One-Shot here! Hope you like it. Enjoooy~~! ♥
If there are any stories related to this one. That is purely coincedential. Thank you.
This is a work of fiction. PLAGIARISM is a CRIME.
©EllaSicat. All rights reserved.
-----------
Ikaw Lamang (One-Shot)
-----------
(You can play the video on the right side. Thanks!)
♪ ♫ ♪
Di ko maintindihan
Ang nilalaman ng puso
Tuwing magkahawak ang ating kamay
Pinapanalangin lagi tayong magkasama
Hinihiling bawat oras kapiling ka
♪ ♫ ♪
Sa tuwing naririnig ko yang kantang yan, naalala ko sya. Naaalala ko ang lahat sa kanya. Syempre sya yung mahal ko eh. Lahat ng araw na kasama ko sya't masaya kami. Yung maiiyak na sya sa kakatawa pero di ko pa rin sya tinitigilan. Yung kapag nagagalit na sya, yayakapin ko lang sya at di ko sya bibitawan hangga't galit sya sa'kin. Naaalala ko sya. SYA LANG.
♪ ♫ ♪
Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta
Sanay di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man
♪ ♫ ♪
Natatawa ako kapag naaalala ko yung mga araw na tinatawag ko syang "Taba," at "Nerd," sa totoo lang, hindi sya mataba. Di rin sya ganun kapayat, pero kahit hindi 36-24-36 ang vital stats nya, maganda sya. Sakto lang ang katawan nya. At hindi din sya nerd. Oo, nagsasalamin sya pero bagay na bagay sa kanya yung ginagamit nya, mas lalo syang gumaganda. Mas lalo ko syang minamahal.
"Taba, Nerd," bulong ko sa sarili ko habang pinapakinggan yung kantang 'to sa radyo ng kotse ko. May pupuntahan kasi ako eh. Kung saan? Malalaman nyo rin.
♪ ♫ ♪
Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang buhay
Ikaw lamang sinta
Wala na kong hihingin pa
Wala na
♪ ♫ ♪
"Ikaw lamang..." sinabayan ko yung kanta. At ngumiti ako nang pumasok sa isipan ko yung larawan nya. Yung napakaganda nyang ngiti na nagbigay liwanag sa'kin. Liwanag na itinawid ako sa kadiliman.
Bago ko sya makilala, isa akong rebeldeng unico hijo. Nasa akin na daw ang lahat. Pero maliban sa isa.
Magulang ko..
♪ ♫ ♪
Ayoko ng maulit pa
Ang nakaraang ayokong maalala
Bawat oras na wala ka
Parang mabigat na parusa
♪ ♫ ♪
Noong una ko syang makilala, nag-aalangan ako kasi masyado syang mabait para maging kaibigan ko. Pero she insisted, patuloy nya pa akong kinakausap at ayun, kinaibigan nya ang tulad ko. Ang isang Luke Torres na nawawalan ng direksyon sa buhay.
BINABASA MO ANG
Ikaw Lamang.. (One-Shot)
Teen FictionIkaw Lamang ang aking minamahal.. Ikaw lamang at wala nang iba, kahit sobrang malayo ka, mamahalin pa rin kita. ©APurpleMist