Pahina 24
"Wow! Someone's in a good mood today. Anong meron, sis?"
Nakangiti kong tinignan si Bella pati si Ever na nasa likod nya. Si Bella ay may halong pagtataka sa mga expresyon nya na para bang ngayon lang ako ngumiti ng ganito. Kung sa bagay, ngayon na nga lang pala ulit.
"Bella, it's almost their monthsary." Ayon ni Ever bago naupo sa gilid ko.
"Ohh! Ang bilis ha! Mag aapat na buwan na kayo." Sagot naman ni Bella bago naupo sa harapan ko.
Naghahanap palang naman ako sa internet ng ideas kung paano ko masusurprise si Javier. He made an effort for me last time kaya gusto ko namang subukan na ako naman ang mageffort para sakanya.
"Kaya nga eh! Last month, he suprised me. Kaya ako naman ngayon. Hwag kayong madaldal ha! Pag nalaman nya 'to kayo lang ang sisisihin ko."
Hindi sumagot ang mga kaibigan ko at pasulyap sulyap ko lang silang tinitignan dahil nakatuon parin ang atensyon ko sa phone ko. Their silence become too mysterious kaya ibinaba ko ang cellphone ko at pinagmasdan sila.
Panay iwas ng tingin sa akin si Bella habang si Ever naman ay kitang kita ko ang pagpisil sa braso ni Bella.
"Anong problema?" Tanong ko.
Wala akong makuhang sagot sakanila at halatang halata na parang may gusto silang sabihin sakin pero pinipigilan nila.
"Isa pa. Anong problema? Kapag wala pang sumagot sainyo, aalis na ko dito—"
"Bella!"
"Oh! Bakit ako?"
Pinandilatan ni Ever si Bella at ng masindak ito ay tsaka lang ny ako nagawang tignan ng diretcho sa mata. Hindi sya mapakali sa kinauupuan nya at panay pisil sa sariling kamay.
"Hindi kasi namin alam kung paano sisimulan at kung kailan sasabihin sayo. Just remember that we love you and we care for you! All we want is your happiness at hinding hindi kami kokontra sa kung anong nagpapasaya sayo. Kaso..."
"Kaso ano? Bella, Wag ka ng pasuspense! Umiikli na talaga yung pasensya ko sa—"
"We saw Javier with another woman. Sa may gym ng school. And yes, they're making out." Direktang paningit ni Ever sa gitna ng pagsasalita ko.
Napaayos ako ng upo at mas tinignan pa sila ng seryoso. Alam kong mali na makinig basta basta sa rumours kahit na galing iyon sa mga kaibigan o malalapit sayo.
Pero ang agad na pumasok sa isip ko ay, Baka totoo. Dahil noon nagawa na nya sakin yun. Minsan na akong niloko ni Javier. Sa ganitong paraan rin. Pero talaga bang may posibilidad na ulitin nya pagkatapos nyang mahirapan na makuha ako uli?
"Maiko, pwedeng hindi ka maniwala samin. Pwedeng sabihin mo na gumagawa lang kami ng kwento kasi nasabi namin noon na hindi kami sangayon na makipagbalikan ka kay Javier. Pero isipin mo sana, ayaw na ayaw ka naming masaktan at pagdaanan nanaman yung nangyari sayo dati." Ayon ni Bella.
Hindi ako makapagsalita. Para bang umurong nalang bigla ang dila ko. May nangingilid na luha sa gilid ng mga mata ko at pinipigilan kong bumagsak iyon. Ayoko! Ayoko ng umiyak! Masaya na ako eh. Masaya na talaga dapat.
Yumuko ako at panay pasada ng hawi sa buhok ko na baka sakaling dun pwede kong mapigil na maiyak talaga. Pero hindi ko kaya. Ikinulong ko sa mga palad ko ang mukha ko at tuluyan ng umiyak.
Heto nanaman ba ako? Pero bakit? Masaya na kami eh. Wala akong nararamdaman na magiging problema pero, sh*t! Kapag talaga masaya ka, kasunod ay lungkot. Hindi talaga papayag na masaya lang. This is so unfair!

BINABASA MO ANG
Her Retreat (Unpredictable Series 3)
Ficção Geral[Unpredictable Series III] WARNING: Some chapters in this story contains mature scenes that may not be appropriate to readers 17 and below. Maiko Bernadette Villafuerte takes everything seriously. Wala syang panahon sa mga laro o pagbibiro. Kah...