Simula

1 0 0
                                    

Simula

Nanatiling nakapikit ang aking mata, dala narin ng sakit ng aking ulo. Sinubukan kong matulog ngunit hindi ko magawa.

Narinig kong tumunog ang pinto kaya't ipinikit ko ang aking mga mata. Binuksan ko ng konti ang kaliwa kong mata para tingnan kung sino ang pumasok.

Nabigla ako ng makitang si Leira ang iniluwa ng pinto. May dala syang isang bowl na may lamang tubig na inilapag nya sa sahig at lumuhod sa gilid ng kamang hinihigaan ko.

Nanatili akong nakapikit at patuloy na nagpapanggap na tulog. Kinuha nya ang kamay ko at pinunasan ito ng bimpong basa na mula sa bowl na hawak nya kanina.

Ilang sandali ay naririnig ko sya. Kumakanta ba sya? Ilang araw narin akong nangungulila sa tinig nya.

You and me, we made a vow
For better or for worse
I can't believe you let me down
But the proof's in the way it hurts

Bakas na boses nya na damang dama nya ang kanta. Muli kong naririnig ang tinig nya, pero kung ganto ang magiging tunog nito ay parang ayoko nang marinig muli. Ayokong marinig na nahihirapan sya.

For months on end I've had my doubts
Denying every tear
I wish this would be over now
But I know that I still need you here

I still need you here too, Lei. If only I can. Medyo pumipiyok na sya sa pagkanta dahil sa luhang pilit nyang pinipigilan. Hindi nya alam na nakatingin ako sa kanya dahil nananatili syang nakayuko habang kumakanta ngunit tama lang para masilayan ko ang kagandahan nya.

You say I'm crazy
'Cause you don't think I've known what you've done
But when you call me baby
I know I'm not the only one

Hindi na nya napigilan ang nagpupumiglas na mga luha sa mata nya. Tuloy tuloy ito sa pagpatak. I want to wipe those tears but I can't.  Please baby, don't cry. Please.

Ganyan ba kasakit ang naidulot sayo ng pangiiwan ko? Pagpapakita ko sayo na mas masaya ako sa piling ng iba?

You've been so unavailable
Now sadly I know why
Your heart is unobtainable
Even though Lord knows you kept mine

Sorry baby. Sorry, sorry for hurting you. Please don't cry. Gusto kong bumangon mula sa higaan na ito at yakapin sya pero hindi ko kaya. Hindi pwede.

You say I'm crazy
'Cause you don't think I've known what you've done
But when you call me baby
I know I'm not the only one.

Parang sinasaksak ang puso ko habang naririnig syang naghihinagpis. Ramdam ko ang bawat sakit na nararamdaman nya. If only I can hug you, kiss you and say that everything's gonna be fine, but I can't. I want to curse myself because all I can do is to watch you crying in front of me. I'm so weak and so stupid for hurting you.

Just hate me baby, curse me, kill me. I can do everything just for you to forget about me. Just leave me and find the one who can make you happy more than I can.

I love you.

Officially Signing OffWhere stories live. Discover now