"Trip Lang Pala"

53 0 0
                                    

"Bea may transferee ,ang cuuuute",

kinikilig na sabi ng best friend niyang si Leila.

curious na pinasimplehang sinulyapan ni Bea

ang nginunguso ng kaibigan,habang kausap ng teacher ang nanay nito."yan,cute?di ka naman kasi nag almusal kanina.umayos ka nga"

pero deep inside,my mga paru parong nagliliparan sa sikmura ni Bea.

iba ang dating ng bagong dating sa kanya.

bandang uwian ng hapong yun,nagulat si Bea ng nakipagkilala sa kanya ang bagong kaklase nila.Shane daw ang pangalan at galing Palawan.habang kilig na kilig ang kaibigan,pilit namang nilalabanan ni Bea ang kabog ng dibdib habang kinakamayan sya ni Shane.

Mula ng araw na yun,di na sya hinihiwalayan nito.ibang iba ang lalaking ito sa lahat ng nakilala na ni Bea.sobrang tamis ng dila,na parang nag eensayo talaga sa galing mambola.di nagtagal,naramdaman na lng nya na nahuhulog na ang loob nya kay Shane.

sa loob ng anim na buwan,naging napaka busy ni Bea sa school dahil graduating na sila noon.sa lahat ng mga competition na sinasalihan nya,laging andun si Shane na naka suporta sa kanya.sa lahat ng mga practice sessions nya,laging naka abang sa kanya,dala2 ang binili nitong snacks para sa kanya at notes na ginawa nito para mapag aralan nya ang mga na miss nyang mga subjects dahil sa rehearsals.

napakamaalalahanin nito.

di nagtagal,sinagot na ni Bea si Shane.yun na pala ang simula ng pagbabago ng lahat.palagi na lng silang nagkaka problema.doon na lumabas ang ka supladohan at ka sinungaling nito.mahilig din itong gumawa ng mga kwentong barbero.ang galing2 din pala nitong mag drama basta makuha lng ang gusto.at binabale wala nito ang mga effort ni Bea na magkita sila kung walang klase,basta kasama nya ang mga kaibigan.

naging bulag si Bea sa lahat ng mga negatibong traits ng nobyo dahil isa siyang inosente sa mga bagay na ito.unang nobyo kasi nya.kahit naglalandi ito na kaharap siya,di na lng nya pinapansin.iniintindi na lng nya ang kalikutan nito kahit ikinakasakit ng loob nya.awang2 ang best friend nya sa kanya.kontrang kontra naman ng mga teacher nila ang pakikipagrelasyon nya kay Shane.hindi daw sila bagay.di magka level.

isang araw,magkasama silang nag outing sa isang resort.ang sweet2 nila.parang ayaw na ni Bea na matapos ang araw.hinatid pa nila pauwi si Shane ng hapong yun.masayang masaya si Bea hanggang sa panaginip.kinabukasan,nakatanggap sya ng maagang message mula kay Shane na nakikipag break na ito sa kanya dahil may iba na syang mahal.parang sinabogan ng bomba si Bea.parang,ano ulet yun???

di ba ang saya2 pa natin kahapon????

umiyak sya,nagwala,tinatanong ang sarili kung saan sya nagkulang.kung anong kasalanan ang nagawa nya dito upang saktan sya ng ganito.pinaliwanagan sya ng kanyang ina at mga kapatid na sadyang may mga taong ganyan.nagkamali lng sya sa pagpili ng mamahalin.ngunit hindi ito katapusan ng mundo.marami pang darating na magmamahal sa kanya ng higit pa,ng totoo.

maraming nagmamahal kay Bea.ang pamilya nya,ang best friend nya,at napakarami nyang admirers na nakakahigit kay Shane kahit saang anggulo mo tingnan...

napag isip isip ni Bea na tama lahat na sinasabi nila.una pa lang ito.masakit na karanasan pero kung magiging matatag sya ,she will come out a winner.kasi naging mas malakas sya ngayon dahil sa experience na yun.nagising sya sa pagiging naive at inosente.sa susunod,hindi na sya padadala sa matamis na pananalita.sa mga pangakong napapako.di na nya paliliitin ang value nya sa nakapanliliit na treatment ng kung sinong feeling Johnny Bravo na lalaki.

iba na sya.kaya na nyang lumaban.magiging mas malakas na sya.sabi nga ng kanta,"we're not broken,just bent....kaya ihahanda pa nya ang sarili para sa mas mabuting tao na siguradong darating sa buhay nya sa tamang panahon..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Trip Lang Pala"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon