You need to be happy Troye.My little prince stay safe.
Troye take care.
I will see you soon.
"This is your captain speaking—"
Napakurap si Troye nang marinig ang boses mula sa piloto ng eroplanong sinasakyan niya pauwi ng Pilipinas. Malapit na sila, hindi niya alam kung mae-excite ba siya o malulungkot sa pag uwi niya sa Pinas.
Galing siya sa kanyang Mommy Lola na nakatira na sa Italy kasama ang kanyang Tito Bryan. Tuwing may mahabang break sa school ay hinihiling nito na pumunta siya sa Italy. Sabi nga nito ay siya ang paboritong apo, kahit na pantay pantay naman ang trato sa kanilang mag pipinsan.
Cool ang lola niya, she's cool with every thing. Kaya naman hindi siya nanawang bumalik balik sa Italya kahit mas gusto niya ang Pinas. Pero ngayon parang ang bigat bigat ng dib-dib niya nang siya ay sumakay sa eroplano. Hindi na niya napansin ang oras at ni hindi siya nakatulog sa haba ng biyahe niya galing sa Italya papuntang Pinas.
Ang mga salitang lumabas sa bibig ng kanyang lola ang nanatili sa kanyang isip. Feeling niya ay gusto niya ding bumalik agad sa Italya. Matanda na ang kanyang lola at alam niya kung ano ang pwedeng mangyari sa mga panahon pang dadating. Pilit niyang iwinaglit sa kanyang isip ang sumasabit na ideya sa kanyang isip.
Pag labas niya ng airport ay nakita na agad niya ang kanyang ate Tiny at ang kanyang mommy. Kinawayan niya ang kanyang mommy habang palapit sa mga ito, tulak tulak ang kanyang bagahe.
"Hi baby, I miss you" sabi ng kanyang mommy habang niyakap siya. Ang kanyang mommy na baby pa rin siya kahit 19 years-old na siya.
"Yo lil bro! " tinapik naman ni Ate Tiny ang balikat ko sabay kuha ng bagahe ko. Ate Tiny is more like my Lola Mommy wala siyang kabahid-bahid ng Mommy niya. Actually, for him she's the coolest sister that he ever know, hindi dahil sa kapatid niya ito. Pero dahil yun ang totoo ito ang definition niya ng boss girl kung baga.
"Guys we have all the time for hugging but can we please go home first haha" sabi ni Ate Tiny habang nasa may pinto na ng driver seat at ngumunguya ng chewing gum. Tumawa naman kami ni Mommy dahil noon lang din narealize ni Mommy na di pa rin niya ako binibitawan.
"At the back baby"
Umikot ang mata ko nang marinig ang sabi ni Mommy. Hanggang ngayon di pa rin siya pumapayag na umupo ako sa unahan ng sasakyan. Tumingin ako sa kanya na parang napapagod. Pero di na lang nag salita at sumakay na sa likod ng makita siyang nakangiti. He loves his Mom so much na hanggang ngayon di siya makatanggi sa ngiti nito.
"How was Italya bro?" tanong ni Ate Tiny habang pauwi kami ng bahay namin. Nasa tabi niya naman si Mommy na may kinukutingting sa phone niya.
"Still the same, Lola Mommy wants to see us all next vacation" sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana.
"You know I cant do that, madaming raket dito—" tumigil siya dahil nasa may stoplight kami at red yung ilaw. " tsaka alam naman ni Lola Mommy yun eh."
Hindi umiimik si Mommy dahil alam niya kung bakit ayaw pumunta ni Ate Tiny sa Italya. Mas ginusto na lang din niyang manahimik kesa makapag talo sa Ate Tiny niya, hindi nga pala ito nakikipag talo dahil palagi naman itong chill. Siya lang at ang Mommy niya minsan ang palaging nakikipag gigilan.

YOU ARE READING
Girl Friend Of The Captain Ball
Roman pour AdolescentsTherese Ziabelle a.k.a Ms. Black and White slash Payatot slash Multo sa clinic AUSP. Troye a.k.a Mr. Captain Ball slash Mr. hehaveitall slash Ang crush ng bayan. Milagrong masasabi pero bakit nga ba hindi. Dalawang taong kahit saang aspeto ay mag...