Chapter 18: Payback time

163 6 0
                                    

JEN’S PoV

Wala na ngayon si oppa…nagpunta na siya sa summit na pupuntahan niya since ngayon yung last day..kahapon pinapupunta ko na siya dun pero di pa rin niya ako iniiwan..

Ok na ko..medyo nakarecover na rin..

Ngayon eto nasa university ako..enrollment ko ngayon for summer classes e..ang saya kayang mag summer..wala si Kim..di ko kasi alam kung paano ko siya macocontact e wala na kong cellphone..kailangan kong mag ipon uli para makabili ng bago..pinuntahan ko siya sa unit niya pero wala atang tao?saan naman kaya nagpunta yun..alam naman niya na enrollment namin ngayon e..pano na yan baka di na kami magkaclassmate nyan..

Naglalakad naman ako papunta ng building namin..ang laki talaga ng university na to..actually pang mayaman to e..very private and pretigous school..

Kadalasa ang mga nagaaral dito mga tagapagmana, anak ng pulitiko at pati mga artista

kung di ako scholar malamang di ako dito mag aaral..ang mahal kaya ng tuition..

“ang gwapo talaga niya”

“mukhang transferee lang siya dito”

Ano ba yung mga naririnig ko sa likuran ko..puro tsismisan..

“tingnan niyo sinusundan niya yung si Jenny Reyes”

“diba sikat yun sa Architecture department?”

“tama..madaming naghahabol dun pero she always turn them down..poor guys”

Bakit ba pati pangalan ko naririnig ko??issue nanaman sila ah

“ang swerte naman niya sa kanya kagad interesado yung transferee”

Di ko na matiis lumingon na ko sa likod..

Nagulat na lang ako napalilibutan na pala kami ng mga estudyante..and look who’s here

 

“Kevin?”

Ayun nakaharap na ko sa kanya ngayon..siya ba yung sumusunod sakin?tsaka bakit nandito siya?

Kagad ko naman siyang hinila kasi yung itsura niya halatang iritang irita na dahil nga sa mga babaeng nakapalibot samin..

Malayo na kami sa crowd..dito na lang kami sa school garden..tutal wala namang ganong tao dito..

“ganito ba talaga sa campus niyo??kainis!”

“hahahahaha..alam mo masanay ka na!lalo na ganyan yung itsura mo!”

“anong ganyan?mukha ba kong mamatay tao?”

“ngeee..ang slow..ang pogi mo kaya!”

Nagulat naman siya sa sinabi ko..hahahaha..nagblush si bakla

“well ganun talaga..”

“woahh..lumaki naman kagad ulo..bakit ka ba nandito??sinusundan mo ba ko?”

“yeah..kanina pa ko nawawala dito..and since I saw you ayun sinundan kita..magtatanong na lang ako sayo”

“anong tanong?”

“ah-eh dito ko kasi sana balak mag enroll..kaso di ko alam yung proseso..alam mo namang ayaw kong kumausap ng ibang tao bukod sa kakilala ko diba?”

“yeah right..ganun kataas ang pride mo”

“tss…sayo na lang ako sasama..san ba dito yung engineering department?”

Passcode 14324Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon