Untitled Part 2

8 0 0
                                    

'Patawad, pero sa tantiya ko ay isang buwan na lang ang itatagal ng anak ninyo misis. Excuse me at kailangan ko na pong mag-rounds sa ibang pasyente..' iyan ang huling katagang binitawan ng doktor sa Ina ni Ysa bago ito napa-luhod at humagulgol. Ako bilang pinaka-matalik niyang kaibigan ay hindi maka-paniwala na sa ganoon na lamang matatapos ang lahat.. Marami pa kaming plano sa buhay..


Mag-kokolehiyo pa kami, lilibutin ang mundo nang mag-kasama, tutuparin ang mga pangarap namin sa buhay.. ni hindi ko pa nga nasabi sa kanya na mahal ko siya tapos isang buwan na lang..

Isang buwan na lang siyang mabubuhay..

Gusto kong magalit sa mga doktor kasi wala silang karapatang diktahan ang buhay ng babaeng pinaka-mamahal ko..Sa Diyos..Panandalian nya lang na binigay sa amin si Ysa tapos kukunin din pala niya. Gusto kong magalit sa sarili ko dahil hanggang ngayon duwag pa rin akong aminin ang nararamdaman ko sa kanya.. Pero wala ring silbi ang lahat.

Kasi sa huli, alam kong mawawala din siya..

Alam kong iiwan nya rin kami, ako.

"Sabi ko naman sa inyo eh..huwag na..nagsayayang lang kayo ng perang pam-bayad wala rin namang mag-babago." Tanging nasabi nalang ni Ysa at ngumiti na para bang wala syang dinadalang kung ano sa loob niya..

Brain Cancer.. Iyan ang sakit na unti-unting pumapatay sa kanya. At kahit ilang chemo-therapy session ang i-aattend nya kahit anong gamot ang painumin sa kanya.. Mas lalo lang nitong pinapahirapan sa Ysa..

Isang gabi nga inatake siya ng kanyang sakit at ang tanging naririnig ko na lang ay ang kanyang sigaw na..

'MA, TAMA NAAA! ANG SAKIT SAKIT NA! PLEASE GUSTO KO NALANG MAG-PAHINGA!' habang madiing hinahawakan ang kanyang ulo..

Nandoon ako sa mga panahong sumusuka na siya ng dugo, unti-unting nalalagas ang kanyang buhok, yayakapin nya ang sarili nya dahil sa matinding sakit ng ulong parang binibiyak daw ang kanyang pag-katao..saksi ako..

...pero wala akong magawa.

Sa pag-lipas ng mga araw ay tinanggap na namin ang reyalidad na wala na talagang pag-asa na maliligtas si Ysa..ang tanging kaya ko nalang na gawin ay ang panatilihing masaya siya habang siya'y nabubuhay pa..Sasamsamin ko nalang ang bawat gunita na mayayakap ko siya, makakantahan kapag umaatake na naman ang sakit niya, pag-babalatan siya ng prutas kasi naging patpatin na ang katawan niya dahil alam kong sa huli.. kukunin lang din siya.

Isang gabi habang binabalatan ko si Ysa ng mansanas, may ini-abot siyang tinuping papel sa akin.

1. Gusto kong masilayan ang pag-lubog ng araw.

2. Ang matulog sa ilalim ng mga bituin.

3. Sumakay ng Ferris Wheel.

"Eh ang dali-dali lang naman pala gawin ng nasa bucketlist mo Ysa!" Ngiti lang ang itinugon niya sa akin. Isang ngiting alam mong pilit niyang pinipinta pero hindi umaabot sa kinang ng kanyang mata. 

HAPON. Hinanda ko ang basket para sa una at ikalawang naka-sulat sa bucketlist ni Ysa. Dadalhin ko siya sa dalampasigan para sabay naming makita ang pag-lubog ng araw. 

"Bakit tayo nandito Enzo?" Tanong nya sa akin 

" Diba sabi mo gusto mong masilayan ang pag-lubog ng araw at matulog sa ilalim ng mga bituin? Kaya heto, nandito tayo para tuparin ang hiling ni prinsesa Ysa!" winagayway ko pa ang ang aking kanang kamay na para bang may hawak akong wand at ako ang kanyang fairy-godfather. 

