Hanggang Kailan? (ONESHOT)

3.4K 102 24
                                    

Copyright 2014 © Yeppeun

Hanggang Kailan? | One Shot Story

FACEBOOK GROUP: http://www.facebook.com/groups/IstoryaheNiBlesie

• • •

Nagmahal, nasaktan, nagpakatanga. Hanggang saan ba ang makakaya ko? Hanggang kailan ba titigil ang puso kong mahalin ka? Hanggang kailan ba magsasawang maglabas ng tubig ang mga mata ko nang dahil sa'yo? Hanggang kailan ba? Hanggang kailan mo ba ako sasaktan?

Tumayo ka mula sa iyong pagkakaupo, marahan mong pinagpag ang damit mong kulay asul at nakita kong dahan-dahang nag-angat ang magkabilang gilid ng labi mo kasabay nang pagtama ng sinag ng araw sa kinaroroonan natin. Tumayo na rin ako sa aking kinauupuan at sandali kong hinintay na lumingon ka sa akin. Isa, dalawa, tatlo... Tatlong segundo ang lumipas hanggang sa bigla kang tumawa nang malakas ngunit halatang pilit lamang iyon.

Hindi ka pa rin humaharap at nagpatuloy ka lang sa pagtawa mo. Siguro nga nakakatawa ang pagsabi ko sa'yo kung gaano kita kamahal.

"Kierra, sampung beses mo nang sinabi sa akin na mahal mo ako at paulit-ulit ko lang sasabihin sa'yo na hindi kita mahal... Kahit kailan hinding-hindi kita mamahalin."

Masakit, ito na naman ang pakiramdam na para bang may nakabarang kutsilyo sa puso ko at parang paulit-ulit itong tumutusok, literal...

Bigla kang humarap sa akin at wala pang isang segundo nararamdaman ko na ang unti-unting may tumutulong luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit ganito, kung bakit umiiyak pa rin ako at nasasaktan na para bang hindi nagsasawa ang puso ko dahil halos araw-araw ko na itong nararamdaman pero hindi pa rin luma sa pakiramdam.

"Bakit Kierra?" Humugot ka nang malalim na paghinga na para bang nahihirapan ka sa itatanong mo sa akin. Naghintay ako nang mga salitang lalabas sa bibig mo, umaasang babawiin mo ang sasabihin mo at aaminin mong mahal mo rin ako. Sana.

"Bakit ako pa? Bakit ako ang minahal mo? Maraming lalaki sa buong mundo pero bakit ako pa?"

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko habang diretsong nakatitig sa mga mata mo na walang bakas ng awa sa nararamdaman ko. Nginitian kita kasabay nang muling pagtulo ng mga luha ko. "Mahal kita, simpleng mahal kita. Walang paano, walang bakit, walang kailan pa. Basta, mahal kita."

Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit sa lahat ng tao sa buong mundo, bakit ikaw pa ang minahal ko. Halos araw-araw ko nang tinatanong sa sarili ko kung bakit ikaw pa? Ngunit wala akong makuhang sagot, wala akong maisagot sa sarili ko basta naramdaman ko na lang na mahal kita. Walang dahilan basta mahal lang kita. Nanatili akong nakatitig sa mga mata mo habang binibitawan ang mga salitang iyan sa bibig ko, gusto kong makita ang magiging reaksyon mo ngunit parang wala lang sa'yo ang sinabi ko... Bakit sa lahat ng taong sasaktan mo, bakit ako pa na mahal na mahal ka?

"Tama na Kierra, tigilan mo na iyan. May girlfriend ako at siya ang mahal ko hindi ikaw."

Bigla kang tumalikod at mabilis na naglakad palayo sa akin. Habang pinapanood ko ang likod mong unti-unting lumalayo sa pwesto ko mahina akong humihikbi na sana hindi mo naririnig. Sa bawat paghakbang ng mga paa mo pakiwari ko unti-unti mong tinatangay ang puso ko.

"Clint!" Buong lakas kong sigaw sa pangalan mo, bahagya kang tumigil sa paglalakad habang nakahilig patagilid ang ulo mo mistulang interesado ka sa sasabihin ko. Huminga ako nang malalim at dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko. "Handa akong maging pangalawa! Kahit second choice lang, kahit maging alipin mo o kahit ano pa! Bigyan mo lang ako ng titulo sa buhay mo, kahit ano tatanggapin ko."

Hanggang Kailan? (ONESHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon