Chapter 1:walang internet

10 0 0
                                    

CHAPTER 1 : WALANG INTERNET….

“this web page is not Available”

June 1, 2014    

          Isang malaking trahedya ang dumating sa simple kong pamumuhay, isang trahedya na tuluyang babago sa pag tingin ko sa mundong ito, WAlANG INTERNET

Pagsasadula

Nene: hoy walang internet

Me: Seriously?

Nene:Yep

Me: NO!!!

          OKAY, siguro over acting lang ako.  Pero bakit nga ba isang simpleng bagay tulad ng internet ay isang napakalaking bagay para sa mga tao lalo na sa younger generations (teka lang kasali pa ko dun eh).  Okay ang internet ay galling sa idea ni leonard keinlock, (pero hindi ako sure at di ko madouble check dahil wala akong internet, at kung meron man ay hindi ko padin isusulat dahil tamad akong tao). Nagagamit natin ito para makausap ang mga taong malalayo satin(I know cellphone, pero sino ba ang nag susulat ikaw o ako?). sa mabilis na pag reresearch para sa school. At Boys*wink* at *girls* alam na? XD.

Pero kahit sabihin natin na madaming positive na bagay na pwedeng gawin gamit ito, madami din itong negatibong epekto sa atin tulad ng

1.     No face to face communication

Okay, face to face communication o pakikipag-usap ng harapan. Oo nga masasabi nating convenient ang mga social media para makipag-usap  tayo sa mga kaibigan, kaklase, kamag-anak, boyfriend/girlfriend, pero let’s be honest, minsan yung mga kilala mo sa internet ay hindi mo naman talaga kilala personally. Isa pang sitwasyon ay yung meron isang tao na mag papakilala sayo which is hindi mo naman kilala at kung saan sa mars sya nakatira, kasunod pa nito ay mga posers.

Example:

Boy nagpapangap na girl: hello can I be friends with you ^_~

Boy na tanga: sure

BNNG: o by the way broadband lang kase gamit ko pwede pautang ng pang load or loadan mo nalang?

Bnt: Sure number mo?

BNNG: XXXXXXXXXX thank you  :*

Bnt:ayan okay na

BNNG:  hu u?

2.    Nababawasan ang kakayahan nating mag-isip

Okay as students, sino di pa nararanasan ang pag “copy paste” taas ang kamay, ang mag taas ng kamay papatayin ko sa panaginip. Ganyan kase ang mindset nating mga estudyante pag nag bigay ng assignment, project o activity ang mga teacher. Research dito ,research dyan. Pero iniisip ba natin kung tama yung nababasa natin? Karamihan hindi, masabi lang na may maipasa kahit hindi nya na alam yung nakalagay go parin.

 

3.    Sexual something

Okay one word, porn. Sino ba naman 10 years old ang hindi na curious sa salitang yan. Tanda ko pa dati nung ganyang edad ako, akala ko cartoons yung meaning nyan. Isa pa ay yung mga sexual predrators, katulad ng mga pedophile. Since mga bata ang tinatarget ng mga yan, hindi nila alam kung pano nila idedefend ang sarili dahil hindi pa sila aware sa mga ganyan bagay.

Man 1: gusto mo ng candy?

 

4.    Addiction

Kadalasan ang mga nagiging adik sa internet ay ang mga teenager, baket? Dahil ito ang nagiging paraan para ma establish ang identity natin sa ibang tao(I mean madami naman ibang paraan, pero ito ang pinaka simple. Isa pa ay yung mga online games, dahilan? Kase Masaya mag laro ganun lang kasimple.

 

Boy: hmmm. Maitry nga to

 

*1 month later*

 

*character= Wealthy* *player=poor*

 

5.    Insomnia or  hirap makatulog

Hindi yan totoo noh. Tinatype ko lang naman to ng alas tres na madaling araw. Psh hindi totoo yan

 

6.    Moral corruption

Sige pag laruin mo ng call of duty(research mo nalang) yung 5 years old tignan natin kung hindi mabago tingin nyan sa mundo

 

7.    Cyber bullying

Well duh? Bullying pero sa internet

 

8.    Wastage of time

Nope, time spent enjoying is time not wasted

9.    Inactivity

Okay. Baket nga ba ito nagiging dahilan ng katamadan, kase convenient. Ganun lang kasimple, lahat ng bagay na convenient ay nag co cause ng katamadan. Simple?

Pero sinong mag aakala ng isang bagay na hindi naman nag exist 30 years ago. Pero isipin nyo nalang kung hindi naimbento ang isang bagay na tulad nito?

Pagsasadula #1

Boss 1: pwedeng paki kuha nung file sa 25th floor?

Employee: sige po

Boss 2: pwede paki kuha nung file sa 15th floor?

Employee: sige po

Boss 3: pwede paki—

Employee: raaaaaaaaaaaaarrrrrrrrrr!!!!

Pagsasadula #2

Teacher: okay class please do a research paper regarding the topics listed on the board

Students: *walkout* Puntang Library*

*Library*

Librarian: Walang ganung libro ditto

Students:*mass suicide*

Pagsasadula #3

Boy1: pre, alam mo yung bagong anime? Yung attack on humans?

Boy2: hindi eh, maganda ba yun?

Boy1: ou pre maganda, astig. Ang gagaling nung mga characters

Boy2: mukang maganda nga ah, kelan ba pinapalabas yan?

Boy1:ah eh, tapos na ehh, next year pa yung kasunod.

Boy2:…..

Over all. Tao pa din naman ang mag dedecide kung makakatulong ba o hindi ang isang bagay. Pero isang bagay ang sigurado. Ang kahit anong bagay na sobra ay masama

"Web pag not found"

 

 

 

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HIGH 5(the Adventure of foureyedjerk)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon