Part five

322 15 0
                                    

Ang sakit tae! Swerte mo bestfriend!

Ikaw ang gusto nya!

At nagpapatulong pang man-ligaw.. Ikaw na may mahabang hair!!

Ang charot eh.. Life is so ironic.. 

Parang timang lang e.. Bat ako ganto nasasaktan noh?? Eh crush ko lang naman sya.. hayyys..

Pumasok ako ng school nang parang normal lang.. Kaso di ko pinapansin si kuya Niell kahit lumalapit sya ng lumalapit sa'kin. Nung recess at lunch di ako lumabas ng room. Naka-tungo lang ako sabi ko di ako gutom at inaantok lang ako.. haaayy.. Ayoko naman mag-mukmuk ee.. Ang charot.

Nung uwian sinamahan ko si Jilia na pumunta ng canteen kasi andun daw sila kuya Niell e baka naman mahalata nya kaya sumama na ako. At sinabi ko na ring gusto syang ligawan ni kuya Niell. Imbis nga na kiligin o mabigla sya. Wala syang reaction.. Ang sinabi lang nya e "Haay na'ko si Niell talaga" tapos umiling-iling sya..

So nag-punta na kami ng Canteen at iilan na lang ang tao dun dahil sa uwian na nga. Nung lumapit kami kina kuya Niell narinig ko pang nagbubulungan yung mga kasama nya na

'Ayan na pre.'

'Oh.. totorpe torpe na naman yan'

'Dali na. Its your time to shine' 

Syempre hinayaan ko na at siniko naman ako ni Jilia kaya napa-ngiti ako ng... pilit

Tumayo naman si Kuya Niell at lumapit samin.. Pumagitna sya sa'min ni Jilia. at naramdaman kong humawak yung kamay nya sa likod ko. Pero dko pinansin.. 

"Tara na. Hatid ko na kayo" sabi nya sa'min

Kaya naman tumalikod na kami.. at andun pa rin yung kamay nya sa likod ko. tinatry ko ngang abutin para tanggalin pero kaka-ilang e.. 

Pag-talikod namin.. nag-'woaw' at nag-palakpakan yung mga kasama nya kanina na naiwan tapos umiling na lang sya habang naka-ngiti

Nung dumaan kami sa corridor.. May mga nagyi-yiee sa'min.. Siguro kina kuya Niell yun at Jilia..

Nauna naming hinatid si Jilia. Kaya naman nung naka-alis na si Jilia e. nag-paalam na ako sa kanya pero pinigil nya ako gamit na pag-hawak sa braso ko..

"Bakit po??"

sabi ko. habang naka-talikod naka-lingon lang yung ulo ko sa knya

"Ahh teka.. " tapos may tinanggal sya sa likod ko "Oh.." tapos may inabot sya sa'king papel

Binasa ko yun ng malaks. yung parang kausap ko sya

"Note this: Crush ko sya by... NP?" sabi ko at lumingon sa'kanya

"H-ha?? Ah.. eh.. n-nakuha ko lang yan sa likod mo ha" dali-dali syang tumalikod.

"S-sige babye. U-una na'ko" tapos nagave na sya

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

February 14:

JS na namin at malalaman lang namin yung partner namin ngayong araw. Saktong Hearts day at prom night pa. 

Nung naka-pila na ako.. Kami na lang ni Jilia ang walang partner at nag-lalakad na yung iba papasok ng gym.

May lumapit kay Jilia.. siguro yun yung partner nya

"yUy Irene Una na ako ha.." sabi nya habang tinuturo yung loob

Alo naman e kinakabahang sumagot "Ah-ah sige" Wala pa kasi akong partner

Tapos bigla akong may naramdaman sa tabi ko. pag tingin ko si Kuya Niell

"K-kuya N-Niell?!"

"Aha." sabi nya ng naka-ngiti. "Oh" inabot nya sa'kin ang isang red rose at inalok ang left arm nya..

Note this:Crush ko sya[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon