Best Friend...(Short story)

1.3K 9 3
                                    

Bata pa tayo nung una kitang nakilala. Bago ka lang sa subdivision, matahimik ka lang habang hawak mo ang manika mo. Nilapitan kita’t kinausap. Nagpakilala ako saiyo, pero nahihiya ka parin. Mukhang nahihirapan ka lang sa dahil bagong lipat kayo dito. Kaya iniwanan nalang muna kita non at naglaro ako. Sunod na araw naglalaro kami ng patintero, nakita kita nakaupo lang ulit sa may pintuan ninyo, napagisip ko baka gusto mo sumali. Kaya nilapitankita ulit at inalok maglaro, tinignan mo lang ako at ngumiti, inalok ko kamay mo saiyo at sumali ka na saamin. Napaka cute mong tumawa, at napaka cute ng ngiti mo. Araw araw aalukin na kitang maglaro, o maglibot lang man sa subdivision natin. Madalas pa nga nililibre kita eh, kahit madalas kinakapos sap pera bibilin ko parin para sayo. Cute daw tayo na couple sabi ng mga matatanda. Pero wala lang yun saatin, basta’t alam ko, masaya akong kasama ka.

Highschool na tayo, haha, ang bilis nga naman ng panahon. Isip bata parin tayo nun, talagang nahirapan mag mature eh… araw araw sinusundo kita sa bahay nyo, madalas pa nga ang tagal mong mag bihis eh. Tsk, ayus lang yun sanay na rin naman ako eh. Nilalakad lang natin ang papuntang school habang naguusap. Tawanan lang tayo, kwento kwento, yung normal lang. Sa klase ikaw ang pinaka maganda sa lahat, napaka daming lalaking nagkakanda darapa saiyo. Pero lahat sila hindi mo nalang pinapansin. Napaka talino mo rin, nag totop notcher ka pa nga sa klase eh. Haha, nakakahiya na nga minsan na sinasamahan pa kita eh >.<, I mean, ano ba ako para samahan ang perpectong babaeng katulad mo? Heh, pero sa isip ko lang yun, best friend kita eh, lagi akong nandito para saiyo.

Palagi na akong inaasar ng mga kabarkada ko na bakit kasi hindi pa kita ligawan… eh ano bang iisipin ko eh mag best friends lang tayo, alam ko naman nay un din ang iniisip mo saakin eh. Basta ako hindi kita pababayaan na malunkot, alam ko naman na fragile kang tao para saakin… napakaimportante mo para saakin. Kapag na lulungkot ka palagi mo akong tatawagan at sasabihin ang problema mo… at sa tuwing nalulungkot ka palagi kong sasabihin saiyo na nandito lang ako para sayo. Ngingiti ka nalang habang umiiyak at yayakapin kita hanggang mawala ang sakit..

Nung matatapos na highschool, mag proprom na tayo, grabe wala akong ibang maisip na kapartner. Ikaw kaya? Kaso nakakhiyang tanungin best friend mo eh :/ wag nalang siguro naman kasi sa kadami dami ng lalaking naghahabol saiyo baka may nagyaya na kasi sayo eh… Sige, hindi nalang siguro.

Nung gabi ng prom dumating nalang ako ng walang partner, grabe! Ang daming tao! Hindi ko inakala na ganito ang graduating students dito. Naghanap nalang ako ng pagkain at maiinom… tapos napansin kita sa isang upuan medyo malungkot pa itsura mo, walang kapartner o kasayaw. Nakakagulat yun ah! Alam ko madaming nagyayaya sakanya sa prom eh, e bakit kaya... Nilapitan kita non a kinausap. Nang Makita mo ako bigla ka nang ngumiti, tinanong kita kung may kapartner ka, sabi mo wala. Well, siguro naman hindi pa huli para ako ang magalok saiyo na maging kapartner sa prom? Mahina kang natawa at pumayag. Napaka ganda mo nung gabing yun, habang sumasayaw tayo hindi ko pansin ang mga tao sa paligid natin, napaka ganda ng mata mo, nakakatuwa ang tawa mo… iyon ang gabing hindi ko makakalimutan na nakasama kita… hindi ko manmasabi sa harapan mo, pero… sa totoo lang mahal na mahal kita, at kung sana lang talaga, ganun ka rin saakin…

College na tayo, natutuwa pa ako dahil nakapasa naman ako sa school na gusto ko… takbo takbo akong pumunta sa bahay ninyo para makabalita saiyo. Kaso… pagdating ko sa bahay nyo, maraming nakaimpake sa labas ng garahe nyo, mga gamit mo yun… nang lumabas ka sa pintuan nyo, nagkatinginan lang tayo… hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko rin malaman ang magiging reaction ko… ayoko kitang umalis… nasasaktan puso ko sa loob… umiyak ka’t tumakbo papunta saakin. Niyakap kita ng mahigpit, dahil alam kong iyon na siguro ang huling yakap na matatanggap ko mula saiyo… gusto kong sabihin sayo na hindi lang kita naging best friend, gusto kong malaman mo ang totoo non, gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita noon pa man… pero huli na, wala na, kahit sabihin ko man saiyo yun hindi na rin kita makakasama… Ang hina ko talaga.

Buong College ko nagsisipag ako. Nagsisipag akong maging top sa klase ko para sayo. Dinadaanan ko parin ang bahay nyo, naaalala ang unang araw na nakilala kita, namimiss ko ang maganda mong ngiti, namimiss kitang kasama… Pinapangako ko sayo, bibisitahin kita. At sasabihin ko sayo ng buong puso ko na mahal na mahal kita. Araw araw yan ang nasa isip ko. Hindi na ako nag adik sa DOTA, hindi na ako nakikipag inuman sa mga kabarkada ko. At nagaaral ako ng mabuti. Gabi gabi inaabangan kita sa facebook para lang makachat ka. Pero hindi ka naman nagbubukas. Tinetextan kita kahit mahal ang bayad sa ibang bansa, pero hindi ka rin nagrereply… umaasa ako saiyo, araw araw nagdarasal na sana mayakap kitang muli. Subalit, araw araw din akong nawawalan ng pagasa sayo…

.

.

.

.

.

.

.

9 taon na ang lumipas. Nagbagong buhay na ako, naka graduate nang master’s degree at may sarili nang companya. 25 taong gulang na ako. Matanda na ang mga magulang ko’t ako na ang nagaalaga sakanila. Isang araw lumabas nalang muna ako sa bahay at naglakad lakad sa subdivision. Napadaan ako sa bahay nyo, iba na ang naninirahan doon. Tapos nakita ko nalang isang batang babae sa may pintuan nakaupo habang pinapanood yung mga ibang bata sa labas. Naalala kita non, ngunit sa puso’t isip ko’y isa ka nalang memorya… wala nang iba…

Isang sulat ang ang dumating sa bahay naming isang araw, galing saiyo at sinasabing ikakasal ka na… laking gulat ko nalang nung oras na yun… pero syempre kailangan kong pumunta para sa… best friend ko… ikakasal sila sa Palawan, masakit din na hanggang dun lang pala ang relasyon natin. Pero sige… pupunta ako para saiyo

Nang nakarating ako sa kasal ninyo, hinanap kita sa dressing room at nakitang nakasuot na ng gown mo, napaka ganda mo talaga. Lumingon ka saakin at sabay niyakap mo ako. Masayang masaya kang makita ako, ako rin masayang masaya para saiyo, ayoko kitang pakawalan sa pagkakayakap ko… pero wala rin, alam ko na mawawala na ang pagasa ko saiyo… pero, kahit papaano naman nalaman ko na masaya ka, masayang masaya na rin ako saiyo. At habang nakaupo ako at sinabi mo na ang “I Do”…. Hindi ko na kinayang tumingin pa. Nakakainis. Kasalanan ko rin eh. Kung nasabi ko lang sana iyon sayo noon pa, kung nalaman mo lang sana… lahat lahat ng memoryang napaka espesyal saating dalawa… wala na. pinanood nalang kitang umalis kasama ang bago mong asawa. At duon lumabas ang luha ko.

.

.

.

.

.

Sa huling pagkakataon binisita ko ang bahay nyo kung saan tayo unang nagkita… nakita kita doon, hindi mo kasama ang asawa mo, katabi mo yung batang babae sa may pintuan at nagtatawanan kayo. Lumapit ako saiyo at nakita mo ako. Agad kang tumayo at kinausap mo ako.

Alam mo simula nung nagkakilala tayo, mahiyain talaga ako nun. Palagi ko kayong nakikitang nagkakatuwaan diyan sa labas, kaso nahihiya kasi akong lumabas at magpakiklala. Haha, pero ikaw eh, ikaw yung lumapit saakin at tinuruan mo akong mawala ang pagkamahiyain ko. Ikaw yung palaging kasama ko sa lahat ng oras. Ikaw yung nagpapasaya saakin palagi. Ikaw yung palaging nandiyan kapag nalulungkot ako………… alam mo… yung prom napakaraming lalaking nagaayang maging partner ko sa gabing yun. Lahat sila tinangihan ko, kasi ikaw ang hinihintay ko nun. Kaso di kita maintindihan eh. Kasi di ka naman dumating. *sniff* alam mo mahal na mahal kita… pero inisip ko kasi nab aka best friend lang turing mo saakin kaya… nung araw na aalis ako papuntang America hindi ko alam ang gagawin ko. Ayokong mawala saiyo ayokong mawala sa yakap mo… kaso ganun talaga eh, kailangan sa America ako magaral e. Kaya sa isip ko, hanggang best friends nalang tayo… sa America ko nakilala si John, napaka bait niya. Sa totoo lang alalang alala ko siya saiyo. Kaya nainlove ako sakanya’t nag propose siya…

Dumating na yung asawa mo at sinusundo ka na pabalik ng America. Niyakap mo ako nun, ngumiti at umalis na….

.

.

.

.

.

At ngayong matanda na ako’t malapit nang mamatay. Ikaw parin ang nasa puso’t isip ko. Buong buhay kong pinagsisisihan ang bagay na hindi ko nasabi sayo. At sana malaman mo rin… Mahal na mahal kita Isabella…    

Best Friend...(Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon