Dwayne's POV
"What's happening?"Tanong niya.
"What's happening, pwet mong may taning." -Arkin -____-
"Pwet ka ng pwet. Mukha ka kasing pwet." Hahaha. Itong babaeng to talaga -_-
"HAHAHAHAHAHAHA SAPUL KA ARKIN!!" Sabay sabi namin ni Kyle.
"Excuse me? Pwede na ho ba kami umalis? Thank you po sa pagtanggol sakin ^_^" Oo nga pala andito pa to :3
"Osge. You're wel--"
"Ts, pa-cute. Di naman bagay." Hay naku. Tong babae talaga na to -_-
˝Shut up. Sige makakaalis ka na. :)" Sabi ko sa babae.
"Sige, thank you. Bye ^^" Pag-paalam niya. Nginitian ko na lang para matapos na. Gusto ko pang pagtripan tong maarteng babae na to e. Hehe.
"Oh ikaw baba--" Wala na siya -___-
"Umalis na." -Kyle
"Hay nako. Tara na nga kumain na tayo. Baka ma-late pa ko kay Tr. Shin." Aya ko sa kanila. Di ko kasi sila classmate e. Tsaka mahigpit kasi yung teacher na yun.
----
Kakalabas lang namin ng school. Wala naman. masyadong nangyari kanina. Puro lesson lang.
"Ah, mga tol nga pala dito na mag-aaral pinsan ko. Bukas na siya papasok kaya please be good to her. Isasama natin siya sa barkada natin."
"Her?!" Sabay sigaw namin ni Arkin.
"Yes."
"Oh, yes! Maganda ba? Ha? Ha? Ayos to! Didiskartehan ko na!" Hyper nanaman tong Arkin na to -_- Haay
"Uhuh. Pero bawal mo diskartehan."
"Tol nam--"
"Pag sinabi ko, sinabi ko. Okay?"
"Okay." Haha. Madali naman kausap si Arkin kapag kay Kyle na e. Si Kyle kasi yung tipo na over-protective pag dating sa family niya.
"Good dog, Arkin. Hahahaha" Pang-aasar ko.
"K" Hahahahaha Arkin talaga xD
"K as in Potassium?" Pang-aasar ko pa. Hahaha.
"Nuh. K it means kukuyugin na kita!!!!" Pikon hahahahaha
"Chill guys. Hahaahaha. Tara na sa isawan." Pangiiba ni Kyle ng topic. Hahaha. And yes. Favorite naming tatlo ang street foods :)))
----
Kinabukasan.....
At Cafeteria
"Bakit kaya tinatawag ng iba yung egg yolk na pula yun e yellow naman siya?" Seryosong tanong ni Arkin samin habang seryosong nakatingin sa fried egg niya -_-
"Sa kanila mo itanong wag sa--" Pamimilosopo sana ni Kyle kaso biglang nag ring phone nya -_-"Oh hello? Andito na kami sa caf. Yea. See you." Pinsan sgro nya yun :3
"Yun pinsan mo ba yon pre?" Tanong ko
"Yea. Papunta na sila dito."
"Sila? Sobrang mataba ba yun kaya sabi mo sila?" Arkin -_-
"Sapak gusto mo? Sexy kaya siya no."
"E bakit sabi mo sila?" Ay tanga -_-
"Malamang may kasama niyan yun!" Singit ko sa kanila
"Kasama niya best friend niya na nagaaral daw dito dati pa at isasali na natin sila sa barkada natin. Ayoko naman na sa iba sumama yung pinsan ko na yun. Kaya isama na natin sila sa barkada natin. Okay lang ba sainyo?" Paliwanag ni Kyle samin.
"Ayos lang sakin. Para naman magkaroon ng girl sa barkada" sabi ko naman
"Basta maganda pwede na." Arkin
"E ano naman kung maganda? Manahimik ka dyan Arkin." Ako
"Oh, ayan na pala. Malapit na dito" Pagkasabi naman ni Kyle nun agad kami tumingin ni Arkin kung san siya tumingin.
Pagkatingin namin, dalawang mataba nakita namin. Mukhang nerd. At hindi namin ka year level. Tapos yung isa maganda, bago lang sa paningin ko. Transferee siguro.
"Ang taba pre!" Bulong na pagkasabi ni Arkin.
"Hindi yan pre! Yung sa likod nila!"
"E wala namang kasama yun e. Kaya sigura--arayy!! Kailangan mambatok?!!" Binatukan siya ni Kyle hahahahhaha buti nga
"Alam mo pa sakin!! Ako yung pinsan di ba? Ako yung may kilala di ba?!"
"Sabi ko nga -_-" HAHAHA
"Kyle!!!" Sigaw nung nasa likod ng dalawang mataba
"Oh ayan na. Be nice to her ah." Paalala ni Kyle. Tumango naman si Arkin. Di na dapat ako pinapaalala ng ganyan e. Good boy kaya ako -_-
-----
"Oh asan na yung sinasabi mong bestfriend mo?" Tanong ni Kyle kay Fiona. Nagkapakilala na kami sa isa't isa. Si Arkin tumahimik. Hahaha. Type niya ata e.
"Padating na. May tumawag kasi sa kanya nung papunta na kami dito kaya pinauna na ko. Hihi." Ganito ba talaga to? Ang girly masyado -_-
Susubo na sana ako ng burger nang biglang... "Oh ayan na!! Bestie we're here!!!" Sigaw ni Fiona -_-
YOU ARE READING
THE GOOD BOY AND THE BITCH PRINCESS
Teen FictionPossible kayang ma-inlove ang GOOD BOY na puro aral lang ang alam at walang pakielam sa lovelife? Paano kapag na-inlove siya sa BITCH PRINCESS na wala namang pakielam sa kanya?