Chapter 21

5K 194 5
                                    

TPP 2 : Powerful Elements
Chapter 21 : New School
______________________________

Seanica POV

Ngayon ay narito ako sa aking kwarto. Kagigising ko lang kanina at nandito ako para magmuni-muni.

Hindi ko maiwasan isipin ang kanilang sinabi.

Ano kaya ang ibig sabihin nila dun?

______________
Flashbacks...

"About that, nandito ka para balaan ka namin" sabi nya dahilan magtaka ako.

"Saan po?" takang tanong ko.

"Sa mahika mo"

"Po? Ano pong meron sa mahika ko, para po balaan nyo ako?" takang tanong ko.

"Dahil isa itong malakas na mahika, Seanica. Binabalaan ka namin para maging maingat ka sa mga kilos mo. May pagkakataon na mailalabas mo ito ng hindi sinasadya. Kaya mag-ingat sa mga ikinikilos mo. Huwag na huwag kang magpapalamon sa galit mo, Seanica"

End...
__________

Iyan ang huling sinabi sa akin ni goddess Tallia bago ako makabalik at magising.

*tok*tok*tok*

Napatingin ako sa pintuan.

"Seanica?"

Agad akong tumayo ng marinig ko ang boses ni tita Cass at lumapit sa pinto para siya'y aking pagbuksan.

"Bakit po?" tanong ko ng buksan ko na ang pintuan.

Ngunit, natigilan ako. Mabilis na nagsilabasan ang aking mga luha at agad siyang niyakap.

"Mom!" umiiyak na sabi ko ng makita ko si mom na nakangiti saakin.

"Anak!" masayang sabi ni mom at niyakap din ako pabalik.

Hindi ito panaginip. Yakap na yakap ko si mom!

Hindi ko ine-expect na makikita ko si mom sa harapan ko. Hindi ko kasi alam kung kelan siya magigising.

Humihikbi akong humiwalay kay mom at tiningnan sya.

"Namiss po kita mom! Bakit po kasi ngayon ka lang nagising?" tanong ko habang sumisinghap

"Pasensya ka na anak. Nagpapahinga lang si mom. Hindi na mahalaga kung bakit, basta gising na ako ngayon at nakatayo sa harapan mo" nakangiting sabi ni mom sa akin.

"Halina na kayo ate, Seanica. Kakain na tayo" biglang singit ni tita Cass dahil mapatingin kami sa kanya.

"Tara na anak" sabi ni Mom at sabay kaming tatlo bumaba.

Naabutan naming kumakain sina Stacy, Jack, tito Stein at tito Jack. Umupo naman kami ni Mom sa upuan namin, ganun din si tita Cass na katabi si tito Jack.

Habang kumakain kami ay bigla namang nagsalita si Tito Stein.

"Anica" sambit ni Tito Stein dahilan mapatingin sa kanya si mom, ganun din kami pero pinagpapatuloy pa rin namin kumain.

"Mamaya" biglang sambit ni mom na naintindihan naman ni tito Stein.

Mukhang may pag-uusapan sila ni mom. Siguro tungkol ito sa pagpunta nila tito Stein dito.

Mabilis kaming natapos sa pagkain at pinapunta kami ni mom sa meeting room. Wala namang umangal o nagtanong pa at agad kaming pumunta dun. Nagsikanyahan naman kami ng upo.

TPP 2 : POWERFUL ELEMENTS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon