Pahina 26
"Thank God tapos na tayo!"
Tama si Bella. Thank you lord at nakapagtapos na kami! Naka-graduate na kami. And now we need to welcome ourselves to the real world.
"So, ano ng balak nyo?" Tanong ni Ever.
Magkakasama kami dito sa bahay nila Ever. I just wish na sana kahit dumating yung panahon na pare-pareho na kaming busy ay magawa pa rin namin yung ganito na magsama sama just to chill.
"Ako, kailangan ko ng maghanap ng trabaho. I wont take that stupid board exam. Ayoko naman talagang maging medical technologist. I need to enter the world of fashion and make the world see how good i am."
Dahan dahan kaming pumalakpak ni Ever para sa makabagbag damdaming speech ni Bella. Ofcourse, fashion is what she's good at at kung tingin nya na doon sya nararapat at yun talaga ang gusto nya, we're just here to support her.
"Ikaw Maiko? Ayaw mo rin maging medtech diba?"
"Uhm.. Not anymore. Well, syempre pinangarap ko talaga maging interior designer pero actually, gusto ko na 'tong ituloy. After what happen to Coreen, mas niyakap ko na ang pag memedtech. Actually, baka pwede ko 'tong ituloy sa pagdodoctor. What do you think?"
"Sis! Awat na oh! Maawa ka naman jan sa utak mo. Alam naming matalino ka pero wag mo naman syang abusuhin. Kung nakakapagsalita lang yan baka minura ka na! Kalma lang."
Natawa nalang ako sa isinagot ni Bella. Nasagi lang naman sa isip ko na magdoctor pero medyo tinatamad narin naman ako. Magrereview nalang ako at kukuha ng board exam at pag naipasa ko yun, then that's it.
It's been just a week after namin makapagtapos. Siguro ngayon chill lang muna, baka kailangan rin namin yun. Pero after this, kilos kilos na ulit.
Nakwento ni Bella na maghahanap muna sya ng trabaho and then magaaral muna sya sa kursong fashion design. Mabilis na naman dun at baka kaya nya naman pagsabayin lahat.
Ever is just staying cool as always. May flower farm ang mommy nya at pinili nyang ituon ang oras at panahon nya na tumulong sa pagpapatakbo nun. Hindi gaanong matrabaho at bagay talaga sakanya.
"Nabalitaan nyo na? Aalis na si Javier. I heard that his dad wants him to help manage their business outside the country and then tsaka sya magsisimula ng sarili nyang business." Ayon ni Bella dahilan para matahimik ako.
"Kanino mo nabalitaan?" Tanong ni Ever.
"Uhh... Narinig ko lang. Jan lang sa tabi tabi."
"Well, ako rin. I heard you're with a guy last night. Sakanya mo ba nabalitaan?"
"Ever! Ano yang sinasabi mo? I was- It's just- Actually- Oh forget it!"
Pansin ko ang agad na pagngisi ni Ever. Alam na alam nya talaga kung paano mapipikon at inisin si Bella.
"So? Hindi ka ba magpapaalam?" Tanong sa akin ni Ever.
Saglit akong natahimik at tinitigan sya. Ofcourse gusto kong makita si Javier bago man lang sya umalis. Pero pwede ba? Nung magkita kami sa mismong araw ng graduation namin ay halatang halata ang pagiwas nya sa akin. Maybe naging selfish nga ako at sinaktan sya pero i just want me to feel better.
Naiintindihan ko kung bakit sya galit. At mas naiintindihan ko kung bakit sya lumalayo. Alam ko naman sa sarili ko na mahal ko pa rin sya pero kailangan ko lang mamili. At mas pinipili ko na mahalin muna ang sarili ko.
"Nagpaalam na ko last time we talk, right?"
"Pero ibang pagpapaalam naman yun sis!" Huminto saglit si Bella at inayos ang pagkaka-upo nya na parang may kung ano pang lecture ang sasabihin sa akin.
"Imagine this. Maraming taon ang dadaan bago sya bumalik dito. You still love him. Paano kung along the way may makilala sya and then bam! Uuwi lang sya dito kasama yung babae para ipamalita ng personal sa mga kaibigan nya na ikakasal na sya and the worst part? Madadatnan ka nyang single kasi pinili mong hintayin sya ng hindi nya alam."
"Bella, it's not like that."
"Alam mo? Medyo nakakainis ka na! Ano bang pumipigil sayo? Look, kapag nagmahal ka natural na masasaktan ka! Kasama lagi yun. Ok sabihin na natin na nagawa mo na syang bigyan ng second chance and hindi nagwork. So what? Give him his third, fourth, fifth and so on chances. Trabahuin nyo yang relationship nyo kaysa idaan nyo sa hiwalayan kahit mahal nyo naman talaga ang isa't isa."
Tumahimik nalang ako at di na sumagot pa. She got a point there. I really do love Javier. So much! Natatakot akong masaktan ulit pero as i look at it, kaya ko naman. Kaya kong ayusin ulit ang sarili ko. Kaya kong bigyan sya ng isa pang pagkakataon simply because i'm still holding to the thought of him loving me. Alam ko yun! Nararamdaman ko yun.
"Wow. To think na ayaw mo kay Javier para kay Maiko ha?"
"Yes, ayoko pa rin sakanya para kay Maiko, Ever. Pero alam ko at alam mo rin naman na si Javier lang talaga ang mahal nitong bruhang to! Hindi naman ako ang masusunod kung sinong dapat nyang mahalin. What i'm doing is just pushing her to be with the man she loves that makes her happy. Eh ano naman kung ayaw ko sakanya diba? Kung sya ang nagpapasaya kay Maiko, tatahimik nalang ako at susuportahan sya—"
"I need to go."
"Oh! Naglelecture pa ko tapos sasabayan mo ng alis? Kailan ka pa naging pikunin Maiko?"
"Shut up Bella! Akala ko ba you're pushing her to the man she loves? Malamang aalis na sya para sundan si Javier."
Parang wala ako sa sarili na basta kinuha ang susi ng sasakyan ko at tumakbo palabas ng bahay. Tama ba tong gagawin ko? May madadatnan ba ko? Maiko you're so stupid! Ang tanga tanga mo para maginarte tapos ngayon matataranta ka!
"Sis! Wag sa bahay nya! Dumeretcho ka kila Zancho, dun sya manggagaling." Sigaw pa ni Bella.
I want to ask her kung paano nya yun nalaman pero wala na kong oras. Kapag nagbagal bagal pa ko ay baka wala na nga talaga akong maabutan.
Pinaharurot ko ang sasakyan ko papunta kila Zancho. Sa isip ko ay panay dasal ako na sana ay di pa sya nakakaalis. Sana nandun pa sya. Kung wala na, sana maabutan ko pa sya sa airport, sana madelay ng habang buhay ang flight nya.
"Zancho? Zancho! Are you there—"
"Oh Maiko—"
"Where is he?"
"Maiko? Anong problema? Sinong hinahanap mo?"
"Sera i need to know! Nasaan sya? Si Javier."
Natahimik si Zancho, Sera, Keeno, Lulu at Cairo at nakatitig lang sa akin. Lumapit sakin si Keeno at hinawakan ang balikat ko.
"He— he left. Kanina pang umaga."
"Huh? Anong oras yung flight nya? Baka maabutan ko pa—"
"Maiko, for sure nakaalis na yung plane na sasakyan nya. Hindi mo na sya maaabutan." Ayon naman ni Lulu.
Napayuko ako at nasapo nalang ang noo ko. No! Ang tanga tanga ko kasi! Ano ng gagawin ko? Pano kung magkatotoo lahat ng sinabi ni Bella. Pano na ko?
"Oh! Ngayon ka lang pumunta?" Nilingon ko ang kararating lang na si Siemon kasama si Damian.
"Akala ko aagahan mo. Akala ko rin kinontra na talaga ng kaibigan mo yung plano ko na baka mapigilan mo si Javi kaya hindi nya agad sinabi sayo." Ayon pa ni Siemon.
Parang nanghina ang mga tuhod ko at kusa nalang ako bumagsak. I began crying. Wala na! Nakaalis na sya. Gustong gusto kong bugbugin ang sarili ko dahil sa katangahan ko. Ilang taon kong dadalhin tong pagsisisi ko dahil rin sa sarili kong kabobohan.
Once again, pinatunayan ko nanaman na matalino lang ako sa pagaaral. Pero pagdating sa buhay, napaka bobo ko talaga.

BINABASA MO ANG
Her Retreat (Unpredictable Series 3)
Ficção Geral[Unpredictable Series III] WARNING: Some chapters in this story contains mature scenes that may not be appropriate to readers 17 and below. Maiko Bernadette Villafuerte takes everything seriously. Wala syang panahon sa mga laro o pagbibiro. Kah...