CHAPTER 2

30 5 0
                                    

Angie's POV

"Hana tapatin mo na ako ngayon din." Sabi ko sa gitna ng mga hikbi. "Pangit ba ako? Kasi parang lahat na lang kinamumuhian ako eh. Parang lahat ng tao ayaw sakin. Kasalanan ko ba na masungit ako sa mga lalaki? Diba kasalanan nila yun kasi sila ang tumakot sa mga kababaihan na magmahal ulit dahil paulit ulit nila itong dinurog durog hanggang sa wala na itong maramdaman dahil tumigas na ito at wala ng pintong bubukas muli sa mga kumakato dito." Sabi ko sabay turo sa may parteng dibdib ko.

"Hindi Angie maganda ka. Sa loob at panlabas. Hindi lang nila makita ang kagandahang pilit mong inaalis sa mfa mata ng tao."

"Kung ganon bakit niya ko iniwan at sinaktan."

FLASHBACK
(GRADE 11)

Ilang linggo na ang nakakaraan mula nang magkita kami ni Leam. Ni tawag o text man lang wala akong natanggap.

Pati rin ang bestfriend kong si Kathie ay di ko rin macontact.

Nakarating ako sa school nang maaga kaya napagpasyahan kong kumain na muna sa cafeteria ng school kasi di pa ko kumakain ng breakfast.

"Manang dalawang kanin po tsaka isang caldereta at isang adobo." Hinintay kong dumating ang inorder ko. Dumating ito sa table ko nang may matandaan ako. "Ayy manang samahan ninyo na rin po ng banana cake." Nakalimutan kong may pera pa pala akong naipon sa bag ko at pwede pa akong bumili ng pagkain kasi gutom ako. Di halata noh?

Nom

Nom

Nom

Ang charaaap. Nakakabusooog. Binayaran ko na ang kinain ko.

Papalabas na ako ng pinto nang dumaan si Kathie sa harap ko na parang dinedma lang ako.

"Uyy beh wala ang first subject teacher natin kaya may free time tayo." Sabi nung kasama ni Kathie.

"Kaya nga eh. Ano kaya ang magandang gawin mamaya?" Sabi naman ni Kathie.

"Sus alam ko na naman ang gagawin mo eh. Magkikita kayo ng patago ng boyfriend mo."sabi naman nung isa niya pang kasama.

"Wag ka ngang maingay baka may makarinig sayo."suway sa kanya ni Kathie.

Naku Si Kathie lumalablayp na rin. Dati ang bitter bitter niyan sakin at kay Leam nung naging kami tapos ngayon meron na rin siya. Patago pa.

Wala daw kaming subject teacher eh kaya napagpasyahan kong pumunta sa band room namin. Tama kayo ng basa isa akong miyembro ng banda sa school namin at isa ako sa vocalist. Dalawa kami yung isa si Jeff.

Nandito ako ngayon sa band room namin at naisipan kong mahiga muna nang may kumatok sa pinto at iniluwa nun si Hana.

"Sabi ko na nga ba nandito ka eh." Pambungad sa akin ni Hana. "Kanina pa kita hinahanap. Akala ko nga nandun ka sa puno para hintayin si Leam eh pero pagdating ko dun ay wala ka naman kaya naisipan kong baka nandito ka." Sabi niya. Pwro teka tama baka nandun sa puno si Leam.

Dali dali akong tumayo at lalabas na sana nang pigilan ako ni Hana.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya

"Saan pa ba edi dun sa puno. Baka sakaling nandun si Leam. Magbabakasakali lang. Salamat ha." Pagkasabi ko nun ay kumaripas na ako ng takbo. Nakita ko pa rin na hinahabol pa ako ni Hana.

Pagdating ko dun sa puno, pinagsisihan ko na pumunta pa ako. Sa isang pangyayari gumuho ang mundo ko.

Nakita ko ang di ko inaasahang pangyayari. Si Leam na kaharutan si Kathie na nasa taas ng puno.

Gumunaw ang mundo ko kasabay ng pagdaan ng mga luha sa pisngi ko.

Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan kong tao. minsan ay siya ang nasasandalan ko sa mga oras na kailangan ko ng understanding. Hindi nila ko nakita kaya tumakbo na ako paalis dun kasi di ko na kayang tingnan ang ginagawa nila.

FATED PATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon