Pahina 19

9.1K 180 39
                                        

Pahina 19

Hindi kami tumatayo ni Ever kahit na kanina pa namin napansin yung kumusyon sa may science laboratory. Si Bella ang pumunta roon at inalam ang nangyayari habang ako ay panay tanaw lang at si Ever ay di inaalis ang earphone sa mga tenga nya.

"Huy! Ano kayang nangyayari dun? Nakita ko si Mrs. Chui na kakarating lang dun." Ayon ko matapos hatakin paalis ang isang earphone ni Ever.

"Ewan. Baka may nagaaway. Pabayaan mo silang makick-out."

Napanguso nalang ako bago nya isinalpak ulit ang natanggal ng earphone sa tenga nya. May paniniwala si Ever na minsan mahirap yung nangingialam ka kasi madadamay o mapapasama ka lang. Kaya siguro ganito sya ngayon.

Tanaw ko na papalapit na ulit samin si Bella. Ni hindi naman sya mukhang nagpapanic at panay irap lang sa hangin.

"Oh! Anong meron dun?" Agad kong tanong.

"Yung demonyitang kakambal ni Siemon, naglaro yata sa science lab. Ayun, May sumabog na isang experiment. Buti wala ng tao sa loob."

"What? Trouble yun! Mukhang this time mapapatalsik na si Sienna dito."

"I doubt it. Labas dito yung maganda ang quality ng pagtuturo sa school na to. Pero kahit papaano, katulad din sa iilang school, madali pa rin mapakiusap yung president, if you know what i mean. And in their case, Tito nung kambal yun."

Napairap nalang ako sa hangin. May punto si Bella. Ever since ay ganito na talaga si Sienna, ang kakambal ni Siemon. Matunog ang pangalan nya simply because sya ang pinaka kinakatakutan ng mga estudyante dito.

Yung babaeng yun, alam kong mabait yun. Nakita ko naman noon nung iginanti nya yung isang transferee dun sa tatlong mean girls wannabe ng school. Pero naiintriga talaga ako kung bakit kailangan ay maging iresponsable sya tulad ngayon. Kung sakali, pwede syang makapatay sa ginawa nya. Ano nanaman kayang problema nya?

"Those kinds of people are seeking for attention. Siguro. Baka. We'll never know. Pero sa talino nya, Imposibleng hindi nya alam na napaka delikado ng ginawa nya." Ayon ni Ever.

Sabay kaming nagkatinginan ni Bella kasi paano nya nalaman ang pinaguusapan namin eh kanina pa sya nakikinig ng music? Lalo na kung ano ang sinasabi ko sa isip ko. Suddenly, i felt my throat drying at di inaalis ang tingin kay Ever.

"Pwede ba? Pagbalik ni Bella, pinatay ko saglit yung music. It doesn't mean dahil nakakabit parin tong earphones ko eh wala na kong maririnig especially kung wala ng music. At isa pa, parepareho naman tayong nagiisip kung bakit ginawa ni Sienna yun diba? Sinabi ko lang yung thoughts ko so would you both please stop staring? I'm not a freak."

Huminga kaming malalim at pilit na ngumingiti kay Ever. Hindi sya galit base sa tono at tuloy tuloy nyang pagsasalita pero obviously, mukhang naiinis sya. Dahan dahan lang naming inaabot ang kamay nya para himasin at pakalmahin sya.

"Ito naman! Alam naman namin yun. Relax lang. Sorry na, ok?" Paglalambing ni Bella.

"Di ka pa ba sanay? Alam mo namang ganito kami lagi sayo kasi naaamaze lang kami. Sorry na ha?" Ayon ko naman.

Salubong ang kilay nyang pinagpapalit palit ang tingin sa akin at kay Bella habang kaming dalawa naman ay pilit na nginingitian sya. Isa pa to! Nakakatakot kapag nabibwiset na at hindi kami masanay sanay dahil napaka bihira tong mangyari.

Tumango lang sa amin si Ever bago isinubsob na ang mukha nya sa batong lamesa. Kailan kaya makukumpleto ang tulog nya sa bahay para hindi na nya gawing bedroom tong school?

"Ay! May gagawin ba kayo ngayong weekend?" Tumagilid ng tingin si Ever kay Bella at umiling bilang sagot.

"May gagawin ako." Sagot ko naman.

Her Retreat (Unpredictable Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon