"Diba at sinabi ko naman sayo na hindi nga tayo pwedeng makisama sa mga tao!?" Sermon saakin ni Fransisco, ang pinuno ng grupo namin.
Pinapagalitan nya nanaman ako dahil pumunta ulit ako sa simbahan. Hayyy. Ang arte talaga netong bampira nato tss.
"Hindi naman ako dumidikit sa kanila e, tyaka d ko naman sila kinakaus--"
"Eh bawal nga! Alam mo namang maaari tayong mamatay pag nakisalamuha tayo sa kanila! At sa lahat ng lugar bakit naman sa simbahan pa!? E madaming bagay na gawa sa pilak dun! Maaari tayong mapatay nun!" Pag putol nya sa sakin, habang nagsasalita siya Ay naging pula ang kanyang mata dahil sa galit.
Oo, pilak lamang ang maaaring makapatay saamin, pag Ito ay isinaksak sa aming mga puso, tss Wala naman yatang maglalakas loob na saksakin ako, Takot lng nila na baka patayin sila ni ama, si ama kasi ang pinakamalakas sa lahat ng bampira, si ina naman ay yumao na.
"Huwag kana ulit pupunta doon!" Pasigaw na utos ni Fransisco, sabay lakad papasok sa Mansyon.
Mayamaya lamang ay nagdilim na, kaya naman naisipan kong lumabas at pumunta ulit sa simbahan, wala akong balak na sundin si Fransisco, bahala na siya.
Papalakad na sana ako upang makalabas ng gubat nang makasalubong ko si ama.
"O anak, saan ka pupunta?" Seryoso niyang tanong.
"Dyan lng po sa tabi tabi ama" pagsisinungaling ko.
"Sinasabi ko sayo ha! Pag nalaman ko lng talaga na pupunta ka nanaman sa mga tao ay malalagot ka sakin!" Banta Niya. Nang bigla kong naalala si ina.
"Bakit ba kasi ayaw na ayaw mo na makisalamuha ako sa mga tao!? At tyaka ano ba talaga ang nangyari Kay ina at galit na galit ka sa kanila!?" Nauubusan ng pasensiyang sabi ko.
"Dahil wala silang mabuting idudulot sa atin! At tyaka wag mo na ngang banggitin ang iyong ina!" Pasigaw na sabi nya.
Pagkatapos ng sagutan namin ay tumakbo na ako papuntang simbahan. At dahil bampira ako e mabilis lng akong nakarating dun, mabibilis kasing tumakbo ang mga bampira.
Isa sa mga lagi kong ginagawa ay ang pag masdan ang mga tao at ang mga ginagawa nila.
Nandito ako ngayon sa loob ng simbahan Nakaupo sa pinakadulong upuan, dito ako madalas pumwesto dahil dito kitang kita sila.
May ibang nag kwe kwentuhan lng, May ibang nakikinig at may iba ding
Wala lng pakielam.Alam kong hindi dapat makipag kaibigan sa mga tao dahil ang turo samin pagkain lng sila, mabababa, at mga inosente, kami ang mas nakakataas sa kanila kaya dapat kami ang sinusunod.
_________________________________________
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the authors imagination.
Running Away
By: Therisobeautiful
Copyright 2018 ©
YOU ARE READING
Heart Of A Vampire
Fantasypaano kung mahulog ang loob ng isang bampira sa isang tao? paano nila haharapin ang mga problemang naka abang sa kanila? saksihan ang pagmamahalan nila :))