Hello po sa inyo..^__^
Ito po ay ang aking unang Short-story. Gusto ko lang maka-gawa ng isang KathNiel story ((:
I'll just try. Kasi gustong-gusto sya ng tita slash kinaka-patid kong si Bernadette Baret. Pati na rin si Vivienne Layto at si Kyla Mitzy Dela Puerta. Dahil sa isa lang ang pwedeng madedicate-an nito,, Pinost ko na lang names nyo rito.. Hehe.
Scroll down to read the story.
----------------------------------
Part one
"Irene! Paki-dala naman dito yang sinigang!"
Sigaw ng aking nanay na ngayon ay nasa karinderya namin.
"Opo! Nandyan na po!"
Sigaw ko naman habang hinahalo ang sinigang..
Pag-katapos ko nun.. Inilabas ko na yun at Nag-lagay ng sabaw sa isang bowl
Pumasok na ulit ako sa loob at nag-hugas ng pinagkainan ng mga kostomer nung tinawag ulit ako ni nanay, lumingon lang ako.. at sa pag-lingon kong yun may nakita ako.. Isang lalaki na kumakain ng Topsilog .. Naka-uniform sya.. Uniform ng school namin.
Parang timang lang. Nag-blur yung paligid nya. Nag-slow mo lahat ng gumagalaw at.... at...
"Irene!Plato pa!"
"Ayy tipaklong!" Muntik ko nang mahagis yung platong may sabon.
Dali-dali ko sinabon ang mga plato at hinugasan at pinunasan.. Akala ko andun pa sya sa labas kaya ako na nag-dala nung mga plato kay nanay pero pag-punta ko wala na sya..
Nalungkot naman ako.
Nagpaalam na ako kay nanay para maka-pasok na sa school.
Pag-dating ko, sinalubong agad ako ng bestfriend kong si Jilia.. Kinwento ko yung tungkol dun sa guy na kumain sa karindirya namin..Naiinis nga rin sya kasi hindi ko man lang daw tinanong yung pangalan..
Aba! Nakakahiya naman noh. Tyaka andun si nanay baka kung ano pa ang sabihin sa akin nun.
Nung hapon na. Maaga kaming pinalabas kaya naman tumambay kami ni Jilia sa benches sa may field.. Nagtitingin lang kami dun. Ang engot nga namin ee pinagtitripan namin yung mga 1st yr na naglalaro ng Prisoners base. 3rd yr kasi kami kaya ayos lang yun. Ginagalang sa school namin ang 3rd and 4th yr.
Tawa kami ng tawa tapos may biglang dumaan na 4th yrs sa harap namin. Natigilan ako kasi dumaan yung crush ko.. yung kumain sa karindirya namin kanina.. Natigilan din si Jilia tapos tinignan nya yung paalis na magbabarkang 4th yr.
Sinabi ko sa kanya na yun yung crush kong kinukwento ko sa kanya.. Hinihinla nga nya ako para sundan sya e, pero ayaw ko mamaya akalain stalker miski hindi naman >.<
Ilang araw na ang nag-daan na lagi sya sa karinderya namin kumakain tuwing umaga.. Lagi na ngang maaga ako ang gumigising para tulungan si nanay. Nagtataka na rin sya kung ano raw ang nangyari sa'kin.
Sa ilang araw na yun, hindi ko pa sya nakakausap,, ni ha-ni ho,wala.. Nahihiya ako..
Kahit sa school pag magkakasalubong kami. Di ko sya tinitignan pero pag naka-talikod na. dun ako sisilay. Nakaka-inis nga na nakakaselos e.. Kasi nakaka-usap sya ni Jilia pero pag tinatanong ko kung ano ang pinag-uusapan nila,, di nya sinasabi :l
Araw-araw na syang kumakain sa karinderya namin, close na nga din sya ni nanay kasi regular na sya dun.. I mean umaga't gabi dun sya kumakain, minsan nga nag-tataka na ako kung may bahay ba sya e. Kasi lagi sya andun.
January na, nung medyo nag-papansinan na kami. Pero di yung usap na tulad nila ni Jilia. Nagwo-walk out na nga ako minsan pag magkasama sila.. Tapos pag medyo naka-layo na ako, maririnig ko si Jilia na tatawa at si Kuya Niell naman ( yun daw ang name ni kuya crush..sabi ni Jilia)
A/N: BASAHIN ANG SUNOD NA KABANATA!
(Tapos ko na itong gawin upload na lang ang kulang~~!)
BINABASA MO ANG
Note this:Crush ko sya[Completed]
FanfictionFirst time ko po itong fanfic na KathNiel :)) So sa mga adik po sa kanila, sorry kung sabog 'tong storya XD Sana po magustuhan nyo ^^. -Neyy.