Kabanata 2

0 0 0
                                    

Kabanata 2

Eyes

Ilang araw palamang ang lumipas simula ng magsimula ang ikalawang markahan. Binasa ko na yung mga magiging topic sa dadaang second grading. At pagaaralan nanaman sa science ang periodic table. Di ba sila nagsasawa dun? Simula first year tinuturo nayun. Makakabisado ko na nga yun e. Gusto ko na agad magkolehiyo nakakasawa na maging highschool.

Antagal dumating ni maam Raymundo, nakakainip na dito sa loob ng room. Wala akong makausap kasi tulog si Dae. Anong bago? lagi namang tulog to. Puyat kasi ng puyat, puro pambababae kasi inaatupag.

"Woy panda gumising ka nga dyan." sabi ko sabay kalabit sa lalaking katabi ko, nagising naman sya. Kasi alam nyang babatukan ko sya pag disya umayos.

"Ano nanaman bayun? Tsaka di ako panda." sabi nito sabay kamot sa ulo nya

"Muka ka kayang panda sa laki ng eyebags mo hahaha." sabi ko sabay turo sa mata nya

"Okay lang yan, gwapo parin naman ako e. At tsaka marami parin namang nababaliw na babae sakin." mayabang na sabi nito sabay kindat sakin

"Tanggalin ko yang mata mo, gwapo kapa dyan. Matulog ka na nga lang" umarte ako na tutusukin ang mata nya kaya agad syang umiwas at muling tumungo.

Akala namin ay hindi na dadating si Maam Raymundo kasi 20 minutes nalang matatapos na ang oras ng subject nya. Kaya nalungkot ang mga kaklase ko ng makita si Maam na naglalakad papalapit sa room namin. May kasama syang isang studyante. Lalaki sya at naka salamin.

"Class, sorry late ako. May ipapakilala ako sa inyo. Bago nyong kaklase." sabi ni maam ng makapasok sya sa room. At hinayaan nyang magsalita ang lalaki.

"I'm Jayzein Mejorilla, 15 years old." maikling sabi nito sabay ayos sa salamin nya sa mata. Ito namang si Dae ay unti unting umayos ng upo.

"I'm so handsome compare to that guy, right?" sabi nya sabay baling sakin, aba'y ang hangin talaga.

Pinaupo na ni maam sa may bandang unahan dahil malabo ang mata nya. Hindi ko masyadong napagmasdan ang muka nya, pero halata naman na sa likod ng salamin nya ay may nagtatagong magandang mata.

"Mr. Fierezano, please introduce yourself to your new classmate." sabi ni maam, siguro'y napansin nya na hindi nakikinig ang isang ito.

"Hey, I'm Kealdriel Sundae Fierezano, I can be your friend." nakangiti nyang sabi at tsaka umupo.

Ngumiti naman ito kay dae at tahimik lang syang naka upo dun sa upuan nya buong maghapon. Sa tingin ko ay tahimik lang talaga sya.

Ilang oras lang ang tinagal at uwian na namin. Kasabay ko laging umuuwi si Dae, hindi kami magkapitbahay pero nakasanayan na nyang ihatid ako pauwi.

May tiwala sa kanya si kuya kasi elementary palang magbestfriend na kami. At malinaw saming dalawa na hanggang dun lang talaga kami.

"Dae, tara kain muna tayo." aya ko sa kanya

"Ano ba makakain dyan?" tanong nya sa akin. Pero di ako sumagot at hinila nalang sya papunta sa loob ng bahay namin.

Sa tinagal tagal na naming magkaibigan alam na namin ang halos lahat ng tungkol sa isa't isa. Walang hiya hiya, komportable na kami sa isa't isa.

Umupo ako sa sofa katabi nya, tinatamad kasi akong tingnan kung anong makakain ang meron sa kusina.

"Ikaw nalang tumingin, pleaassseee." nagpapacute kong sabi sa kanya. Alam ko naman na hindi ako matitiis nito.

Tumayo ito at tiningnan kung may iniwang pagkain si kuya bago sya umalis. Malungkot syang bumalik sa kinauupunan ko ng may malungkot na muka.

Mukang sa labas ata kami kakain nito a. Pag malungkot kasi ang muka nya, ibig sabihin wala syang nakitang pag kain.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 14, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Officially Signing OffWhere stories live. Discover now