Psykie's P.O.V.
Halos isang oras na akong nasabyahe ewan ko kung umaandar pa ba yung mga sasakyan sa sobrang tagal!"Manong malapit na ba tayo??"
"Excuse me po Ma'am wala pong tayo may pamilya na po ako" pabirong sabi ng driver
Sobra nang init ng ulo ko dahil sobrang traffic tapos dadagdagan pa nya?! "Hoy Kuya! Wala akong oras makipagbiruan sayo!" Pagalit na sabi ko
Wait let me introduce my self first Im Psykie Garcia 16 years old coming 4th year highschool ngayong pasukan papunta ako ngayon sa lola sa st. Luke's medical center upang dalawin sya
"Miss andito na po tayo"
"Kuya WALANG TAYO!" Pambabara ko sakanya Sabay sara ng padabog yung pinto ng kotse
Nasa hallway na ko papunta ng room ng lola ko may sakit kasi sya sa kidney at kailangan na syang maoperahan kung kaya't nakikipagsapalaran ang aking ina sa ibang bansa upang matustusan ang aming pangangailangan sa araw araw sa totoo lang ayaw talaga ni lola dito sa hospital na to dahil mahal ang hospital fee pinilit lang namin sya upang matutukan ng mga doktor
"Goodmorning lola"bati ko kay lola
"Goodmorning din sayo apo"
"Kamusta na po kayo?"
"Eto humihinga parin ako apo" sabay tawa
Tumawa nalang din ako sabay lagay nung prutas sa lamesa at umupo sa gilid ni lola
Magsasalita na sana ako ng biglang maynarinig akong isang tinig ng babae na nangangailangan ng tulong
"Tulungan ninyo ako pakiusap"
Inikot ko ang mata ko sa buong kwarto ng may nakita akong isang babae sa gilid ng kisame mahaba ang kanyang buhok at may dugo sya sa katawan habang nakatingin saakin
"Apo maynakikita ka nanaman ba?"
"A-ah w-wala p-po la"nauutal kong sagot
"Oh anong nangyayari sayo bakit ka nauutal?"
"Wala toh la nilalamig lang ho ako"
"Lola magpahinga ka po muna lalabas lang po ako sandali "
"Sige apo"
Habang naglalakad ako sa hallway as always marami akong nakikitang mga pagalagalang espirito na may iba't ibang emosyon isang lalaking espirito naman ang nagpukaw sa aking atensyon ibang iba sya sa mga espiritung nakita ko ang kanyang malaangel na mukha hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya
"Nakikita mo ako???"
Bigla akong nahimasmasan sa katotohanan na ang lalaking nasa harapan ko ay isang kaluluwa
"Tulungan mo ako"
"Hindi ko siya pinansin at kumanta nakang at nilag pasan ko siya"
And i want you to know baby
I, I love you like a love song, baby
I, I love you like a love song, baby
I, I love you like a love song, babyKumanta nalang ako upang hindi nya mahalata na nakikita ko sya sobrang dami ko lang talagang problema at ayaw ko nang madagdagan pa ito .....
habang naglalakad ako pansin ko parin na katingin yung lalaki saakin kaya dalidali akong naglakad papunta sa labas
Pagkatapos kong magpahangin sa labas bumalik din ako agad sa loob ng hospital habang naglalakad ako sa hallway may nakita akong isang bata na nadapa at walang kasama kaya agad ko itong nilapitan at pinaupo sa upuan habang nauusap kami biglang may sumulpot na lalaki sa harap namin huwat?! Sya nanaman yung lalaking nanghihingi ng tulong pero pano nya ko nasundan?pagtingin ko sa batang kausap ko kanina nakita ko sa mata ang pagkabigla na para bang nakakakita rin binaling ko ulit ang atensyon ko sa multo na ngayon ay nakaupo na sa harap namin at kung ano anong pinag gagagawa kumakaway tapos biglang ngingiti ewan ko parang may sapi ata toh napukaw naman ng bata ang atensyon ko ng batang katabi ko ng bigla syang tumawa
BINABASA MO ANG
💕😘😍 My Ghost Stalker 💕😘😍
Teen FictionSi Psykie isang babaeng nakakakita ng mga pagala-galang espirito. Ngunit itinatago nya ang taglay nyang kakayahan upang hindi na sya guluhin ng mga ito.Sa hindi inaasahang pagkakataon may makikilala syang isang makulit na espirito na palaging nakasu...