Bakit tayo iniiwan?

8 1 2
                                    

     Bakit ba tayo iniiwan? Sawang sawa na ako, sa tuwing magmamahal ako, hindi ko maiwasan ang masaktan.

"ARAY!" Napabalik ako sa realidad ng batukan ako ng bestfriend ko.

"Ano na teh? Kanina pa ko salita ng salita dito nakatulala ka diyan" sabi niya sakin.

"Sorry may naisip lang ako." Sagot ko "Si Clark nanaman ba yan? Alam mo bes kalimutan mo na yan, simula ng mag break kayo nawala ka na sa focus. Namimiss ko na yung dating bestfriend ko" sagot niya.

"Ilang beses ko ng sinubukang kalimutan siya pero di ko magawa" sabi ko sa kanya habang pinipigilan ang mga luhang nagbabadya na mahulog sa aking mga mata.

"Sabi ko naman sayo diba kailangan mo ng break, out of town tayo sa saturday, game?" Sabi niya habang nakangiti sa harap ko

"Bahala ka." Sagot ko habang pinipigilan parin ang luha ko.

"Bitter mo teh" tugon niya sabay ng pag irap saakin.

Umalis ako at iniwan siya. Habang naglalakad ay unti unting tumulo ang mga luhang kanina pa nagbabadya.

•-•-•-•-•-•-•

-SATURDAY-
       Tulad ng sinabi ni Chloe kailangan ko nga ng free time, kaya nag out of town kami.

"Bess, ang pogi nun oh" sabi niya habang nakatitig sa lalaking tinuri niya.

"Tss, bulag ka ba? Ang pangit nyan oh?" Asar na sabi ko "Bitter teh?? Wag ka nga." Sabi nya sabay irap at patuloy na nagde-day dream.

"Tss dyan ka na nga" iniwanan ko siya at naglakad sa palibot ng isang resort hanggang sa *BOOM*.  "ARAY! Pwede ba tumingin ka sa dinadaanan mo" sabi sakin ng lalaking nakabunggo sakin sabay alis.

"Wow ha salamat! Ikaw na nga nakabunggo ikaw pa galit! Mga tao nga naman ngayon!" Tumigil lang siya at tumingin sakin.

         Sumapit na ang gabi at bumalik na ko sa hotel. Wala pa si Chloe kaya nagdecide muna ako na mahiga at magcheck ng feed.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng Facebook ay mukha agad ni Clark ang nakita ko. Hindi ko napigilan ang mga luhang unti-unti nanamang nagbabadyang mahulog. Napagdesisyunan kong lumabas at pumunta sa isang open mini bar para magpahangin.

Habang nasa bar ay hindi mapigilan na mag flashback muna sa utak ko ang mga pangyayari samin ni Clark dati. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at naramdaman ko na lamang na may humawak sa likod ko.

"Miss ayos ka lang? Gusto mo ng kasama?" Medyo familiar ang boses niya pero hindi ko alam kung saan ki narinig iyon.

Unti-unti kong inangat ang aking mga ulo at tumingin sa kanya.

"Ikaw!?" Gulat na tugon ko sa kanya.

"Lovelife?" Tanong niya na agad ko namang tinanguan.

"Pareho pala tayo ehh" tugon niya sa aking tango. "Broken ka rin?" Tanong ko. "Medyo" agad niyang sagot.

Lumipas ang ilang oras, patuloy parin ang aming pag inom at pag-uusap, bigla ko nalang natanong sa kanya ang mga tanong na matagal ng nasa isip ko at hindi ko masagot.

"Bakit ba tayo iniiwan?" tanong ko sa kaniya habang hindi parin tumitigil ang mga patak ng luha ko.

"Bakit tayo iniiwan? Mahirap na tanong yan pero isa lang ang masasagot ko diyan, siguro kaya tayo iniiwan ay may something na mas better pa na dadating. Iniiwan tayo dahil hindi sila ang itinakda satin. Siguro minsan ba naisip mo na, sa tuwing may aalis at mangiiwan satin, may iniiwan naman silang lesson at memories. Maybe hindi kayo itinadhana pero napadaan naman siya sa buhay mo para magiwan ng magandang memories. Pero kahit na anong sakit na nararamdaman natin, kailangan parin nating bumangon, kailangang magpatuloy, kailangang harapin ang mga bagong pagaubok. Ngayon maraming nagtatanong, bakit ba tayo nagmamahal khng patuloy lang din naman tayong nasasaktan? Simple lang, parang ginawa lang God na, dahil sa sobrang pagmamahal niya satin ay ibinigay niya ang kaniyang anak na magliligtas sa atin. Kaya tayo nagmamahal ay dahil minahal Niya tayo." Sa mga sinabi niyang yon ay natauhan ako.

"Paano ba yan? I'll go ahead?" Tumango lamang ako at pagkaalis niya ay umalis narin ako.

•-•-•-•-•-•-•

        Makalipas ang ilang linggo hindi ko parin malimutan ang napagusapan namin ng misteryosong lalaki na nakilala ko sa resort.  Pauwi na ako galing office at nag-MRT nalang ako. Kaunti lamang ang tao numg panahon na yon at tumigil sa ang MRT sa isang station.

Nagulat ako ng pumasok si Clark sa pinto ng MRT. Napansin niya ako at umupo sa tabi ko. "Hi...B-Bella...t-tagal nating di nagkita ah" bungad niya sakin, nginitian ko nalamang siya at nagpatuloy sa pagtinggin sa labas ng mrt.

"S-sorry ahh" sabi niya na halata namang pinipigilan niya ang kaniyang pag-iyak.

"You don't have to be sorry" sabi ko sa kanya habang nakatingin sa kanya.

"O-ok ka na b-ba?" Sabi niya, kasabay ng pag utal niya ay ang mga luhang unti unting pumapatak.

"Oo naman ako pa ba?" Sabi ko habang nakangiti sa kanya.

"S-salamat ahh, s-sa pagiging parte ng buhay ko."  Pasasalamat niya. "Walang anuman, masaya din naman akong naging parte ka ng buhay ko. Marami akong natutunan saiyo." nakangiti kong tugon.

"Paano ba yan bababa na ako, bye" sabi ko habang tumatayo.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at pagharap ko, "Bella, mahal parin kita." Napangiti nalang ako at hinawakan ang kanyang kamay. Pagtapos non ay bumukas na ang pinto at bumaba na ako ng train.

-----------------
Hehehe medyo baduy at bitin😅

Mga panahong baguhan si ako😂

Ito po ay ginawa kong entry sa isang story writing sa school last valentines with a theme na dapat masasagot ang 'bakit tayo iniiwan?'. Nasagot naman yung thought diba? O hindi?🤔

Open po ako for critiques to become a great writer
Enjoy!🙂

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Kwento Ng 'Bakit?'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon