Pahina 23

3.1K 74 0
                                    

Pahina 23

Kanina pa kami magkasama ni Bella na nakababad sa tubig dagat. I kept looking at Javier and Siemon na nakaupo lang sa puting buhangin at mukhang napapasarap ang kwentuhan.

"Walanghya ka talaga Javier. Tignan mo oh! May babaeng sinusundan ng tingin." Inis na ayon kay Bella. Bigla nya akong hinampas ng tubig habang tumatawa.

"Chill sis! May mata yang boyfriend mo. Kahit pag bawalan mo yan, gagawin at gagawin nya yan."

"Kahit na! Hindi talaga loyal. Bwisit!"

"Sis! Listen to me. Sinundan nya lang ng tingin. Kung as in tumayo sya at sinundan nya talaga, dun ka magalit. Dun sya hindi loyal. Ano ka ba? Lalaki yan, nature na nila yan."

Tumahimik nalang ako kasi naintindihan ko naman ang point nya. Nakakainis lang kasi syempre diba? Bilang girlfriend at tumingin pa sa iba ang boyfriend mo, nakaka insecure. Ibig sabihin nagagandahan sya dun sa babae.

Lumangoy nalang ako ng lumangoy para mapakalma ang sarili ko. Ng umahon kami ay tsaka ko kinompronta si Javier sa nakita ko. Pansin ko pa ang pag iling iling lang ni Bella.

Mabilis ang pagdilim ng langit. Nagkayayaan naman kami na sa isang restobar nalang mag dinner at magpalipas ng oras. Maganda talaga ang lugar na to. Kahit ang vibes sa restobar na kakainan namin ay masaya. Buhay na buhay pala itong resort pag ganitong oras.

"Oy! Inom tayo." Pagyayaya ni Bella.

Kaya habang kumakain kami ay sya ring pag inom ng mga kasama ko. Tumanggi na ako kasi wala ako sa mood uminom ngayon at baka isa o pareho pa silang malasing. Walang magaalalay sakanila.

"Si Tangco? Nasaan yun?" Tanong ni Bella.

"Nandun sa isang kabilang bar. Nga pala, kung mas maaga ka makabalik sa kwarto nyo, wag mo na hintayin yun. Baka nga di yun sa kwarto nyo matulog." Sagot naman ni Javier.

"The hell with him. Di ko talaga sya hihintayin noh! Nanay nya ba ako? Tsaka mabuti yun. Mamaya kung sino sinong babae kinakalantari nun tapos dun sya bigla sa kwarto namin matutulog? Eww! Yung germs!"

Nagtawanan nalang kami ni Javier habang umiiling. Tuloy tuloy ang kwentuhan naming tatlo at kitang kita ko sa kaibigan ko na parang nakakalimutan na nya ang problema nya. Well, sana.

It's almost 2am. Nagpaalam na si Bella kanina pa na babalik na sya sa kwarto nila. Nakaramdam na siguro ng pagod. Kami rin ni Javier ay nagdecide ng magpahinga.

Mabilis akong naglinis ng katawan bago tumabi sa mahal ko. He was just watching tv ng tabihan ko sya at yakapin. Di naaalis sa palabas ang mata nya kahit ng halikan nya ako sa noo.

"Basketball? Wala bang iba?" Ayon ko.

"Fourt quarter nalang yan mahal. Matatapos na rin. Please yan nalang!"

Ngumiti ako bago tumango bilang sagot. Siniksik ko ang mukha ko sa bandang kili kili nya at nilalaro sya na parang bata pero di pa rin sya natinag at naka focus pa rin sa basketball nya.

Natapos ang game kaya sa akin naman ang remote control ngayon pero lahat na yata ng channel nakita ko na pero wala akong mapanood. Anong oras na rin kasi kaya wala ng magandang palabas. Ang kaso, hindi pa ako inaantok.

"Mahal, tulog na tayo." Ayon ni Javier.

"Mauna ka na, hindi pa ko inaantok eh"

"Ok. Wag ka na magpuyat ha! Yakapin mo na ko."

