"KINAKABAHAN ako sa larong ito," pabulong na sabi ni Alexandra Perez, sapu-sapo ng kamay nito ang dibdib at panay ang pagbu-buntong hininga nito.
Ramdam ni Alexandra sa dibdib ang malakas na kabog doon. Napatingin ito sa kanyang bestfriend na si Katelyn Guzman na halatang kabado rin.
Tiningan ni Floyd Evasco ang girlfriend nito. " Relax ka lang Alex, it's just a game," anito na hinawakan si Alexandra sa kamay. Ramdam nito ang panlalamig ng girlfriend.
Pagkatapos ay binalingan ni Floyd si Isabella Roxas na nagsusulat ng mga character sa laro. " Ang bagal naman, dali habang walang klase."
" Oo nga bes, bilisan mo naman diyan para naman makarami tayo nang laro," sabi ni Jonathan Boongaling.
Pasado alas siete na ng gabi at madilim na sa buong MEBC University. Ang room na lamang nila ang may klase sa highschool building. Ngunit di din naman nagpupunta ang guro nila sa asignatura yuon kaya ang karamihan sa mga kaklase nila ay umuwi na lang.
Hindi maalis-alis ang kaba ni Alexandra na kanina pa nito nilalabanan. Kinukutuban siya na may masama mangyayari habang naglalaro sila. Ngunit di nya naman masabi na wag na lang laruin ang larong yun dahil ang nagsabi nito ay ang kanyang boyfriend at ang lahat ay sang-ayon dito. Ang tanging dasal na lamang nito ay walang mangyari sa kanila at sana matapos na agad ang araw na iyon.
" Nga pala, saan mo ba nakuha ang larong ito Floyd?" sabi ni Diego Zamora.
" Wala, nakita ko lang dun sa google. May nakasulat pa nga dun na BABALA hahaha"
"Ano! Itigil na natin to. Baka kung ano pang mangyari," sabi ni Greg Andal na kanina pa rin nanginginig.
" Bakla ka ba? Ang matatakutin mo naman. Wala naman yung babala, siguro ay nakalagay lang dun ay bawal sa bata"
*nagtawanan sila*
Natapos na magsulat si Isabella. "Ano, game na?," sabi ni Floyd. Alam nyo kung paano ha.
"GAME!!!"
Nagbunutan na sila ng mga character sa kahon. Ang huling bumunot ay si Alexandra. Habang kinukuha niya ang papel sa kahon. Biglang nagsara ang pintuan.
"Ano yun?," sabi ni Alexandra na sa sandaling yun ay parang nawalan na ng hininga dahil sa kaba.
"Wala yun love, hangin lang yun. Tara game na"sabi ni Floyd na di pinapahalata na siya ay kabado din.
Napansin ni Katelyn na sila at ang isa pa nilang kaklase na si Ivan Abrigonda na lang ang nanduon sa classroom. Ang iba nilang kaklase ay naguwian na. " Oy, sali ka na dito bes nang dumami dami naman."
"Sige sige. Mukhang masaya nga yan."
"GAME!"
Ilang sandali pa ay biglang lumamig ang paligid ng classroom. Ang lahat ng mga kasali ay tahimik na pinagmamasdan ang isa't isa. Maya't maya pa ay bigla na lang namatay ang ilaw sa classroom nila.
Nang bumalik na ang ilaw sa classroom nila, bigla na lang sila nagsigawan at nagtakbuhan palabas ng kanilang classroom nang makita nila ang katawan ni Ivan na punong puno ng dugo na nakalumpasay sa sahig at puro ng saksak. Ang mata nito ay nawawala at ang mga labi ay nakatahi ng paulit ulit.
BINABASA MO ANG
Killer Eye
HorrorSimula nang mamatay ang kaklase nilang si Ivan habang naglalaro sila ng Killer Eye ay sunod-sunod na kababalaghan ang nangyari sa magkakaibigan na sina Alexandra, Katelyn, Floyd, Isabella, Jonathan, Diego at Greg. Iyon na ang simula ng kanilang b...