Pahina 17

6.2K 179 10
                                    

Pahina 17

Magkasabay kaming umuwi ni Coreen dahil narin utos ni Papa sa amin. Gusto nya lang daw kaming makasama mag gabihan dahil buong isang linggo na dumaan ay nasa Kuala Lumpur sila.

As always, masiglang binati ni Coreen ang mga magulang namin habang ako ay nakasunod lang sa likuran nya. Agad rin kaming naupong magkapatid sa hapag.

Panay tanong si Papa sa kapatid ko kung kamusta sya pati ang pagaaral nya. Napaka sweet nya kay Coreen. Napaka supportive rin. Sa aming dalawa, si Coreen naman talaga ang planadong magpapatakbo ng business namin pero hindi ko naintindihan noon kung bakit nailipat bigla sa akin.

"Maiko, how about you? Kamusta ang school?"

"Ayos lang po Papa."

"Tumawag dito si Isabella kanina at hinahanap ka. Hindi nya ba alam na pumasok ka?"

"Busy po kasi sya. Hindi ko sya nakakasama nitong mga nakaraang araw."

Tumango tango lang si Papa habang nakatuon ang atensyon sa pagkain nya. Sinulyap sulyapan ko naman si Mama na matamis ang pagkakangiti sa akin. Buti nalang at nandito sya.

Matapos namin kumain ay hindi kami agad pinaalis ni Papa sa hapag. He looks deep in thought. He kept gazing at me na para bang may importante syang dapat sabihin sa akin.

"Next week isasama na kita sa farm, Maiko. And you Coreen, just go do your own thing, anak."

"What?"

"You heard me. I will train you, remember?"

"Pero sinabi ko na po na ayoko. Remember?"

"Hindi dahil ayaw mo, ay susundin kita. Ako pa rin ang padre de pamilya. You have to go with what i want you to do—"

"Papa! Ako nalang po! Ako naman po talaga yung gusto nyong magaral magpatakbo ng farm diba?"

"No Coreen, hindi mo kakayanin. Maiko can do it. Hindi ba?"

Agad kong nahampas ang lamesa at tumayo. Akala ko nagkaintindihan na kami noon. Sinabi kong ayoko pero bakit nya pa rin pinagpipilitan?

"No."

"Ano nanaman ba, Maiko?"

"I said no! Can't you understand that?" Hindi ko na napigilang mapasigaw dahil sa galit. Hindi ko alam pero kumukulo ang dugo ko ngayon.

Agad na tumayo si Papa at sinampal ako.

"Pinagsabihan na kita! Never raise your tone at me! Tumubo na talaga yang sungay mo! Pero let me tell you na ako ang mismong puputol nyan. Hindi mo na magawang sumunod sa akin. Hindi ka tumulad sa kapatid—"

"Yun na nga eh! Ginawa ko na nga lahat para tumulad kay Coreen pero you still see me as your puppet! Your robot! Hindi ako de-remote at hindi ako de-tali para kontrolin mo!"

Saglit akong tumigil at tinignan ang kapatid ko pati si Mama na panay haplos sa braso ni Papa para pakalmahin ito.

"For once! Just for once treat me as your daughter! Support me, love me, take care of me just like how you treat Coreen! Ako ang totoo mong anak baka nakakalimutan mo! Hindi ko alam kung anong ginawa kong kasalanan noon para parusahan mo ko ngayon pero one thing i know for sure, you just don't love me! You never did!"

"I'm not having any favorites, Maiko!"

"Talaga ba? Bakit parang hindi ganun yung nangyayari? Bakit pakiramdam ko mahal na mahal mo si Coreen habang ako, utusan mo lang. Yung tipong kailangan kong manginig sa takot kapag hindi ko nagawa yung utos mo samantalang sya, isang sorry lang ok na. Walang problema. Natural lang na magkamali. Pero ako hindi option ang pagkakamali! Dapat alam ko ang gagawin. Papa, hindi sa lahat ng oras kaya ko ang ipapagawa mo!"

"You don't understand—"

"Then make me understand kasi nakakabaliw na! Alam mo bang sa dinami dami ng tao dito sa bahay laging pakiramdam ko magisa lang ako? I've been doing everything para sa kakarampot na atensyon at pagmamahal mo pero hanggang ngayon wala naman akong nakukuha. Ano pa bang hindi ko nagagawa for you?"

Agad akong muling napaupo dahil sa panlalambot ng mga tuhod ko. I just can't control my emotions now. Talagang hindi ko na kinaya lahat ng kinikimkim ko at ngayon ay kusa ko ng nailalabas.

"Just so you know, kahapon, may pinuntahan akong psychiatrist. Ang sabi nya, I have this major depressive disorder daw. Depression. At alam mo ba kung ano agad ang unang pumasok sa isip ko na dahilan?... Ikaw! Never in my life did i think na masasabi ko to infront of you pero Papa, you ruined my life. Malapit na kong mawala sa katinuan ko dahil sayo."

Saglit akong huminto at nakitang nagsimula ng maluha ang pamilya ko. Isa isa ko silang tinignan. Pansin na pansin ko kay Mama pati na kay Nanay Delia ang pagaalala. Makikita mo talaga kung sino yung pinaka umiintindi at nagmamahal sayo sa ganitong sitwasyon.

Kahit di ko na gaanong maaninag si Papa dahil sa pagharang ng mga luha ko sa mata ko ay pilit ko paring ibinalik sakanya ang direkta kong pagtitig. I want him to feel every pain that i'm feeling. Dahil lahat nito, sya ang dahilan.

"Sa isang magdamag, Alam mo bang nagagawa kong makaubos ng mahigit sa isang kaha ng sigarilyo? Tuwing magisa ako, alam mo bang iniisip ko kung mas matutuwa ka kaya kung mawawala nalang ako? Nilulunod ko ang sarili ko sa pagaaral para hindi magisip pero nalulunod pa rin ako with the thought na ang dami ko pa rin palang dapat gawin para ituring mo ko na anak mo rin--" I paused a bit para humugot ng paghinga.

"Papa, i'm tired. I'm drained already. I want to go. I want to disappear. I already want to rest in peace pero agad agad pumapasok sa isip ko na ayokong iwan si Coreen. Si Mama. Si Nanay Delia. At kahit ikaw!"

Agad na lumapit sa akin si Papa and for the first time ay naramdaman ko ang yakap nya. Agad ko syang niyakap pabalik dahil alam kong kailangan ko na talaga ng makakapitan.

"Please save me! Save me from myself... I'm begging you. Please, help me."

"Shhh! Tahan na anak. Nandito si Papa. Tahan na."

Panay ako sa paghagulgol. I never felt so relieved in my entire life. Alam kong hindi ako nababaliw! May dahilan kung bakit ako nagkakaganito at ngayon na nailabas ko na halos lahat ng kinikimkim ko sa Papa ko, kahit papaano ay lumuluwag na ang dibdib ko.

"Tahan na anak. I'm so sorry! Ok? I'm really really sorry. I didn't mean to ruin your life or cause you too much pain. I'm sorry, Anak."

I know i'm not a perfect daughter nor a perfect person. But i still believe that i deserve better. I deserve to be happy. I deserve to be loved. I'm not asking for too much. Kuntento ako sa iilang taong nasa paligid ko. But everytime i'm alone in my room, alam ko na kuntento lang ako pero hindi ako talagang masaya.

Alam ko ang pakiramdam na mahalin ng isang ina pero ng isang ama, napakatagal ko ng gustong maramdaman yun. May tatay ako physically but emotionally? I don't think so. I really need him especially now.

I want to fight this bullsh*t! Hindi ako magpapatalo sa depresyong ito. Ugali ko yun. Ayoko lang dumating ang panahon na kainin ko ang pagtatapang ko at sumuko na sa depresyong ito.

US3: Her Retreat [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon