Chapter 1 :Friends Quarrel

35 5 5
                                    

Iysha's POV

*tumunog ang school bell*

Haystt... lunch na naman at oras na para pumunta sa cafeteria...

"Hi Iysha... Sabay ka na samin mag lunch"

OMG!!! Si Zack!!! Okay Iysha relax ka lang dahil baka mahalata ka niya. Humarap ako kay Zack sabay ngiting pang malandi.

"Ahhh... Thank you nalang Zack pero sasamahan ko pa si Yesha eh" sabi ko sa kanya.

Sige lang Iysha tanggihan mo siya.

"Okay have fun!" sambit niya sabay ngiti ng nakakaloko. Gosh!!! Ang gwapo niya talaga!

palabas na sana ako ng matumba ako dahil may nagharang ng paa niya sa daan.

"Fvck!" i cused. "Ahhh kawawa naman si Iysha malandi... Guys tulungan niyo naman oh baka kasi may makalapit pa dan na lalaki landiin pa niyan" rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. Si Allison...

Tumayo ako at akmang sasampalin siya ng biglang may humawak sa magkabila kong braso. Nakita ko sa gilid ko ang dalawa sa alalay niya. Sinubukan kong magpumiglas pero mahigpit ang pagkakahawak nila saakin. Nagulat nalang ako ng sampalin ako ni Allison kaya sa sobrang galit ko nasipa ko siya sa paa niya dahilan para matumba siya.

Ayan kase pa heels heels pa

"How dare you kick me!!!" sigaw niya saakin. Hindi ko nalang siya pinansin dahil bumitaw na naman saakin ang dalawa niyang alalay para itayo siya pero bago ako lumayo sinampal ko muna sya ng napakalakas bago ako dumiretso sa cafeteria.

Umorder na kami sa counter ng kakainin namin. Umorder ako ng babyback ribs with iced tea😍😍......

Pumunta na kami sa bakanteng upuan pero nakita namin si Matt na nakaupo malapit sa bakanteng upuan tinawag kami ni Matt.....

"Iysha" ang tawag saakin ni Matt. Bigla naman akong napalingon at nakita ko agad si Matt na nasa likod lang naman ang pwesto"Bakit Matt?" tanong ko sa kanya....

"Pwede ba akong sumama sa inyo kumain"tanong ni Matt saamin....."Oo naman Matt"sabi ko na medyo kinikilig Habang si Yesha ay sabi ko ay lumipat nalang siya sa kabilang table kase mukhang may sasabihin si matt na importante......

Nagulat nalang ako ng hawakan ni Matt ang kamay ko"Bakit kailangang hawakan mo pa ang kamay ko Matt??".malakas na sigaw ko sa kanya kaya pinagtitinginan kami ng ibang mga students kinikilig tuloy ako..."Iysha gusto ko sanang sabihin sayo na bakit mo inaway si Allison?".Galit niyang sabi saakin natatakot tuloy ako dahil malakas at pasigaw ang sabi niya akala ko pa naman ay may sasabihin siya tungkol saan yun pala ay tungkol lang kay allison haysst.......

"Anong klaseng tanong yan Matt?." kabadong tanong ko dahil ngayon ko lang siyang nakitang galit saakin at sinisigawan ako... "Hindi mo ba alam na si Allison ang girlfriend ko..." nagulat ako nang sinabi ni matt at parang nasaktan ako. "Sorry pero pinatid niya kase ako kaya ginantihan ko lang siya tsaka hindi ko alam na ikaw pala ang." hindi ko masabi kase naiiyak at nasasaktan na ako.

"Grabe ka Iysha parang hinde na kita kilala parang hinde kita naging bestfriend sa tagal nating magbestfriend nagbago ka na hindi na ikaw ang dating Iysha na nakilala ko tsaka bakit kailangan mong Saktan si Allison??Tsaka parang pinatid ka lang ehh gaganti ka na agad grabe Iysha iba ka na talaga." Galit na galit na sabi nya at sabay nag padabog na umalis habang ako ay hindi nararamdaman na natulo na pala ang mga luha ko......

Grabe ito ang araw na hinding hindi ko makakalimutan ang araw na sinigawan at galit na galit saakin ang aking bestfriend na si Matt. OO nga nagkamali ako dahil ginantihan ko si Allison pero dapat lang yon sa kanya mang-aagaw ng bestfriend bakit si Matt pa? ang Pinakamamahal ko ang aking First love ,First Crush at ang una kong minahal ........

"Iysha anong pinagusapan nyo ni matt bakit galit na galit siya sayo magbestfriend na magbestfriend nag aaway ano ba kaseng pinagaawayan nyo"nagaalalang sabi ni Yesha na parang nagagalit din saakin.....

"Wala.... bukas ko nalang ikwekwento sayo dahil wala na akong gana makipag usap dahil nga galit na galit siya saakin."

"sige!Iysha pasok na ako sa next subject ko ingat ka ha".

Haysst makauwi na nga wala namang kwenta dito hindi na muna ako papasok sa next subject ko........




(itutuloy.....)
plss vote the story guys pag bubutihan ko pa. okay lang na maines para dama😂😂
Mahal ko lahat ng magbabasa nitong story ko.......

~MatabangSexy💖......

My BF Is A Great PRETENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon