Isang bad boy, iyon ang tingin ng lahat kay Levi. Walang ibang ginawa kundi ang makipagbasag ulo, isang happy go lucky guy na walang inaatupag kundi ang magpasarap sa buhay. Aral sa umaga at inom sa gabi. Subalit hindi alam ng karamihan na isa siyang matalinong estudyante.
Paglabas ng university na kanyang pinapasukan, diretso siya sa mga kabarkada. Nagkayayaan ang mga ito na magpunta sa isang bar at mag inuman. Hindi siya nakatanggi kaya napilitan siyang sumama..
"Pare, order lang ng order sagot ko lahat!" mayabang na wika ng isa sa mga barkada niya. Nag order nga sila ng maraming alak at nagpakalunod. Madali siyang tamaan ng alak dahil mababa ang alcohol tolerance niya kaya madali siyang nakatulog.
Alas 3 ng madaling araw na ng makaalis siya sa bar. Iniwan niya ang barkada doon habang tulog pa. Naglalakad siya pauwi ng may madaanan siyang babae na nag aabang ng masasakyan. Dahil sa likas na mabait kahit basagulero, nilapitan niya ito.
"Miss, nag aabang ka ba ng masasakyan? Walang nadaan na jeep dito. Matatagalan ka pag dito ka naghintay." wika ko sa kanya.
Napaatras ito at napahawak ng mahigpit sa strap ng bag niya. Gulat at takot ang nababakas sa maamo nitong mukha. Itim ang buhok nito, singkit ang mata at matangos ang ilong. May manipis din itong mga labi. Napatitig siya dito saka bahagyang ngumiti.
"Don't worry miss, hindi ako masamang tao." wika ko sa kanya. "Sabay ka na sa akin. Dadaanan ko yung sakayan ng jeep doon sa kabilang kanto." alaok ko sa kanya. Tumango siya saka sumabay sa akin sa paglalakad.
Kahit medyo madilim ay kita ko ang mukha niya. Sobrang amo ng mukha niya at malamlam ang mga mata. May kaliitan din ito dahil hanggang balikat ko lang siya.
Naisipan ko siyang kausapin upang makilala. "Ako nga pala si Levi. Ikaw?" pakilala at tanong ko.
"Yuri." tipid niyang sagot. Bahagya pa itong ngumiti at tila nahihiya.
"Bakit pala ginabi ka ng uwi? Delikado dito, saka ang dilim ng kalsada." tanong ko sa kanya. Lumingon lang ito sandali sa akin bago sumagot.
"Ano kasi, may O.J.T. kasi ako kaya lage akong umuuwi ng late. Saka doon ang daan ko, nagbakasakali lang ako kung may dadaan doon na jeep." sagot niya. Kaya pala. Marami ding company sa parteng iyon. Mga private company na tumatanggap ng mga student na On The Job Training. Kaya siguro doon din siya nadadaan.
"Sa susunod, wag ka magpagabi. Delikado doon." babala ko sa kanya. Malapit na kami sa sakayan. Nagpaalam lang siya sa akin at nagpasalamat. Tumango ako saka bahagyang ngumiti. Tinanaw ko ang paglayo ng jeep kung saan siya nakasakay.
**
Halos araw araw ay napapadaan ako sa kanto kung saan ko nakita noon si Yuri. Hindi ko alam kung bakit.. Pero may king ano sa loob ko na nag tutulak sa akin na gawin iyon. Kaya halos gabi gabi ay nasa may kanto ako. Nagugulat nga siya dahil sa nakikita niya ako doon. Katwiran ko palagi na napapadaan lang ako.
May mga gabi na dumadaan muna kami sa mga kainan bago ko siya ihatid sa sakayan. Minsan naman, kapag linggo kami nagkikita. Namamasyal kami tapos tatambay sa lumang park malapit sa village na inuuwian niya. Ganoon palagi ang routine namin. Masasabi ko na hindi lang mabait at maganda si Yuri. May kung ano sa kanya na magugistuhan ng sino man. Siguro iyon yung pagkakaroon niya ng sense of humor. Masarap siyang kausap at hindi nauubusan ng kwenta. Napaka jolly at palaging nakangiti. Mga ngiti niyang nakakaakit.
Noong nakaraang linggo nga niyaya ko siyang magdate. Pumayag naman siya kaya hindi ako nabigo.
"Saan tayo pupunta, Levi?" tanong niya sa akin. Naglalakad kami papunta sa sakayan. Dito kasi siya hinintay sa labas ng village nila.