"Pahingi ng papel"
Bagong bukas ng klase walang papel? Estudyante ba to?
"Hindi ako nag bibigay ng papel sa di ko ka kilala"
"Well, Ako nga pala si John Bryle Alfonso at ikaw naman si Anne Labyes diba?"stalker to ahh. Alam niya ang pangalan ko pero di ko alam pangalan niya,pero ngayon alam ko na.
"Close ba tayo o stalker ka lang?"
"Sikat ka kaya sa school, each and everyone of us know you" hindi ko ata alam yon. Parang nag sisinungaling naman to, di nga ako pinapansin ng crush ko tapos sikat na ako?
"eto papel, Sa susunod mag dala ka na" sabi ko sa kanya sabay abot ng isang papel " Nga pala may bayad yan"
"hala negosyante siguro to" Sayang kasi yung papel pinamimigay lang, dapat may bayad di katulad ng pagmamahal ko sa kanya pinamimigay lang yan tuloy walang sukli.
"talaga mahal na ang papel ngayon"
"okay class sa 1whole sheet of paper niyo isulat ang mga gusto ninyo at ayaw, then you have to say it in front of the class,this serves as our introduction" sabi ng guro.
Kaylangan ba talaga may introduction every first day of school? Grade 10 na kami di na namin kinakailangan yang introduction. First subject palang namin ito there are a lot more introductions to come meron pang 7 subjects left. Nakakapagod maging student kasi ayaw ko talaga ng mga intro-intro nayan.
Sinulat ko na ang mga gusto at ayaw ko. As if naman totoo ang lahat ng mga ito. Meron ring namang totoo pero di lahat.
Things that I do not like
1) Sweets (bitter kasi ako)
2) Couples (bitter nga)
3) Sweet Couple ( bitter single kasi ako)
Things that I like
1) ampalaya
2)Malunggay
3) black Coffee
(mga Bitter)
Ay ang bitter ko lang.
Nag simula na ang pag lalahad ng mga na isulat namin sa papel. Nauna na akong mag pahayag sa mga di ko gusto at gusto ko. Pero una sinabi ko ang pangalan ko, tapos yung nasa papel naman. Alam naman ng lahat na bitter ako at klarong-klaro naman sa asal ko ngayon lang.Sumunod nang mag pahayag ang katabi kong si Bryle.
"Maraming salamat Bryle" Banggit ng aming guro nang matapos na si Bryle.Biglang may dumating na lalaki sa may pituan. " Ang aga-aga mo mister, kauna-unahang pasok late ka na agad?" ang bunggad sa kanya ng aming guro.
"traffic ehh" sabi ng lalaki sa may pinto. Pag pasok niya sa silid aralan, dumilat ang mga mata niya na parang may nakitang anghel. Sinundan ko kung saan siya nakatingin, kay Louisa Linares lang pala. Siguro gusto niya ito. Hindi naman masyadong ka gandahan pero parang inosente.
"Umupo ka na mister" sabi ng guro pero di pala siya nakikinig at patuloy na tumitingin kay Louisa. "huy, mister nakikinig ka ba? Tulala lang? Umupo ka na po" Pag kukuha ng atensyon ng guro.
Umupo siya sa likuran ko kung saan katabi niya si Louisa na nasa likuran ng katabi ko.

YOU ARE READING
The Bridge
Teen FictionAnne Lidayes ,the most bitter person. Lahat na ata ng mga hugot lubalabas sa dila niya. Pero sa kabila ng pagiging bitter niya, di nya akalaing magiging cupid pala siya sa dalawang tao. Si Cwyth Rynus Hernalo ang not so pogi, not so famous, not so a...