SINO ANG TATAY MO?

896 0 0
                                    

Halos kaming lahat na labing isang magkakapatid ay malapit sa aming ina. 

Halos lahat kami ay pinalaki at inaruga ng aming panganay , si Kuya Nesto. Ang lahat ng alam ko tungkol sa aming ama ay ayon sa kwento niya sa amin.

Ewan ko nga ba bakit laging nag-aaway ang aking mga kapatid at ang tatay?

Babaero daw ang tatay namin! Pero lipas na iyon. Ganoon na lamang ang galit ng mga kapatid ko sa kanya. 

Bukod sa babae ay kuripot ang tatay namin. Mantikin mo 'yun.  

Talagang kapos kami sa buhay lalo na nang nagsilakihan na at nagsipagasawa na ang mga kapatid ko.

Ang isng kuya ko dapat elektrisyan naging Alak-trisyan. Ang isa dapat engineer naging Gin-gineer. Ang isa naging Sayang-tis dapat scientist. Ang bading dapat Criminology naging Cosmetology... pero meron namang nakapagtapos sa amin at mga propesyonal na. Ang sinundan  ko Cumlaude. Nainspire ako sa ate ko kaya nakapagtapos din ako . Yun nga lang medyo matagal. Ang mabuti ay may mga nag Pastor. 

Sa kalagayan naming nahihikahos sa buhay, hindi ko masisi ang mga kapatid ko. 

"Isang kahig ...isang tuka" ... kaya kung nakararamdam kami ng gutom at kabiguan , ang aming sinisisi ay si Tatay.

Lalo na kapag umiiyak na ang aking ina sa aking harapan at sinasabing wala tayong pambayad sa tubig at sa kuryente.

Kinahon ko na ang tatay ko sa aking isip na wala siyang kwentang tatay.

ANG ALAY KO KAY ITAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon