Simula

5 1 0
                                    

Simula


1997's


"Iha mia anong trip mo?" Nakapamewang na bungad ni Auntie Lea sa'kin pagkalabas na pagkalabas ng kwarto ko.


"Lalasapin ko lang ang Freedom ko Auntie." Nakangiting sabi ko habang kinukuha ang pabango ko at nag ispray.


"Pinagkatiwala ka ng papa mo sa'kin, wag mong isiping hindi ako magiging strikto sa'yo"


"Opo, jan lang naman ako eh."


"Imbis na manood ka lang ng TGIS jan sa TV, lalayas ka nanaman! "


Hindi ko na siya pinansin at lumabas ng bahay, Tumawid ako sa kalsada dahil dun ang abangan ng jeep dito sa laguna.


Papatawid na ako ng biglang may nakabangga akong babae, napaupo kami pareho hanggang sa napansin naming binubusinahan na kami ng isang tricycle kaya tumayo ako agad at hinila siya papunta sa gilid ng kalsada.


"Nasaktan ka ba? Sorry di kita napansin" Nakatitig lang siya sakin na parang kinikilala ako. 


Pero seryoso, hindi ko siya nakitang tumawid, bigla na lang siyang sumulpot sa harap ko kaya nabangga ko siya.

"Uhm Miss? May problem ba?" Bigla siyang ngumiti ng malaki sa'kin.

"Ma!" niyakap niya ako.

Ma?

Tinanggal ko ang pagkakayakap niya at tinignan ko siya.

"Ma? Malay ko?" Natatawang tanong ko pero tumawa lang siya.

"Biro lang, Ako si Ali Romero" Inilahad niya ang kamay niya sa'kin. Na-weweirdohan man, tinanggap ko pa rin yung kamay niya.

" Anna Isidro" ngumiti ako sa kaniya. " Sorry pero kailangan ko nang mauna, hinihintay na ako nung bestfriend ko eh.

"Sandra ba pangalan ng bestfriend mo?" nakangiting tanong niya.

Naweirdohan nanaman ako.

"Bea pangalan ng bestfriend ko. Sinong Sandra?" napatigil siya at napatitig sa'kin na parang may nalaman.

"Sandra Aguilar, hindi mo kilala?" nagtataka niyang tanong.

Kilala niya yung mala- Cory Aquino yung Itsura?

"Schoolmate ba kita?" Ngumiti lang siya ng pilit.

"Hindi eh" malungkot niyang sinabi, nalungkot naman ako bigla.

"Bakit? Saan ka ba nag aaral?"

"Di ako enrolled dito, hinahanap ko mama ko eh" Nakatitig lang siya sakin habang sinasabi yun na nakangiti.

"Asan ba mama mo? Saan ka nakatira?"

"Nandito siya sa Laguna pero di niya pa ko kilala, Pwede bang makituloy sa inyo?" Napanganga naman ako sa sinabi niya.

"Ha? Kakakilala palang natin ah?"

"Wala kase akong kakilala dito eh. Please?" pagpapaawa niya.

"Oh sige, kakausapin ko si tita, may mga gamit ka ba?" Nalungkot nanaman ulit siya.

"Wala eh."

"Saan ka ba talaga nanggaling ha?" Napapataas ang boses ko dito sa babaeng to. Ang ganda ganda pa naman.

Nagpaawa pa siya kaya naman Pumayag na din ako. Jusmiyo.

"Sumama ka nga muna sa'kin, sabay na tayo pag uuwi, mabilis lang tayo dun sa pupuntahan ko"

Ngumiti siya.

"Anong buong pangalan ng bestfriend mo?"

"Bianca Lorenzo."

Bigla siyang sumimangot at hinila ako.

"Wag na tayong tumuloy please"

"Ha? Pero hinihintay niya na ko eh"

"Hindi mo kase Alam eh" Napahawak siya sa ulo niya.

"Ha? Alam mo Ang gulo mong kausap" Napabuntong hininga naman siya.

"Oh sige sasama ako."

Kumunot ang noo ko pero hinila ko na din siya pagkapara ko dun sa isang jeep. Late nanaman ako, magtatampo nanaman yun sa'kin si Bea panigurado.

Pagkasakay naming sa Jeep, para siyang baliw na tingin ng tingin sa bintana at kung ano ano ang pinagsasasabi.

"Tignan mo yun ma—Anna! 97 yung nakalagay sa poster, oh my ghad, Ipopost ko to sa Instagram.. kaso wala akong phone huhu" Pagdadaldal niya.

Instagram? Phone? Olats na to, mukhang nag aadik si Ate.

"Uhm—Ali, bakit parang tuwang tuwa ka sa lugar naming? Tiga Maynila ka ba?" Ngumiti lang siya at dumaldal nanaman.

"Ang ganda ng jeep grabe colorful, di pa siya mukhang transformers!"

"Ali, sigurado kang hindi ka takas sa mental?" natawa nanaman siya.

"Nope, takas sa bahay lang." natatawa niyang sabi.

"Eh akala ko ba hinahanap mo nanay mo?" magulo talaga tong babaeng to.

"Oo nga, ayoko kase sa step mom ko eh" Nalungkot naman ako pagkarinig nun.

"Teka anong date na ngayon?" takang tanong niya.

"July 19, 1997" nagtataka din na sagot ko.

Nanlaki ang mga mata niya at inis na tumingin sa labas.

"Pakshit, malapit niya nang makilala ang pakboy!" malakas na bulong niya.

"Pa-Pakboy? Ano yun?" natigilan naman siya at tumawa.

Maya maya ay bigla siyang pumara at hinatak ako pababa habang hawak ang tiyan niya.

"Huy ano ba? Naghihintay bestfriend ko sa'kin!" pagmamaktol ko, pero napatigil din ako nang Makita kong para siyang namimilipit sa sakit, kaya naman inakay ko siya papunta sa kabilang kalsada at nag abang ulit ng jeep.

Pag uwi ko nang bahay, dumiretso kami sa kwarto ko, buti wala pa si Auntie. Iniisip ko na kung anong excuse ang sasabihin ko ngayon palang.

Pinahiga ko siya sa kama at kumuha ako ng ointment sa ibabaw ng ref. Pagbalik ko natutulog na siya kaya naman tinaas ko ang shirt niya at nilagyan ko yung tiyan niya.

'Mukhang pagod na pagod siya ah'.

Tinitigan ko siyang Mabuti, maganda siya, pero kakaiba yung suot niya, mukha siyang hindi taga ditto, hindi ganyan ang porma ng mga kabataan na katulad naming ditto, pero maganda ang porma niya ah.

Weirdo pero.. magaan ang loob ko sa kaniya.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 10, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Other PlatformWhere stories live. Discover now