 "WOOOOW! ANG GANDA NAMAN!" sambit ni Ysa habang pinapanuod ang pag-lubog ng araw. " Ang ganda nga." Sabi ko pero hampas lang ang sinagot niya sa akin. 

"Eh sa akin ka naman naka-tingin eh!" tumawa nalang kaming dalawa tsaka tumingala sa langit.

 Dumating ang gabi at nag-latag kami ng kumot para matulog sa ilalim ng mga bituin. Naka-tutok lang si Ysa sa mga bituin sa langit habang naka-pikit. 

" Kantahan mo naman ako Enzo." 

"Hindi maganda boses ko alam mo iyan.." 

"Sige na..gusto ko marinig ang boses mo.."

 ' Pag tayo ay matanda na, sana'y di tayo mag-bago.. kailanman, nasaanman ito ang pangarap ko.. makuha mo pa kayang ako'y hagkan at yakapin..ooohhh hanggang sa pag-tanda natin..' 

Tumulo ang luha sa aking mga mata habang nag-patuloy ako sa pag-kanta..

 ' Nagtatanong lang sa'yo ako pa kaya'y ibigin mo kung maputi na ang buhok ko..' 

Kung pwede ko lang talagang ibalik ang oras.. 

 Umaga at napag-pasyahan na naming umuwi nang biglang natumba si Ysa.. 

" Enzo.. t-tawagin mo si m-mama.." mahina nyang sambit pero hindi ko siya pinakinggan at agad ko siyang binuhat at dinala sa ospital saka ko tinawagan ang kanyang ina.. Umiyak nalang kaming dalawa ng mama ni Ysa dahil alam naming ilang araw na lang.. o baka ngayon na..

" Enzo.. pwede mo ba akong dalhin sa carnival ngayon?" 

tanging ngiti na lang ang isinagot ko at nag-paalam kami sa ina ni Ysa. Tutol man, wala na syang nagawa kundi payagan ang anak sa huli nitong kahilingan.. 

FERRIS WHEEL.. 

Parang buhay lang ng tao.. 

Pa-ikot ikot ikot tapos hihinto at iikot na namang muli.. 

At kahit pa tumigil sa pag-ikot ang ferris wheel muli na naman itong mag-hahanda para sa bagong batch ng mga taong gustong pumunta sa itaas pero babalik pa rin sa baba. 

 Walang salitang lumabas sa bibig ni Ysa at tanging katahimikan lamang ang kumain sa aming dalawa.. 

Ganunpaman, sumandal na lang siya sa aking balikat at ipinikit ang kanyang mata.. 

"Gisingin mo na lang ako kapag nasa baba na tayo Enzo ha?"

 Tumango nalang ako bilang pag-tugon sa kanya pero sa loob-loob ko gusto kong huwag na muna niyang ipikit ang kanyang mga mata..

 'Ysa..gising na nasa baba na tayo.' 

Tinapik ko ang kanyang mukha pero hindi sya natinag 

'Ysa..uuwi na tayo gising na.'

 Sabi kong muli pero nahulog lang ang kanyang ulo at katawan sa akin.. Doon ko lang napag-tantong wala na..wala na si Ysa..

Umagos ang luha sa aking mga mata habang yakap-yakap ko ang bangkay ng babaeng pinaka-mamahal ko.. 

 Wala akong paki-alam kung gaano karaming tao ang naka-tingin sa aming dalawa.. May nahulog na papel galing sa kanyang mga kamay..

'ENZO SALAMAT SA PAG-TUPAD SA HULING KAHILINGAN KO..MAHAL KITA' 

Sumibol ang matinding sakit sa puso ko dahil ni hindi ko man lang nasabi sa kanya na mahal ko din siya pero masaya ako dahil alam kong kahit wala na siya.. masaya siyang nawala kasi natupad ko ang mga kahilingan ng aking pinaka-mamahal na si Ysabella.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 07, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The BucketlistWhere stories live. Discover now