Chapter 7

1 0 0
                                    

"grabe akala ko naman kung ano. Akala ko may nagrereklamo na o problema e. Kinabahan kaya ako! First time ko lang dito no! Baka mabatukan kita jan."

"sorry na. Namiss lang naman kasi agad kita. Masama ba yun?"

"hindi naman."

"hindi mo kasi ako nirereplyan. Dami ko na text."

"huh?" sabay tingin ko sa phone. "oo nga sorry. Di ko naman kasi namalayan. Alam mo na, medyo upset pa ko dito."

"sayang din tong dala kong donut, kumain ka na pala." tumingin sya sa donut na nasalamesa na inabot nya sakin kanina.

"eh malay ko bang dadating ka."

"ikiss mo na lang ako."

"ay nako chris tigilan mo nga ako. Nasatrabaho ako." pagsaway ko.

Si chris yung nagpatawag sakin kanina. Akala ko kung sino kaya kinabahan ako. Binisita nya lang daw ako. Nalaman nya kay kuya al na nandito ako kasi galing sya sa bahay. Alam nga pala ni kuya al na first day ko ngayon. Nag abala pa ng donut si chris, alam na kasi diba nya na paburito ko yun. Pinapasok ko muna sya dito sa office para makapag usap kami ng maayos.

"kamusta naman umaga mo dito?" he asked.

"okay naman. Mabait naman ang mga workers."

"petics petics lang pala babygirl ko dito ah. Ako nga stress na e."

"huh? Stress? Saan?" pagtataka ko. Wala naman akong alam na pinagkakaabalahan nya. Wala naman sya nabanggit.

"im working.. Sa isang kumpanya nila mama."

"uy really? Hindi mo pa nababanggit sakin" gulat kong sinabi.

"i was not about to talk to my work. Masyado kasing nakakastress." sabay hawak nya sa batok nya.

"paanong stress? Matagal ka na bang nagtatrabaho?" i asked him. Nakaka curious lang. Gusto ko malaman ang kalagayan kapag may trabaho.

"sobrang daming paper works. Kailangan mo pirmahan lahat ng kontrata. Makipag usap sa mga empleyado, sa ibang kumpanya. Para tumaas ang ratings." hindi ko magets yung mga ratings ratings sa isang company. Siguro nga ay mahirap talaga ang maging manager, katulad ni kuya ton.

In the afternoon, 12:30pm. Lumabas muna kami ni chris sa office ko para panoorin ang mga ginagawa ng mga workers. Wala naman masyadong customer siguro nga kasi tanghali. Magkakape ka sa init ng araw. Pinatawag ko muna yung mga nagwowork para maglunch break muna, baka nagugutom na sila. Hindi pa din ata sila nagbebreakfast at ang aga nila pumapasok.

"connie" tawag ko. Nakita ko na nakaupo sya sa sulok. May area na kung saan doon nagtitipon lahat ng trabahador kapag walang ginagawa.

"kumain na ba kayo? Tanghali na. Kumain na muna kayo, tutal wala naman masyadong customer." nasatabi ko lang si chris na pinagmamasdan ang mga sinasabi ko.

"okay po mam. Thank you" at lumakad na sya pabalik sa dati nyang pwesto para sabihan din ang iba.

"ah connie..." pinigilan ko muna sya. "kumakain ba talaga kayo kahit hindi ko sabihin?" tanong ko. Baka kasi mamaya e, kumakain naman na pala sila. Nagsasalita pa ako.

"ah hindi po mam. Kapag po sinabi nyo sa amin na kumain na kami, tsaka lang kami kakain." nagulat ako sa sinabi nya. Hindi ko sila napakain kaninang umaga. Baka matanggal agad ako sa trabaho.

"a-anong oras ba mga break time nyo?"

"dipende po sa inyo mam. Yung last manager kasi namin, 1:00-1:30pm ang tanghalian at 7:00-7:30pm sa hapunan." grabe. Dalawang beses lang sila kumakain sa loob ng isang araw.

Too LateWhere stories live. Discover now