Sementeryo
Dito sa lugar na ito, madalas mangyari ang mga pangyayari. Dito sa lugar na ito, madalas magtungo ang mga kaluluwang hindi matahimik. Para sa akin, tama ang pinupuntahan nilang lugar. Sapagkat tahimik sa sementeryo. At dahil din dito, ang kwento ay tungkol sa sementeryo.
Huwebes, alas singko ng hapon. Maagang bumaba ang araw kaya medyo madilim na rin. Makulimlim at may kalamigan ang hangin. Nagpunta ako sa sementeryo. Bibisitahin ko ang mahal ko na sumakabilang buhay na. Sa araw na ito magkikita kami ng mahal ko. At sa araw din na ito, namatay ang mahal ko.
Dalawang taon na ang nakakalipas, sa ganitong araw din at oras. Naghintay ako noon sa pinag-usapan naming lugar. At dito iyon - sa sementeryo na ito. Hindi ko talaga alam ang dahilan ng pagkamatay niya. Dahil, 'di ko na siya nakita mula noong araw na iyon. Hinintay ko siya sa labas ng sementeryo dahil doon kami magkikita.
Pero hindi siya dumating. . .
At sa araw din na iyon, nabalitaan ko na lamang ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko. Nang mamatay ang mahal ko.
Dahil sa nangyari, parang nawalan na rin ako ng dahilan upang mabuhay. At wala na sigurong mas sasakit doon. Pero nagkamali ako. Dahil kinabukasan, nakita ko ang text message ng kapatid niya sa akin.
Ako daw ang dahilan ng pagkamatay niya?
Nalaman ko din, na-holdap siya. Ginahasa at pinagsasaksak pa.
Ako ang dahilan ng pagkamatay niya! Kasalanan ko ba na may dalawang sementeryo na magkalapit?
Nagkamali ako ng pinuntahan. Ibang sementeryo ang napuntahan ko. Sa kabila pala dapat. Kung bakit ba kasi may magkatabing sementeryo dito. Bakit sila magkalapit at pareho ng itsura??? Hay naku!
'Sus ginoo! At ang di ko maintindihan, ay kung bakit ba sa dinami-dami ng lugar sa sementeryo pa talaga!?! Bakeeeeeet???
Kung hindi sana ako nagkamali ng pinuntahan na sementeryo ay magkasama sana kami ng araw na iyon at hindi siya na-holdap at napatay. Sweetie! Bakit sa sementeryo mo gusto magkita? Huhuhu...
- W A K A S -
BINABASA MO ANG
Horny Story #PHTimes2019
HumorInihahandog ng Ano ni Muse? ang isa na namang koleksyon ng mga kuwento. Ito ay pinamagatang: Horny (Horror but Corny) Story Magulat sabay tumawa! Gusto mo ito maramdaman. Gusto mo. Bulaga! Halakhak! Baliw-baliwan lang. ...