CHAPTER 10

12 0 0
                                    

GLAINE POV

"Hoy sis!  Ano ka mayaman? " sigaw ni trisha sa likod ko.

"ha? " ano ba sinasabi neto?

"Haynako sis hindi ganyan magsayang ng pera noh"

"Ano bang sinasabi mo? "

"Tingnan mo kasi yung gripo oh kanina pa bukas, bakit ba kasi tuleley ka dyan ha? nag eemote ka pa di naman sayo bagay" -_-b

hayst Di ko alam napatulala pala ako habang inaalala ang nangyari samin kahapon ni Lia-- sir.

Tuwing babanggitin ko pangalan niya at tuwing iisipin ko nangyari samin di ko maiwasang masaktan.

alam kong gusto lang kita pero bakit iba  ang dating sa puso ko?

"hmm wala iniisip ko lang kung pano ko pagkakasyahin yung sweldo ko sa mga bayarin ko"

"Sis matagal na tayong magkaibigan kaya kilala na kita e, Alam kong may iba kang pinoproblema ha, Ano problema mo? baka makatulong ako bukod lang sa pera hehe alam mo naman andito lang ako lagi para sayo"

Nginitian ko siya ang swerte ko sa kanya hinding hindi ko ito ipagpapalit ang babaitang ito kahit kanino.

"Di mo naman kasi ako sineseryoso sis e" sabi ko habang nakanguso.

"E ano ba kasi yon?"

"Tungkol sa----" magkukwento na nga ako pinigilan pa ko

"Teka teka lang sis,  tara don sa sala nakakangawit dito e saka mag dala ka ng foods baka malanobela yan hahaha"

buset talaga kahit kailan -_-

"Anong foods ba gusto mo? at anong klaseng lason ang ilalagay ko? ng matahimik na yang bibig mo"
sabi ko habang naghahanap nga ng makakain.

"ay grabe siya,  masama kumain?  masama? bilisan mo nga dyan"

sumunod na ko sa kanya habang may bibit na malaking Pic-A .

"alam mo sis sabi sakin ng tatay ko wag na wag akong magtitipid kung sa pagkain ko naman gagastusin para din naman yon sa sarili ko ,  oh sige na sis magkwento ka na hehe" sabi ni trisha nanguna pa talaga sakin buksan yon.

"akala ko ikaw magkukuwento tss,  baka gusto mo kong bigyan bago ako magsimula? " buti naman binigyan ako akala sosolohin,  last na nga yon e.

ikukuwento ko ba talaga sa kanya?  wag niya sana akong husgahan.

"ano hmm sis? tungkol to sa tinanong ko sayo kanina , Yung unang kita mo palang sa kanya biglang bumilis ang tibok ng puso mo tapos tuwing titigan ka niya parang hinihigop ang kaluluwa ko"

"oh tapos? "

"seryosohin mo ko sis ha dahil seryoso talaga ko. Yun na nga ganon ang naramdaman ko nung una ko siyang nakita"

" e sino bang hinayupak na taong yan na bumuhay sa puso mong patay patayan? "

tanong niya.  Kain pa rin siya ng kain -_- di man lang ako naisipang alukin uli sinolo na,  mabilaukan sana haha

"ah eh si si L--Liam" sabi ko habang di makatingin sa kanya alam kong iisipin neto.

"Sinong Liam naman yan? Gwapo ba?  nako pag yan pangit ang dami dami mong pupusuan ay pangit pa,  ano sino yan?" tanong niya sabay nguya ng kinakain niya.

"Si Liam Villafuente" sabi ko habang diretso ang tingin sa kanya gusto kong makita ang magiging reaction niya.

Unti unting lumaki ang mga mata niya sabay buga ng iniinom niyang tubig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SEX BECOME LOVESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon