i

32 0 0
                                    

                                         ~♥~
Hatinggabi.

Kasalukuyan kong binabaybay ang kahabaan ng NLEX not knowing where I should go. Tumutulo yung luha ko from too much anger, frustration and exhaustion.

Eh kung ibangga ko na lang kaya tong kotse?

Napailing na lang din ako sa katarantaduhang pumasok sa isip ko. Kahit gaano akong nagugulumihanan ngayon, hindi ko pa din naman magagawa yun.

Pero sobrang frustrated ko to the point na nanghihina na ako at napapagod mag isip.

Kung pwede lang irewind ang mga pangyayari bago ang araw na to..

Ang saya ko pa kahapon eh.

Nagising ako sa breakfast in bed na gawa ni Mama. Ang aga niya kong ginising at halata sa kanyang sobra syang excited.

Kunsabagay naman, mamaya lang nang konti eh makakaharap na namin ang isang espesyal na tao sa buhay nya.
Pwedeng sa akin na din. Pero hindi masyado. Basta.

I am talking about my father whom I haven't seen in almost eighteen years.

Dumating sya galing Korea at magkikita kami mamayang lunch.

My parents have been divorced since I was 4 and from then on, I haven't seen him again. Dinala ako ng Mama na isang Filipina pauwi ng Pilipinas at syempre naiwan ang ama ko dun sa Korea kung nasaan ang buhay nya.

Kaya ayun. I don't have the slightest idea of how he is in person. Nakwento lang ni Mama ang ugali niya pero iba pa rin siyempre yung maka interact ko na sya at makasama.

Naririnig kong may communication pa din naman sila kahit naghiwalay na. Ang alam ko kasi, they both agreed on the divorce kaya walang masamang tinapay sa isa't isa.

Believe it or not, I was completely fine with it. Nasanay na ko at never syang issue sa akin at siguro din, sobra akong nakuntento sa pagmamahal na binibigay ng Mama sa akin at hindi na ko humiling ng pagmamahal galing sa kanya.

Hindi naman kasi sila nag away kaya sila naghiwalay sabi ng Mama. Nawalan daw sila ng oras sa isa't isa. They drifted apart. Nasa iisang bahay sila umuuwi pero bihira silang magkita. Ni hindi nga magkasabay sa pagkain.

Ang ama ko ay may saeiling kumpanya kailangang atupagin. Isang syang CEO ng company that deals with electronics and Mama ko naman is a fashion designer. Masyadong magkaiba.


Binuhos ng ama ko lahat ng oras nya sa kumpanya to the point na dun na sya halos nakatira sa opisina nya. My mom couldn't handle feeling like a mistress- the company being Dad's legal wife.

Kaya eto na kami ngayon.

Luckily for my father, Mom has only good words for him.Kaya ni minsan hindi ko maalalang may negative akong naramdaman para sa kanya.

Kaya lang mukhang magbabago na yun ngayon...

                                    ♥

After a few hours of driving, nakaramdam na din ako ng gutom.

Di man lang ako nakakain dun, damn it!

My Paradise Where stories live. Discover now