Siniko ko ang dibdib nya kasi para syang bata.

"Ikaw nalang! Kitang mo ng manonood ako eh" Tumatawa ko namang sagot. Agad nya nga akong niyakap at sumiksik sa akin na parang ang liit ng kama namin.

Ibinaon nya ang ulo nya sa bandang leeg ko. I can feel his hug na sobrang higpit. It feels so nice. I feel safe. I feel loved. Saglit ko syang tinignan at inalam lang kung baka nakakatulog na sya, pero hindi. Nakatitig rin sya sa tv na hanggang ngayon at pinapalipat lipat ko ang channel.

Iniangat nyang bigla ang ulo nya at tinitigan ako. I can sense him staring at me pero ayokong sumabay ng titig rin kaya playing cool lang ako.

"Mahal." Bigla nyang tawag sakin in his soft, husky, manly tone.

"Hmm?"

"Mahal na mahal kita." I looked at him and smiled.

"Mahal na mahal rin kita."

"Wag mo na ko iiwan ulit, please?"

Umayos ako sa pagkakahiga bago sumagot para matignan ko syang mabuti at diretcho.

"I won't."

"Pangako?"

Hindi ako agad nakasagot. Parang may pumipigil sa bibig ko. Patuloy lang ako sa pagtitig sakanya hanggang napansin ko ang pag kunot ng noo nya. He's getting frustrated dahil di ko masagot agad at ng direkta ang tanong nya.

"Nagsisinungaling ka ba sakin jan sa i won't mo?" Seryoso nyang tanong.

"Hindi. Seryoso ako dun." Agad pero medyo utal utal kong sagot

"Then bakit di ka nangangako?"

"Kasi... Well... Ayoko."

"Huh?"

Naupo ako at hinarap sya. Umupo rin naman sya habang panay haplos sa buhok ko.

"Anong problema Maiko?"

"Well, ayoko lang mangako. First of all, promises are meant to be broken--"

"No. Promises should be kept and done."

Yumuko ako at umiling habang bumubuntong hininga.

"Javi, ganito kasi yan. Ayokong mangako dahil di natin alam ang pwedeng mangyari bukas. If i make a promise to you, and then something happens na wala ng ibang choice kundi maghiwalay ulit tayo, then magmumukha akong walang isang salita. Magmumukha akong di marunong tumupad sa pangako when in fact, magagawa ko lang yun kasi wala ng ibang choice."

"Maiko, may iba pang choice. Listening, understanding, forgiving, moving on. Ilan lang yan sa pwede mong piliing gawin bago ka humantong sa pakikipag hiwalay. Kasi if you love your partner, letting go will never have to be an option."

Tumahimik ako at tinitigan ng diretcho sa mata si Javier. I know he's right. Pero ugali ko na siguro na kontrahin ang sinasabi ng iba at paniwalaan kung ano talagang sariling opinion ko.

"You need to listen to me, mahal. Kahit ngayon lang. Try to accept my opinion, my say to this matter. Kilala kita, kung anong nasa isip mo, yan na yun. Try to retreat and take anothers explanation."

He hugged me real tight. I'm just out of words kasi ang nasa isip ko lang ay yung sarili kong opinion o desisyon dahil kung yun nga ang gagawin ko, at least di ako masasaktan sa huli. Masyado kong pinoprotektahan ang damdamin ko up to the point na nagiging bingi na ako sa sinasabi ng ibang tao.

"Promise. Hindi na kita ulit iiwan." Pagbulong ko sa tenga nya. Dahan dahan syang kumalas ng yakap sa akin. Unti unting lumalawak ang ngiti nya kaya ako rin ay di maiwasang mapangiti nalang.

Sinunggaban nya muli ako ng isang mahigpit na yakap habang patuloy na nagpapasalamat.

I don't know if this is right. I don't know if it's time to retreat. I don't know if what i did will end up good or bad. But all i know is i'm doing something that scares me and i'am now willing to take this risk while still hoping for a positive outcome.

US3: Her Retreat [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon