The Meet

10 0 0
                                    

"AAAAH! Napaka boring naman ng hapon nato. Ano ba?" sigaw ko dahil mababaliw na ata ako sa walang magawa dito sa bahay.

Summer kasi, so ibig sabihin. Walang Pera = walang pang gala = tambay sa bahay = BORING!

So ang ginawa ko, tinawag ko ang aking pinakamamahal na pinsan na si Angie. Nasa iisang bahay lang kasi kami nitong babaeng to.

"HOY Angie, gala tayo. Mamamatay akio sa boring ng bahay nato!"

"At kailangan sumigaw?!"

"Oo! Halika na bilis! Libutin natin tong lugar na'to. Mamamatay ako dito sa bahay dahil sa walang magawa!"

" Sige, kain nalang din tayo ng Halo-Halo"

"Sige, libre mo ko"

At yun na nga. Umalis kami ng bahay at linibot namin ang subdivision namin.

Napadpad kami sa Halo-Haloan ni Angie, at ayun nga kumain kami. At KKB. Walang hiya talaga tong pinsan ko. Hindi marunong manlibre.

So kumain kami ng kumain, nang may dumaan na mg lalaki. Friends ko sila. At oo close ko. Malapit ako sa mga boys, di ko kasalanan. Masaya silang kasama.

"Kuya Dwight!" tawag pansin ko kay kuya ko. Kuya kuya ko siya kasi mas matanda siya sa akin ng tatlong taon. 

"Uy, Kyrie! tamang-tama, may ipakilala ako sayong KEKE!"

"Hay, Kuya. Not interested. Sorry"

"Ang OA nito, pakilala lang nga. Uy, nandiyan ka pala Angel. haha, pasensya di kita agad napansin" 

"Che!" sagot ni angie, haha. an tahimik kasi nitong babaeng to.

"Uy, Jong! halika nga dito, ipakilala ko na sa iyo yung sinasabi mong kaibigan kong maganda"

Wow, sinabi pang maganda ako. haha, Jamming agad.

At ayun, lumapit nga yung si Jong. At ngumanga ako. Yang JAWDROP oo yung Nakabuka yung bibig at lalabas na yung laway. ew

Bakit?

SIYA LANG NAMAN PO YUNG LALAKING GWAPO ANG SARAP NG KATAWAN (NAPAKADUMI NG UTAK KO) NA NAKIKITA KO PARATI SA KANTO NA NAGHIHINTAY NG SASAKYAN!

"Huy Kyrie! napano ka?! para kang nakakita ng taon may maraming ulo!" pukaw saki ni Kuya Dwight dahil sa mukha kong gulat at di makapaniwala sa lalaking nasa aking harapan.

"Ay sorry. kuya sigurado kang kaibigan mo siya? bakit ngayon ko lang alam? Bakit di mo sinabi sakin? Ano ka ba?!"

Sabi ko sabay hampas sa kanyang kamay dahil naiinis ako dahil kilala niya pala yung si JONG na napakagwapong lalaki. Lalamunin na ata ako.

"At ano ba ang problema mo? AAt kailangan magtanong sabay hampas?! ano ka ba, kaibigan ko nga eh."

"Oh Jong, Kausapin mo yan si Kyrie parang nabaliw ata sa appeal mo!"

Yan ang sinabi ni Kuya Dwight sa kay Jong na may halong pang iinis para sa akin. NAKAKAHIYA ka Kuya! :(

Ano, Paano bato. Palapit siya sa akin. Anong gagawin ko? Kasi naman to si Kuya Dwight eh. aaaaaah! 

"Hello, Kyrie" Sabi ni Jong with matching smile.

At matutunaw na ako in any minute dahil sa ngiting yan. please tama na. Ayoko ko naaa :(

"Huy ate, laway mo tutulo na!" Sabat ni Angie

Lang hiya tong pinsan to. At binigyan ko lang siya ng Death Glare dahil sa sinabi niya sa akin. Pahiyain pa naman ako.

"ah eh. hehe. Hello rin, Kyrie" Sabay abot sa kanyang kamay na nakalahad sa aking harapan para makipag shake hands sa akin.

WAAAAA! mababaliw na ako, nahawakan ko ang kamay niya! Ang lambot Shet, paano ba'to! Baliw na ata ako. Haha

"Alam ko, tinanong ko na kasi pangalan mo kay Dwight."

At nag peace sign pa ang mokong na kuyang to sakin.

 "Siya pa lang kasi ang kaibigan ko dito eh, pero ngayon isa ka na rin sa kaibigan ko" dagdag pa ni Jong.

At wala na nag blush lang naman po ako sa harap niya. Nakakainis siya.

"AAh, sure magiging mapagmahal akong kaibigan sayo" 

HALA! anong sinabi ko?! mapagmahal?! hindi-hindi. ulit. take two!

"Ay este, maging Mabait ako na kaibigan sa iyo Jong"

"Alam ko Rie" sabay smile.

Ano ba naman yang smile na yan. kakainis naman eh. At binigyan na niya ako ng nickname. haha. "Rie" eeeeh :')

"Hoy Kyrie, halata kang kinikilig" sabi ni kuya Dwight

"Che! Hindi kaya!"

"Rie, tara sabay sabay nalang tayo maglakad para masaya" sabi ni Jong

" OO, buti pa. Kuya Dwight, ikaw nalang kakausapin ko. inichapwera na ako nitong ate ko" sabi ni Angie na may tonong parang nagtatampo.

At ayun nga, sabay na kaming umuwi nila Kuya Dwight, Angie at ni Jong. Pero syempre ang katabi kong magalakad ay si Jong. Nag kwentuhan lang kami tungkol sa iba't ibang bagay at HINDING HINDI AKO MABOBORING SA KANYA. Why? Dahil ang sarap lang niyang kausap. hehe

Dahil ng sa sarap ng kwentuhan namin eh, di ko na namalayan na nasa bahay na kami at panahon na para kami maghiwalay. OA lang

"Hoy ate, nasa bahay na pala tayo. May balak ka pang pumasok o jan ka nalang parati sa labas?" Inis na sigaw ni Angie sa kin kaya naman

"Sige, Jong. Sa susunod. Pasok na ako kasi nag aapoy na ang pinsan ko"

"Sige Rie. Ingat ka"

"Ingat rin" sabay smile ko at talikod papasok ng bahay

"Kyrie!" tawag ulit sakin ni Jong

Syempre lingon agad ako

"Libre ka ba bukas? kita tayo sa court lang, maglalaro kasi ako ng basketball, gusto ko andun ka :)"

eeeeeh, kasi naman eh. 

"Oo naman. Sure pupunta ako dun ng mga 4"

"Sige see you" 

At yun nga umalis na sila ni Kuya Dwight. Hala, hindi ko na napansin si Kuya Dwight. itetext ko nalang yun. haha. Kasi naman tong si Jong eh. Grabe pakilig ang sarap lang suntukin. hihi

Iba rin ako kiligin no? manununtok ng tao. 

_____________________________________________________________________________

Authors Note:

So this is it. my first chapter. Not edited so sorry for the typos and other mistakes. HOPE YOU LIKE IT :*

Comment and Vote <3 Will be updating soon :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 08, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Because it's BULLSHITWhere stories live. Discover now