yung sasabihin ko, may nagsalita na sa kabilang linya

Hoy! Kung sino ka man na kumuha ng cellphone ng kapatid ko, ang kapal naman ng mukha mo na nakawin yung cellphone ng kapatid ko! At sinagot mo pa talaga ha!!? Ang lakas din ng loob mo na manguha ng gamit na hindi naman sayo! Magnanakaw ka!

I was so shocked!

Nailayo ko sa tenga ko yung cellphone dahil hindi naman halatang galit na galit yung kausap ko no? Halos mabingi ako sa lakas ng boses niya

Ah miss, nagkakamali ka. Wag judgemental please?

Nasabi ko nalang sa sobrang pagkamangha

Ate naman...

Ano!??

Ako na nga ang kakausap.

Rinig ko sa kabilang linya. Napailing nalang ako.

Hello

Boses ng isang lalaki

Nakita ko lang yung cellphone mo sa UV, naiwan mo yata. Kung gusto mo, makipagkita ka sakin para maisoli ko sayo.

Inunahan ko na. Baka mapagbintangan pa.

What!!? Makikipagkita ka!? Malay mo ba kung sino yan!? Malay Mo ba kung ginogoyo ka lang niyan!!? Cygie, mag-isip ka nga!!

Narinig kong sabi ng babaeng kausap ko kanina sa kabilang linya.

Namamangha akong napatitig sa cellphone na hawak ko.

Tss ibang klase 🙄

Ate pwede ba!?

Hello?

Tinig nung lalaki

Yes?

Napapairap na sagot ko 🙄🙄

Pasensya ka na sa ate ko. Nasan ka ba ngayon? Okay lang ba na ngayon na tayo magkita?

Sinabi ko sa kanya kung nasaan ako.

Ayos lang naman sakin yung idea niya. Napagkasunduan namin na magkita sa isang food stall sa loob ng isang mall na malapit sa binabaan ko.

Naghintay ako for less than forty minutes, at tumunog ulit yung cellphone.

Hello, nandito na ko. Nasan ka na? tanong niya

Nandito na ko sa may food stall na napag-usapan natin.

Okay, I'm on my way there. Wag mo munang ibaba yung linya.

Ganun nga yung ginawa ko.

Kumaway ako nang may nakita akong lalaki na may kausap sa phone at may hinahahap para makita niya ko.

Nakita niya naman ako agad.

Tinitigan niya muna ako bago siya tuluyang naupo sa harap ko.

Pinatay ko na yung call. Inilapag  ko yung cellphone sa table at inusad  papunta sa kanya.

Yan na yung phone mo. Next time mas maging maingat ka sa gamit mo para hindi mawala.

Nakangiting sabi ko sa kanya at saka tumayo para umalis na sana.

StuckWhere stories live. Discover now