"HUWAAAAAAAGGG!!!"
Napabangon bigla sa kanyang kama si Alexandra. Pawis na pawis at nanginginig ang buong katawan. "Dalawang araw ko na laging napapanaginipan ang babae yun na nakatingin sa akin at nakangiti habang pinapatay si Ivan. Sino ba sya? Bat nya ginawa yun?"
* tumunog na ang kanyang orasan*
"Hay, umaga na pala."Bumangon na si Alexandra at dali daling pumunta sa kanyang cr para maglinis at maghilamos ng mukha. Tiningnan niya ang kanyang sarili sa salamin. Halatang halata sa kanyang mukha ang lagi nitong pagiging puyat.
Habang naghihilamos ng mukha muli ito ay napatingin sa salamin sa harap ng lababo ng kanyang cr.
"AAAAAAAAAAAAHHHHH!!!!" Bigla syang napaatras at napaupo sa sahig. Nanginig bigla ang kanyang buong katawan at ang biglang bumilis ang kanyang puso na para bang sasabog na ito sa kanyang nakita.Nakita niya ang babae sa kanyang panaginip na nakatingin sa kanya na hawak ang katawan ni Ivan na wala ng buhay. Nakangisi ito at nanlilisik ang pula nitong mata na nakatitig sa kanya."Anak!, bat ka sumigaw?Anong nangyayari sayo diyan sa loob. Buksan mo to nak!," sabi ni Aling Felicing na dali-daling umakyat para puntahan ang kanyang anak.
Tiningnan ulit ni Alexandra ang salamin at wala na dun ang imahe na kanyang nakita." Wala ma, nagpapractice lang po ako para mamaya sa klase. Lalabas na din po ako mamaya ma."
" Ah sige anak, labas ka na diyan. Ready na ang pagkain mo sa baba, liligo lang muna ako," sabi ni Aling Felicing bago tuluyang nilisan ang harapan ng kwarto ng kanyang anak.
Kahit nanginginig ang kanyang buong katawan dahil sa kanyang nakita ay tumayo na si Alexandra sa kanyang kinakatayuan para matapos ang kanyang ginagawa at lumabas sa kanyang kwarto para mag-agahan.
BINABASA MO ANG
Killer Eye
HorrorSimula nang mamatay ang kaklase nilang si Ivan habang naglalaro sila ng Killer Eye ay sunod-sunod na kababalaghan ang nangyari sa magkakaibigan na sina Alexandra, Katelyn, Floyd, Isabella, Jonathan, Diego at Greg. Iyon na ang simula ng kanilang b...