Pagmamahalan nasimulan
Nagtapos sa iwanan
Pangakong di napanindigan
Ibabaon sa kailalimanMga araw ay nagdaan
at ganda ng umaga'y nasilayan
Nag iisang maglalakbay
Na wala kanang aagapayTanging mithiin sa ngayon
Na sa paglipas ng panahon
Muli akong makakabangon
Kasama ang pag asa at di na lilingon
Kundi haharapin ang bukas na siya na sana ang nandoonBagong kabanata ay aking sisimulan
Nang wala kana sa aking isipan
Pagbangon sa lugmok na iyang dala
At tuloyang limuton mga alaala mong di na ako mangulila paMasarap isipin na akoy nakalaya
Magmahal ulit sa isang binata
Bubuo ng mga alaala siya na ang kasama
Na kahit katulad mo man siya
Akoy nakahanda na
kung ito may itinakda sakin ng tadhanaPaalam at salamat sa mga masasayang alaala
Tayoy isa nalang alamat katulad ng ibong Adarna
Na sa paglipas ng panahon unti unti nang nawawala ang halaga
Pinagtagpo lang pala ngunit di nakalaan sa isat isa
YOU ARE READING
TAYONG DALAWA SA TAMANG PANAHON
PoetryTulang SPG😂nanalo po to ng second prize kaya sabi nang mga kaibigan ko ipub ko na dito. so ito na.mga miga para sa inyo ito.