Piece 1

2 0 0
                                    

Hindi ko alam kung paano at kailan nagsimula
Na unti unting mahulog sayo
Ngunit isa lang ang aking nasisiguro
Yun ay ang 'gusto kita'
Sa ilang nakilala at nakausap ko
Bakit tila sayo lang napako ang atensiyon?
Na para bang nawawala sa sarili ko
Kapag di ikaw ang kausap ko
Pero bago pa man ikaw'y makilala
Ipinangako sa sarili na di na muling magpapatihulog sa kung sinuman
Dahil alam ko, walang kasiguruhan
Na may isang taong handang samahan ako hanggang dulo
Kaya lang dumating ka sa buhay ko
Nagbago bigla takbo ng puso't isip ko
Nakapangako na sa sarili ngunit nawala lahat nung nakilala ka
Ano nga bang mayroon ka at tila nabihag
Ang puso kong pilit nilalayo sa sakit ng kahapon
Na dahilan upang magkaron ng takot
Ngunit kung para sayo, handa akong sumubok
Gusto kita, sana malaman mo
Gusto kita, sana hayaan mo
Na maiparamdam sayong lahat ng ito'y totoo
Naunawaang hindi pa handa sa kahit ano
Kaya handang maghintay hanggang sa kaya mo na
Na ibigay ang sarili pati narin ang puso
Na katulad kong, iniwang durog ang puso
Nung mga maling tao na inakalang
Sila ang bubuo sa bukas na walang hanggan
Sana dumating yung araw na kaya ko na
Kaya ko nang aminin sayo ang tunay na nararamdaman
Para di na maghirap ang kalooban
At di na magpigil ng luhang gusto na kumawala
Kapag ito'y nalaman mo na, ika'y 'wag sana mawala
Dahil ako'y tila nahulog na ng tuluyan sa isang tulad mong
Ginugusto't minamahal ng nakararami
Kilo kilometro man ang agwat
Asahan mong 'di magsasawang ikaw'y pasayahin
Nang munting kulitan at kwentuhan
Simula nung nakausap ka, isa lang ang napagtanto ko
Hindi pala mahirap mahulog sa isang tulad mo
Ang mahirap ay ang itago sayo lahat
Dahil sa dalawang salitang pumipigil sa akin
Na aminin tunay kong nadarama
Sa ngayon hahayaan ko munang lunurin ang sarili sa magkahalong sakit at saya
Sakit na dinudulot ng pagtatago ko nito sayo
At saya na dinudulot mo sa buhay ko

To my Sunflower ManWhere stories live. Discover now