Amnesia

8 0 0
                                    

His POV

 

I drove by all the places

We used to hang out getting wasted

 

Ito ako ngayon, naglalakad sa sidewalk (A/N: Of course, alangan namang sa gitna ng kalsada di ba? Ano yun, mag e-exhibition?) habang tinititigan at inaalala ang mga masasayang alaala sa mga lugar na tinatambayan naming dalawa. Malayo layo na rin ang nalakad ko nang mapatigil ako sa harap ng ‘Korean Cuisine,’ ang most memorable place para sa akin. Lahat ng mga tawanan, asaran at kulitan naming ay dito nangyari. Napasinghap na lamang ako ng maalala ko ang lahat ng iyon. Kamusta na kaya siya? Miss na miss ko na siya…

I thought about our last kiss

How it felt, the way it tasted

Nagpatuloy ako sa paglalakad ngunit hindi ko maialis sa isipan ko ang mga imahe niya. Imahe namin. Ang tagal ko rin siyang hindi nakita. Naaalala pa kaya niya ako? Andaming katanungan sa isipan ko ang hindi pa rin nabibigyang sagot.

Habang naglalakad, nakasalubong ako ng couples. Not just a pair, but three. I stared at each of them. Naalala ko tuloy yung mga oras na magkaakbayan kami, sweet, pero sobrang magbatukan. Oo, lagi kaming nagbabatukan at matapos ay magtatawanan. Ang weird namin no? Pero alam mo kung ano ang di ko makalimutan ng sobra? Yung first and last kiss namin. It was not like any other kiss na parang ordinaryo lang. That kiss is very special. May spark kumbaga. Spark na kahit kailan ay hindi mapapantayan ng iba. It felt so good.

Even though your friends tell me

You're doing fine

And you're somewhere feeling lonely

Even though he's right beside you

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa isa sa best place na alam kong napaka kalmado, the hill near the tree house we built. Humiga ako at kaagad kong naramdaman ang hinahanging mga damo sa paligid ko. Nakatingala lang ako at iniisip pa rin siya. Binabalitaan man ako ng mga kaibigan niya tungkol sa kalagayan niya, di ko pa rin maiwasang malungkot at mag alala para sa kanya. Alam kong nalulungkot siya ngayon, ramdam ko kahit magkalayo kami. Malungkot siya kahit na kasama niya ang taong nagmamahal ng sobra sa kanya. At ako? Eto, hinihiling na sana ako na lang yung taong kasama niya para hindi na siya malungkot pero kailangan ko siyang ipagparaya.

When he says those words that hurt you

Do you read the ones I wrote you

Kung ako lang siyang nagmamahal sa kanya, hindi na sana siya nasasaktan sa thought na halos bugbugin na siya dahil lang sa akin. Nang dahil iniisip pa niya ko at ngayon ay nakakarinig siya ng mga masasakit na salitang nanggaling sa kanya. Pero sana gumaan loob niya kahit papano. Sana binabasa niya mga sulat kong nagpapangiti, at nagpapasaya sa kanya. Sana kahit papano mawala yung sakit na nararamdaman niya sa kada salita ng panlalait, galit, at pagkamuhi ng taong nagmamahal sa kanya. Mawala sana ang sakit na buhat ng bawat katagang aking isinulat. Ang mga salitang nagpaparamdam sa kanya ng pagmamahal ko.

Sometimes I start to wonder

Was it just a lie?

Minsan naiisip ko, kasinungalingan nga ba ang lahat ng ito? Na dapat talaga akin siya. Na dapat kami talaga ang magkasama. Na kami ay para sa isa't isa. Hindi ko maabsorb talaga kung bakit niya ako iniwan. Masaya naman kami before yung araw na bigla na lang siyang nang iwan eh. Hindi ko rin alam ang mga nangyari. Even a single explanation was not around when I need it the most to understand what had happen. Pero alam niyo..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Unheard MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon