CHAPTER 3 - Transferee

341 20 4
                                    

Keira POV

Dalawang linggo na rin ang nakakalipas ng manatali ako dito sa Pilipinas para makapagtago kay Dad at para na rin hindi matuloy ang pinaplano nyang kasal samin ni David.


While I'm still thinking a solution kung pano ko maiiwasan ang nalalapit kong kasal. Hinikayat ako ng mga magulang ni Nathalie na magtransfer sa pinapasukang University ng anak nila. Para naman daw maexperience kong makahalubilo sa mga kaedaran ko. Just like my mom said to me.


Pumayag na rin ako at sila na ang nag-ayos ng mga documents na kakailanganin ko. Iniba rin nila yung nakalagay sa pangalan ko para walang makadiskubre ng tunay kong identity.


Simpleng Keira de Guzman not Keira Zeirah R. Walton na isa sa mga anak ng mayayamang business tycoon sa buong mundo.


"Mag-iingat kayo mga iha sa pagpasok nyo at Nathalie ikaw na bahala sa pinsan mo first time nya ngayon sa school mo kaya iguide mo sya don ah." Tita told to her daughter.


"Yes Mom ako na po bahala kay Kei-Kei." Nagbuntong hininga na lang ako sa tinawag nya sakin.


Wala naman siguro syang balak na palagi nya kong tawagin ng ganyan sa ibang tao. Nakakahiya kaya.


Magkasunod kaming humalik kay tita at sumakay na sa kotse ni tito. Si tito na ang nagprisintang maghatid saming dalawa sa school. Ang gusto pa nga ni Nathalie gamitin namin yung niregalong kotse sa kanya nung last birthday nya at sya ang magdridrive papunta don. Kaso hindi pumayag parents nya baka daw madisgrasya kami dahil hindi pa naman daw bihasa tong pinsan kong magdrive. Beginner ba.

------

"Nandito na tayo." sabay stop ni tito sa harapan ng gate ng school. "Sige maiwan ko na kayo Nathalie, Keira susunduin ko na lang kayo pagtapos ng klase nyo." paalam nya samin.


Nagbyebye na kami then dumiretso na kami sa entrance ng gate.


De La Salle University basa ko sa malaking building na papasukan namin.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Marami ng estudyanteng nagkalat sa paligid at masasabi ko lang na mukang mga may kaya karamihan sa kanila. Well hindi na nakakapagtaka isa lang naman toh sa pinakasikat na private school sa bansa na para lang sa mga rich kid.


"Kei-Kei patingin nga ng schedule mo kung pareho tayo sa lahat ng subject." tawag pansin ni Nathalie sakin. Nilabas ko na lang yung hinihingi nya saka binigay sa kanya.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 10, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Until I Met You (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon