Continuation..........Mechaella's P.O.V
Naglalakad na ako papuntang canteen ng biglang may marinig akong sumigaw.
"Bespren!!" Sigaw nung babaeng tumatakbo papunta sa akin. Si Yassi Navarro, Jessica Santos at Drake Rodriguez my Bestfriends. Nakangiti ako habang tumatakbo sila papunta sa akin.
"Heyy, Bestfriends . How are you?" I asked.
"Ito naman makatanong , ehh 3 days pa nga lang tayong hindi nag sasama sama." Jess said.
"Oo nga naman. Pero alam niyo miss ko agad kayo." Sabi naman ni Yassi sabay yakap sa amin ni Jess. Nakangiti lang si Drake habang pinagmamasdan kami.
"Ohh, Drake ba't nakangiti ka lang diyan? Hindi ka ba sasali sa group hug.?" Tanong ni Jess.
"Hehehe, Ito namang si Jess parang di pa nasanay. Alam mo namang nag iisang lalaki lang iyan sa barkada natin , nakakahiya naman kung yung lalaking gwapo na kaibigan natin ay nakikiyakap sa mga girls , like duuhh, binata na kaya yang kaibigan natin . Di na tulad noon." Mahabang linya ko.
"Kayo naman , di na kayo mabiro." He said sabay kamot sa batok. "Lumapit nga kayo at mag GROUP HUG na tayo." Dugtong niya pa. Nag group hug naman kami.
Ganito kaming magkakaibigan , iisa lang ang lalaki. Pero kahit siya lang ang lalaki sa amin di siya nahihiya na yakapin kami in a public place. Mag kakababata kami lahat.
"Tara na sa canteen , nagugutom na ako." I said. They just nod at me. Kaya tinahak na namin yung daan papuntang canteen.
(Canteen)
"Naalala niyo pa ba, noong naihi si Drake sa pantalon niya dahil sa takot noon sa kaklase nating hambog? Hahaha." Pag kukwento ni Yassi.
"Hahaha.. oo nga . Yung tatanungin lang siya noon kung gusto niya bang makipag away sa hambog na yun tapos-- pfft...hahahaha.. tapos bigla na lang naihi sa pantalon niya hahaha, tapos biglang dumating yung teacher tinanong siya kung anung nangyari tapos ang sagot niya ay 'natatakot po ako sa batang iyon' Hahahahahahaha... " Dugtong pa ni Jess .
Tawa naman ako ng tawa dahil sa mga pinag sasasabi ng nina Jess at Yassi , ito namang si Drake namumula na sa kahihiyan. Hahaha. Nakakaawa naman 'tong si drake. Maipagtanggol nga.
"Haha. Tama na nga yang mga kalokuhan niyo kumain na nga lang kayo. Di na kayo naawa kay Drake tingnan niyo." Sabi ko sa dalawa. " Binata na yan. Nakakahiya naman kung yung Secreto niya ibubunyag niyo diba?" Dugtong ko pa. Tumingin naman ako kay Drake na nakatingin din sa akin and he mouthed 'thank you', nag thumbs up naman ako sa kanya.
"Oo nga no , sorry Drake ahh. Sumagi lang kasi ulit iyon sa isip ko." Sabi ni Jess.
" Oo nga Drake sorry na. Hehehe. " Sabi naman ni Yassi.
"Tsk. Ba't kasi ako na naman yang pinag tripan niyo. Tss. Marinig pa ng mga Tao. Kakahiya. Kumain na nga lang kayo." Drake.
Ayun wala na mang nangyari ulit na asaran patuloy lang kaming kumakain. Bigla naman kaming natigilan ng may magsalita sa likod namin.
"Ahm, Drake can i talk to you for a while?" Sabi ng babaeng nasa likod namin. Pagkaharap namin , nakita namin si Charice na nakatayo at nahihiyang nakatingin sa amin. Tumingin naman sa amin si Drake na para bang humihingi ng permiso kung puwede ba siyang makipag usap kay Charice. We just all nod. Tumayo na siya at naglakad kasama si Charice-- ayy mali pala nasa likod niya si charice. Nagtinginan naman kaming tatlo.
"Ano bang meron sa kanila?" Tanong ni Yassi.
"Kami pa talaga ang tinanong mo." Sarcastikong sabi ni Jess.
" Sorry naman . Nagtatanong lang naman baka sa kaling alam niyo." Yassi.
"Tsk. Tumigil nga kayong dalawa. Baka may pag uusapan lang silang imporante. " Saad ko naman sa kanila. Nag piece sign lang si Yassi.
********************
(Room)
Andito ako ngayon sa room namin last subject na lang kasi at uwian na. Nakikinig ako ngayon habang ito namang katabi ko natutulog. Tsk.
*Riinggg*
Hayy salamat makakauwi na rin. Inaayus ko na ngayon ang mga gamit ko. Ayan tapos na , napatingin naman ako ngayon sa lalaking hanggang ngayon ay natutulog parin. 'Wala ba siyang balak umuwi?' hinayaan ko na nga lang baka magalit nanaman yan. Tsk. Lumabas na ako ng room. Makauwi na nga it's already 4:00 pm.
Naglalakad ako ngayon , tumawag kasi sa akin si Manang di daw ako masusundo dahil ginamit ni kuya Jake yung kotse ko. Tsk. Naman may sarili naman siyang kotse , ba't ginamit niya pa yung akin. Kainis. Habang naglalakad may napansin kong may mga lalaking nasa kalsada at mukhang mga lasing.
"Hai miss. Ganda mo naman , samahan mo naman kami dito" sabi ng lalaking lasing habang nakangiti. Ang Pangit.
"Oo nga naman miss. Dito ka muna." Sabi pa nong isa. Tumayo sila at parang papalapit sa akin. Natatakot na ako.
"Ahm. Hi--hindi po pwde nagmamadali kasi ako baka hinahanap na ako nina kuya." Sabi ko sa kanila. Natatakot na talaga ako ng sobra.
"Mamaya na miss , samahan mo muna kami" sabi pa nung isa na ngayon ay palapit na ng palapit sa akin.
"Si--sige po mauna na po ako sa Inyo." Saad ko.
"Dito ka muna miss!!" Sabi naman ng lasing na lalaki.
"Anu ba bitawan niyo ako!!" Sumigaw na ako. Bigla kasing hinablot ng Pangit na lalaking lasing yung braso ko kaya napa harap ako sa kanila. " Anu ba bitawan niyo sabi ako.!!" Sigaw ko ulit.
"Tumahimik ka kung ayaw mong bugbugin kita!!" Sabi ni mamang Pangit.
"Bitawan niyo sabi ako!!" Pagpupumiglas ko ulit.
"Sabi ng tahi--" di na natuloy nung lalaki yung sasabihin niya at pagsampal sana sa akin dahil may humawak sa kanyang kamay.
"Tsk. Manghahamon ka na nga lang sa babae pa . Okay lang naman kung sumingit ako diba?" Sabi ni---.
To be continued....
**************
Author's Note:
Maraming marami pong salamat sa mga sumusubaybay sa storyang ito. Sana po magustuhan niyo.
Don't forget Leave your vote and comment . Thanks reader's. 😘😘
YOU ARE READING
Unexpected Love
RomanceMeet Mechaella Camello siya yung babaeng lumaking malayo sa magulang at tanging mga kuya niya lang ang kasama. Siya yung babaeng palaban. Meet Charles Hamerson siya yung lalaking napakasama ng ugali. Anak ng may ari ng school at mayaman. Anu kaya...