Summer Tradition

106K 1.7K 287
  • Dedicated kay Nenen Estiva
                                    

Summer Tradition

"Just maybe...something unexpected may happen."

"All packed up?" pailang sigaw ni Papa ngayong madaling araw. Hay! Inaantok pa ako. Pero kahit ganun, ewan ko ba kung anong sumanib sa dugo ko at parang nakakain ako ng maraming carbohydrates at ang hyper ko.

Magfo-four A.M palang. Ibang klase....Ibang klase talaga pag malande. HAHA! Ngayon na kasi yun. Ngayon gaganapin ang Summer Tradition  at yun ay magkaroon ng beach outing kasama ang friends nina Papa. 

"Krystal!" Patay tawag na ako. Ito na naman ang day dreaming ko.

"Opo! Bababa na!"

"Kahit kelan talaga ang kupad." nakita ko si Ranz na dumaan sa kwarto ko. Sus! Mukha niya. Ako pa ang makupad kung kelan excited pa ako? Never akong magiging makupad sa ganitong bagay! *blush*

Napatigil ako sa paglalakad. Teka, si Ranz 'yun ah? Kelan pa siya dumating? Di ba may shooting daw siya kahapon? Samin pala talaga siya sasabay? Try niya kayang umuwi sa Manila? So wala siya ngayong trabaho? Super rest day siya? Bakit ngayon pa? Bakit makakasama namin ang kulugung na 'yun? 

"Argh! Bakit kasama siya!" padabog akong bumaba. Mas lalo akong nainis nung narinig ko siyang tumawa. Alam niya kasing ayoko siyang makasama!

*

Papunta kami sa San Juan, Batangas. Dun sa isang beach resort ng mayamang best friend ni Papa. Lahat, maliban samin ni Manong Driver, ay tulog. Subukan kaya matulog ni Manong Driver matulog para makita nila na super excited ako?

Tinatamaan na naman ako ng kabaliwan. Ka-aga aga.

"Andito na kami." bulong ko sa sarili ko. Ayokong sumigaw. Mamaya kasi mahalata pa nilang may lihim ako at mabuko pa nila. May hiya pa naman ako. Lalo na sa kasama kong artista na si Ranz, malakas mang-asar yan e. Kaya alam na.

Mahirap na talaga! Ako pa naman ang madalas niyang ibully!

"Pare!!" Tinamaan na rin ng kabaliwan si Papa. Alam ko na talaga kung saan ako nag-mana. Nagiging hyper yan pag nakikita ang best friend niya. Nagtatalon talon pa 'yung dalawa oh. Wow (ps. sarcastic)

"Dalawang bata, magbaba muna kaya ng gamit?" sigang tono ni Ranz. Walang sinasanto yan. Ilabas ko kaya sa Media na ganyan ugali niya?

Summer TraditionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon