Four

9 0 0
                                    

Ilang minuto pa ang nilakad namin ni Paolo bago makarating sa bahay nila.

Huminto kami sa tapat ng isang kulay puti at malaking bahay. Yumaman na rin naman siguro si Paolo dahil ilang taon na siyang nagtatrabaho bilang isang engineer. Kada 12 na taon ay nagpapalit siya ng pangalan upang hindi mahalata ng mga tao kung ilang taon na siyang nabubuhay.

"Tara pasok na tayo Marcus" pagyayaya niya sakin habang binubukasan ang pinto.

"Ang ganda naman nitong bahay mo Pao, ikaw ba ang nag disenyo nito?" mangha kong sabi sakanya.

"Ay oo ako nga." Sagot niya, mayamaya lang ay nabukasan na ang pintuan. Laking gulat ko ng may biglang lumabas na batang babae.

"Papaaaa! Namiss kitaaaa!" masiglang sigaw ng bata na sa tingin ko ay apat na taong gulang pa lamang.

Niyakap siya ni Marcus at hinalikan sa pisngi.

"Saglit lang naman nawala si papa e hahaha, Marcus si Pia nga pala anak ko" nakangiting pagpapakilala sa akin ni Marcus sa anak niya. Teka, MAY ANAK SIYA!?

"Ha pero pano" naguguluhan kong sabi.

"Hello poooo" mahabang sabi ng bata habang kumakaway.

"He-hello" naguguluhan ko paring sabi.

"Sa loob nlng tayo mag-usap" anyaya ni paolo at tyaka kami pumasok sa loob.

Maganda din dito sa loob, may kulay puti parin ngunit nahaluan na ito ng kulay abo. May malaking TV na naka-kabit sa dingding at mahabang sofa naman sa tapat nito. Ang kusina ay nasa bandang gilid, marami ditong naka display na mga wine glass at iba pang mga baso na may ibat ibang disenyo. Samantalang malaking hagdan naman na may magarbong disenyo ang nasa kabilang gilid.

"Marcus ma-upo ka" sabi ni Paolo habang karga-karga si Pia.

"Iaakyat ko lang tong si Pia, say babye to tito Marcus pia" utos nito sa anak.

"Bye tito Macusss" masiglang sabi nito, nabulol pa sa pangalan ko.

"Babyee" pagsagot ko sa tyaka siya kinawayan.

Ilang minuto lang ay bumaba na rin si Paolo at tyaka umupo sa tabi ko.

"Pasyensiya ka na Marcus at ngayon ko lang ito masasabi sayo ha, bilin kasi sakin ni papa na wag muna ipapa-alam kahit na kaninong kamag-anak na may anak ako e." puno ng sinseridad na sabi niya.

"Ano namang masama sa pagkakaroon ng anak pao?" taka kong tanong sakanya, nasa tamang edad naman na siya para magka anak ha?

"Kasi ano" parang nag dadalawang isip niya pang sabi, "Si Margareth, yung nanay ni pia. Tao kasi siya." Mahinang sabi niya na para bang may ibang makakarinig nito.

Ah tao pala siya... Teka ano!? Tao?

"Teka teka, tao yung nanay niya? posible ba yun para sa ating mga bampira? Ang magkaroon ng anak sa tao?" naguguluhan kong sabi. Pwede pala yun?

"Oo pwede, ang kaso namatay si marga nung ipinanganak niya si Pia, hindi kinaya" malungkot niyang sabi na para bang nagsibalikan nanaman ang malulungkot na pangyayari na iyon.

"Ah, sorry sa pag bubukas ulit ng masasakit na ala-ala pao ha. Pero hindi ba naging mahirap para sainyo noon nung mag nobyo at nobya pa lamang kayo?" curious kong tanong, naiisip ko palang nahihirapan na ko. Hindi lang dahil magkaiba kayo ng mundong ginagalawan kundi dahil marami ang hahadlang. Naku kung ako yan, ititigil ko na agad kung ano man ang meron samin kasi ayoko namang mahirapan ng ganon.

"Mahirap, sobrang hirap. Marami akong naka-away sa grupo, tutol din si papa nung una pero nang malaman niyang magkakaron na siya ng apo? Naku, abot langit ang tuwa ni papa, kaya worth it parin talaga lahat ng hirap, kasi kung hindi namin pinagdaanan yun, kung sinukuan ko si Marga, walang Pia ngayon" habang nagkukwento ay kita ko sa mga mata niya ang pinaghalong lungkot at tuwa, oo nga naman kung hindi sila lumaban wala siyang Pia ngayon haha. Depende parin talaga yun sa desisyon mo.

Heart Of A VampireWhere stories live. Discover now