Part 1

17 0 0
                                    

Part 1- Dream Lang?

 

"Gutom na talaga ako. Anubayan kanina pakong pauli-uli dito".

Kukuha na sana ako ng bayabas dun sa puno ng may biglang lumabas na Big Worm! Hindi dun sa loob ng bayabas hah! Dun sa likod ng puno ng bayabas! Opo. Ganun sya kalaki -_-"

 

"Waah! Waah!" takbo lang ako ng takbo hanggang makarating na kami dun sa darker side nitong place nato. Diko na alam kung san ako pupunta. Nagtago nalang ako sa isang malaking bato. Biglang sumigaw ung Big WOrm.

 

 

Grabe hah. Nabingi ako. Supaaar. Ung totoo? Tapos non, wala na akong naparinig kundi paghinga ko. OA much ba? Wow lang. Pwede na kaya akong tumingin palikod? Ligtas na akaya ako?

 

 

"Hoy umalis kana dito! Namatay na ung hinahabol mo! Wag mong sabihing detrivore ka para mag double-dead ng prey? Uwi na! Dali! Shupi!" Sigaw ko yan lahat habang nanginginig with matching pakagat- kagat sa kuko.

 

 

 

Haharap na sana ako kaso may biglang humawak sa bibig ko.

"Waah! Waah!" sigaw ko habang hawak ung kamay nya.

 

"Wag kang matakot."

 

Ay naging tao ung bulate? Naks. Lakas maka-transform.

 

"Pinatay ko na ung malaking uod na humabol sayo."

 

Tinanggal nya na ung kamay nya sa bibig ko tapos humarap ako sa kanya.

 

"Thank you hah"-Ako

"Ah wala un"-Sya

 

Tapos ngumiti sya saken. Shet. Ang gwapo. Nasa langit na ata ako. *korne* Tapos ung super na nakatawag ng pansin ko ay ung dimples nya. 

 

At syempre, hindi muna ako nakasagot dahil pinunasan ko ang tumulo kong laway at itinaas ang nahulog kong panty.

 

Syempre joke lang! Napatulala lang ako ng 5 seconds tapos winave nya ang kamay nya para alisin ang pagkatulala ko na obviously na pang-HD (Hidden Desire) :D

 

"Okay ka lang?" tanong nya saken

"Oo naman. Salamat ulit hah? Taga rito ka ba? Tsaka.. nasan na ung malaking halimaw na un?"

 

"Ah taga rito nga ako. Tsaka ung uod? Napatay ko na. Yun oh! Nasa likod mo."

 

Tumingin naman ako sa likod para tignan ung uod. Pero eew lang. Eew lang talaga. Nahati sa gitna ung uod na bulate or ewan. Pero tumingin na uli ako sa nagligtas saken. At pagtingin ko, nakangiti parin sya saken. 

 

Umaygad! Nubanaman kooooya. Nawawala ako sa sarili ko e!

 

"Huy! Kanina ka pa ata titig na titig sa dimples ko? Ayos ka lang ba?" tanong nya saken habang nakahawak sa nape nya.

 

"Ahahaha. Di ah" sagot ko naman. Pero parang feel ko namula ako nung sinabi ko un.

 

"Ah. Tara na?" bigla nyang inabot sakin ang kamay nya. Grabe. Namula uli ako. Teka. Basa ung kamay nya. Anu ba ibig sabihin nun?

 

Normal Explanation: Pasmado lang yan! Wag kang manyak please.

Manyak's Explanation: *censored censored censored*

 

Ahahaha. Joke lang po. Pasmado sya! K?

 

"San naman tayo pupunta?" tanong ko naman dito.

"Sa lugar kung san tayo pwedeng magmahalan"

O_o

"Hah? Seryoso ka?" Grabe. Ang landi landi landi landi landi ko to the 99th power. Ano bang klaseng tanong yon. Edi syempre hindi sya seryoso! Siguro kung katext ko lang tong lalake nato tapos eto ung reply nya sakin, nasuntok ko na ung katabi ko sa sobrang kilig. *Landi Much*

 

Tawa sya ng tawa kaya ayun. Nalabas pa lalo ang nakakabaliw na dimples nya. Wooooohhhhh! 

 

"Joke lang. Tara nalang sa puso mo?" tanong nya.

Nako :""""""">

 

"Ahahaha. Anu namang gagawin natin dun?" Ewan ko pero sinakyan ko na lang din sya.

 

"Magvo-volleyball. Ahahahaha. Hinde. Seryoso na talaga. Dadalhin kita sa safe place! Tara na". tapos inabot nya uli ang kamay nya. Nagalakad kame hanggang dun sa so-called vehicle nya.

 

Wow hah?

 

Wow lang talaga?

 

Goat na may wings? Gosh! Tinalo pa nya si Pegasus. Rainbow ang wings tapos may pink eyes? Tarushh. Pakk! Iba na nga naman pag hi-tech na ang mother earth. So back to business.

 

Sumakay na kami dun kay ?! Ewan ko sa pangalan nun basta parang babae ung goat na yun eh. Pink eyes nga diba? Alangan namang may babading-bading na mythical creature. Wahahaha

 

"Malapit na ba tayo?" tanong ko sakanya habang nakatingin patalikod. Eh kasi naman sya ung nasa likod ko habang nalipad kami. Nikikilig ako shet.

 

"Mejo malayo pa e. Kung inaantok ka, humiga ka na lang sa dibdib ko hah?"

 

Oh no. Maghy-hyperventilate na ata ang dibdib ko sa sobra kong kalandian.

 

"Ha? Okay lang naman ako. Hindi ako inaantok". Sinabi ko un pero sa loob-loob ko, sana dalawin ako ng antok. Landi much. Ayoko kasing magtulug-tulugan. Kasi sabi nila, madali daw makahalata ang mga lalaki kung nagtutulug-tulugan lang ang mga babae.

 

Inilapit nya sakin ang mukha nya tapos parang may ibubulong sya saken patalikod.

 

"Crush mo bako?"

 

Ha?????

 

Haharap palang ako ng patalikod nang bigla nya akong hinalikan.

 

--End of Part 1--

His Dimples <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon