Class A.

6 2 7
                                    

Miss Cruz.Rinig kong tawag sa akin ni Mr. Gomez sa hallway naming may mga nakahandusay na mga katawan at dugong nakakalat sa lockers at sahig. Naiyak ako at tinatakpan ko ang aking bunganga, para lamang hindi niya marinig ang aking mga hikbi.

Nakakatakot.

Nakakatakot ang nangyayari ngayon, hindi ko alam ang gagawin.

Hindi ko alam ang ikikilos, para lang mabuhay ako.

Miss Cruz, huwag ka ng magtago! Papasayahin nga natin ang iyong araw eh! Yun ang gusto mo diba, hm?Patanong niya pang sabi na may halong saya at biro ang tono ng kanyang boses.

Tingin niya ba, laro lang 'to?

Laro lang ang pagpatay niya sa mga estudyante?

Laro lang ang mga pinagagawa niya?

Napatigil ang aking hininga ng bumukas ang locker na aking pinagtataguan.

Nakakatakot.

Sabi ko sa iyo, huwag na huwag kang magtatago sa akin eh.Ang sabi niya at pinikit ko ang aking mga mata at tumango.

Papasayahin kita.Dagdag niya at napabukas ang aking mga mata at nagulat na lang ako nung naramdaman kong sumakit ang dibdib ko.

Tumingin ako sa dibdib ko at nakitang nakasaksak na ang kutsilyo doon. Nakita ko na ang pulang likido na lumalabas sa dibdib ko.

Dugo.

Tapos na ang aking trabaho, Miss Cruz. Magkita tayo muli sa susunod na taon.” Ang sabi niya, habang ningingitian ako at mas lalong binaon ang kutsilyo sa akin.

Pumikit na ang aking mga mata at hindi na narinig ang sigaw at iyak ng huling estudyanteng hindi pa nagiging laruan ng paalaran na ito.

--

CLASS A
ALL RIGHTS RESERVED 2018
CREDITS sichennle FOR THE COVER

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Class ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon