Pasensiya na, di ko naman sinasadya.
Pasensiya na, galit ka kaya?
Pasensiya na, nakakagulo kaya ako?
Pasensiya na, mahalaga ba ako sayo?Paulit ulit ang paghingi ng pasensiya,
Paulit ulit din ang pag-iisip tungkol sa kanya
Pilit iniintindi, gustong magtampo
Ngunit bakit ang sakit pilit itinatago?Oo, masaya ka sa kanya
Oo, gusto mo nga siya
Ngunit di ka niya kailanman magugustuhan
Kahit masakit, tatanggapin nalangIiyak mo, hanggang sa makatulog
Tanong sa sarili, bakit nahulog
Sa tulad mong 'di makita ang halaga ko
Na hinahayaan lamang na sayangin moSana magising na sa katotohanang
Na wala sayo ang tahanang
Pilit hinahanap sa mga bisig mo
Pilit humahawak sa iyoTama na, itigil mo na
Kahit nito lang, magpahinga ka na
Hayaang siya ang pumansin sayo
Para malaman niya ang halaga mo
YOU ARE READING
To my Sunflower Man
PoetryI met a person, who opened my eyes to poetry, to love them, and try to make one. Until, I found myself, still pursuing the love for it. And hopefully, you enjoy the roller-coaster ride of this piece's I made. Expect to feel the love and the pain thr...