ii

17 0 0
                                    

                                ~♥~

I almost fell off the bed pagmulat ko ng mata ko at ibang kwarto ang nakita ko.

Napa- facepalm ako nung maalala ko kung anong nangyari.

Wala nga pala ako sa bahay.

Nasisilaw ako sa sikat ng araw mula sa bintana na naiwang bukas.

Nagulat din ako at nakatulog ako nang mahaba.

Did I just slept the whole day?!

Wow. Ang alam ko parang alas sais na yata ako nakapag check-in kanina

At mukhang malapit nang lumubog ang araw ngayon.

Pambihira.

Ganun ba ako ka-pagod?

Nag inat ako at tumayo para kunin ang gamit ko na nasa may maliit na table sa paanan ng kama.

I took out my phone at nagdalawang-isip kung bubuksan ko ba.

Malamang kasi tadtad na 'to ng missed calls at text messages.

Pero kailangan kong malaman ang oras at tamad akong bumaba. Wala akong relos at ngayon ako nagsisi kung bakit wala akong suot.

Walang relo sa kwartong to.

After ng ilang buntung-hininga, I decided to open it.

Screw it.

Not even 2 minutes after turning it on, nag ring na agad.

Si Mama.

Medyo kinabahan ako.

I know she's worried sick. Can't blame her.

Nakatatlong ring pa bago ko sinagot.

"He-"

"Jasmine? Jaz? Thank God! You picked up the phone finally! Where are you? Papatayin mo ako sa nerbyos!" ramdam ko ang pagpapanic sa boses nya.

"Ma, calm down. I am fine."

"Calm down, Jaz? After you sped off to god-knows-where? Tapos patay pa ang phone mo? You're telling me to calm down? Anak naman!"

"Ma... wag na mag-alala please. Kilala nyo naman po ako. Maingat ako magmaneho. And this is not my first time na malayo ako sa bahay. Pero sorry pa din po. Alam kong pinag alala ko kayo."

"Mabuti alam mo. And yes, you've been out of town, out of the country, stayed with other people on some other places, pero Jasmine iba yon. This time around, you are mad! Paanong hindi ako mag aalala?"
damang dama ko ang pangungunsumi ni Mama.

Ayan na nga at naguguilty naman talaga ako.

"I know Ma. Kaya nga sorry na. Kahit naman hindi maganda ang mood ko, matino pa din ang pag iisip ko. Di ko naman hahayaang may mangyaring masama sa akin. Pero sorry talaga.."

I can hear her heavy breathing on the other line.

"No, anak. I am sorry.."

Napatigil siya sa pagsasalita.

Here we go. Di ko na maiiwasan tong usapang to.

Hindi din ako nagsalita.

"Jaz, uwi ka na please. Mag-usap tayo dito sa bahay. Please?"

It's my turn para bumuntung-hininga.

"Tungkol pa rin ba to sa kahapon Ma? Akala ko tapos na kong magsalita. You know how I feel. Ni hindi nyo din nabanggit sa akin, matagal nyo na palang alam."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 05, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Paradise Where stories live. Discover now