Sumulat ako ng isang Tula tapos ikaw ang ginawa kong simula.
Sumulat ako ng Tula na ikaw ang ginawa kong simula.
Inisipan ko din ng malalalim na tugma para sa maamo mong muka. ?
Sinubukan ko din dagdagan ng kulay at nilagyan ko ng buhay.
Kung saan ikaw ang nag silbing pintura at ako ang iyong pang kulay.
Sa mundo kong panay dilim ang nakikita At Sa mga lugar na ikaw at ako ang magkasama
Magkahawak ating kamay habang tayo'y nag lalakbayPinagmamasdan ang mga Lugar na
tinatahak natin ng magkasabayNangangarap ng pareho ng mga nais natin sa Buhay.
Magpakasal sa simbahan at magkaroon ng mga anak at bahayNgunit ang planong katulad ng
malinaw na tubig sa basoAy unti-unting lumalabo katulad ng nasirang Gripo.
Alam mobang Inisip ko lahat Yung mga salitang aayon at tutugma sa tulang isinulat ko,
Subalit katulad ng aking pag tingin sayo.
Ay pag layo mo sa nararamdaman koPakiwari ko'y dinaig mopa ang salamin na mataas ang grado.
Dahil kung gaano kalinaw pagtingin ko sayo , Ay kasinglabo naman ng relasyon na sanay meron
tayoDahil Kung gaano naman kita ka gustoAy kabaliktaran naman ng pakiramdam mo sa
nararamdaman ko.
Bakit nga ba may mali sa tulang aking ginawa Na aking binuo upang ito sana ay magtama.
Oh nag kamali ba ako sa pag gamit ng mga salita?
Kaya yung Pang halip na IKAW at AKO ay hindi Nag TUGMA , Alam mo bangNangarap akong
mabuo ang tulang ito na iaalay ko sana para sayo.
Katulad ng pangarap ko na mag karoon Sana ng Tayo.
Yung bang masasabi kona tayo talaga hanggang dulo. Kaya nga lang ang tula ay unti unting
napupunit , nahahati sa gitna hanggang sa naging Tatlo.
Bakit nga ba mahal kita,mahal mo siya,tapos mahal ka rin niya.
Ang sakit isipin na ang tulang isinusulat ko ay hindi naging magandang kwento ng pag-iibigan nating dalawa
Ganito pala kasakit ang paglikha ng isang tulaNa iaalay mo sa taong hindi inilaan ng Dios para sayoBakit nga ba ganito kasakit tapusin ang isang tula.
Tula ng pag-ibig ko para sa kanya At tula ng pag-ibig niya na para sa iba.
Masakit palang gumising sa bangungot ng katotohanan na kahit kelan ay hindi tayo ang
magkakatuluyan At ang Pag-ibig na inaakala ko na isang magandang Nobela.
Ay Uri pala ng Maikling kwento nang pagmamahalan nating dalawa.
Dahil may ahas na nag sasalita na karakter ng isang Pabula.
Kaya yung Sanaysay na naglalamanNg damdamin at kuru-kuro natin pareho.
Ay unti-unting hindi nabigyan ng magandang kwento.
At yung mga Tugma sa Tula ng pag-iibigan na meron tayoNa pinipilit kong tumama ang bawat dulo.
Alam mobang Walo hanggang labing dalawahing pantig ang pinipilit ko.
Kasama pa ang mga sukat, tugma at taludtod nitoSubalit hindi ko parin ito mabuo Katulad
nung relasyon na meron sana tayo Marahil siguro'y may kulang sa bawat tugma na ginagawa ko
At alam mong ikaw yun mismo
At Yung romantisismo ng pag-ibigNa ninanais kong magkatotoo.Yung katulad ng kwento ni
Maria clara at crisostomoAy naging realismo ng katotohanan na hindi na maaari maging tayo
Katulad ng nangyare sa noli at El Filibusterismo. Parang nakakalokong bugtong ng pag-ibig.
Na walang tamang sagot sa bawat titik. Oh tamang tugma katulad ng sa pag-ibig.
Kaya pait ang palaging aking sinasapit.Bakit nga ba masakit tanggapin ang katotohanan Na
hindi talaga tayo ang inilaan Ayoko mang magising sa Bangungot ng katotohananNa ikaw at
akoy hindi maaaring mag katuluyantatanggapin ko ang panaginip kong ito Katulad ng pag
tanggap na hindi mo ako gusto.
Salamat sapagkat natuto akoNa lumikha ng mga tula ng tugma ng pag ibig ko sayo.
Bakit nga ba sumulat ako ng tula na ikaw ang ginawa kong simulaInisipan kopa nang malalalim
na tugma para sa maamo mong mukhaBakit nga ba sumulat ako ng tula Na ikaw ang pinili
kong simulaNgayon alam kona ang sagot Hindi kase tayo ang itinadhana Bakit nga ba hindi ka
marunong magpahalaga ng tamaKatulad ng pag pakikinig mo sa aking tula.Bakit nga ba sayo
pa ako nag simula. . Mag tatapos lang din pala sa wala. . .Katulad nitong aking tula
(C)ItinnaTinta
BINABASA MO ANG
Sumulat ako ng Tula
PoetryTula para sa mga taong nagmamahal na binaliwala ng taong minamahal nila